Tumingin sakin ang lalakeng mukhang lider nila, yung lalakeng umupo sa mesa kanina "Bakit ha? shota mo ba to?" nakangisi niya akong nilapitan at akmang aakbayan sana ako pero bigla siyang napatigil
"Dexter pot*ngina!" sigaw ni Carlo at galit na galit ito
Napatawa ang lalakeng akmang aakbay sakin na tinawag ni Carlo na Dexter at lumayo mula sakin bago nagseryoso amg mukha at inihanda ang kutsilyo sa kamay nito.
"Tara, tutal nandito na din kayo mg grupo mo magharap-harap na tayo. Matira ang matibay" panghahamon nito sa grupo nila Carlo ngunit sa tingin ko ay walang kalaban-laban ang grupo niya kaysa kela Carlo dahil sa gami nila at sa mga hawak nilang armas ay wala na silang pantapat rito
Umigting ang panga ni Carlo at ngumisi bago ipwinesto ang baseball bat sa lupa "Huwag mo akong hinahamon bata, baka basag yang mukha mo kapag ako ang tumira"
Pero napalingon kaming lahat at nagtakbuhan na sila noong marinig namin ang siren ng police mobil. Nagulat akong tumingin sa lalakeng humila saakin ng pabigla paalis mula sa lugar na iyon. Nagpahila na lamang ako kay Carlo habang tumatakbo kami paalis kasama ng mga grupo niya, tumakbo lamang kami hanggang sa makarating kami at tumigil sa isang madilim na bahagi ng kalye na kung saan ay iisang street light lang ang meron at hindi na ito maabutan pa ng mga pulis. Hingal na hingal kaminh napatigil sa pagtakbo.
"Lintek na yan, bakit ba kasi dumating yung mga yun. Kung hindi lang sana sila dumating ay baka napulbo na natin ang grupo nila Dexter" sambit ng kasama niyang si Spencer habang nakasandal sa paded na hinahabol rin ang hininga
"Pabayaan mo na may mga oras rin sakin yung mga duwag na yun" sigang sagot naman ni Carlo
Tinignan niya ako at hinawakan ang kamay ko at nakita niya ang sugat rito dala ng pakikipaglaban ko kanina sa kanila "Sinong gag*ng nanakit sayo?!babaliin ko talaga mga buto nila!"
"Ano ba Carlo, tumigil ka nga. Puro ka nalang away" sermon ko sa kanya at binawi ang kamay ko
Nagulat naman ang mga kasama niya sa inakto ko at napatingin sila samin "Hoy babae, alam mo bang matagal na kitang hinahanap ha? at ngayon ka pa lang talaga nagpakita?" nakakunot ang noo niya at mukhang ibinalik niya naman sakin ang panenermon
"Sino ba kasi nagsabing hanapin mo ako? bakit hindi mo nalang unahing ayusin ang buhay mo? are you really contented na ganito lang? na ganito ka lang habang buhay?" inis kong tanong "Bakit parang wala kang ka-plano plano sa buhay mo? Carlo hindi pa huli ang lahat, there's still time for change"
Napaiwas siya ng tingin at seryosong itinuon ang paningin sa ibang anggulo at mukhang napikon siya sa sinabi ko at nararamdaman kong parang gusto niyang sumabat pero pilit niyang pinipigilan ang kanyang sarili "Ito ang kinalakihan kong buhay, at sila ang pamilya ko" iritado niyang sagot at tinignan ang mga kagrupo niya
"Pwede pa kayong magbago, bakit niyo ba pinipili ang ganitong buhay?"
"Wala kang alam."
Hindi na ako nagsalita at tumalikod na lamang, bakit ba ganito sila? mas pinipili nila ang magulong buhay na ito. Parang mas ginugusto pa nilang makipag-taguan sa mga pulis kaysa ang mamuhay ng payapa at simple. Naglakad siya papunta sa harap ko at kinuha ang kamay ko at pinanood ko siyang lagyan ng band aid ang sugat ko at dahan-dahan itong inilagay bago ako tinignan at tinitigan. Hindi ko alam ngunit nakipagtitigan ako sa kanya ng ilang minuto. Halata ang pagod at antok sa kanyang mga mapupungay na mata, ang magulo niyang buhok at ang mapupula niyang labi na basag dahil sa pakikipag-basag ulo.
Kaagad akong uniwas ng tingin noong napagtanto kong napatagal na kami sa pagtititigan sa isa't-isa. "Ihahatid na kita pauwi, mahirap na at baka tambangan ka nila Dexter"
"Hindi na, kaya kong protektahan ang sarili ko" depensa ko para lamang gawing rason para hindi niya ako ihatud
"Ah talaga? e ano nga yung kanina? may katapat ka ba sa kanilang grupo kung sampo ang bilang nila at iisa ka lang?"
Hindi na ako sumagot at naglakad na paalis pero nanlaki ang mga mata ko noong bigla akong buhatin ni Carlo at naghiyawan ang mga kasama niya mula sa likuran. "Hintayin niyo ako, babalik din ako" habilin ni Carlo sa kanila at binuhat na ako palayo
Pilit akong nagpumiglas at nagtagumpay ako dahil nakababa ako mula sa kanya at galit siyang tinignan dahil sa ginawa niya. "Ano ba! nakakairita ka na!"
Pero nanatiling seryoso ang kanyang mukha at biglang lumapit sakin at binuhat ako ng sapilitan pero ginamit ko ang lakas ko para makababa at aktong sasampalin ko na siya ngunit nasalo niya ang braso ko at pabiglang ibinaba ito.
Mukhang wala na yata akong magagawa kundi ang hayaan na lamang siyang ihatid ako pauwi. Dahil baka hindi ko na siya mapipigilan pa. Nauna na akong maglakad habang siya ay nakasunod sa likuran ko pero nanatili parin ang distansya sa pagitan namin. Tahimik lamang ang gabi ngayon at para bang kaming dalawa lang ang narito ngayon, hindi masyadong mabilis ang lakad ko ngunit hindi rin naman mabagal. Ang tahimik ng paligid ngayon at walang katao-taong naglalakad o naka tambay sa mga gilid-gilid. Malamih rin ang simoy ng hangin ngunit mabuti na lamang at naka sweater ako ngayon upang panangga sa lamig. Pagdating ko sa labas ng apartment building ko ay hinarap ko na siya at sakto namang tumigil siya sa paglalakad at tinignan ang buong paligid.
"Letse naman, nandito ka lang pala nakatira" seryoso niyang reklamo at kinabisado ang paligid
"Salamat sa paghatid, aakyat na ako" tumalikod na ako pero naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko kaya napalingon ako
Nanlaki ang mga mata ko noong bigla niya akong halikan. Hindi ko alam pero hindi ako gumalaw o hindi ko man lang siya pinigilan. Ang tanging naaalala ko lamang ay nagpadala ako sa kanyang mga halik.
#Unexpexted_Mistake
#precxxious
BINABASA MO ANG
Unexpected Mistake
Mystery / ThrillerNaatasan sa isang mapanganib na misyon, mapanganib man ngunit balewala ito kay Nikki basta't makapaglingkod lamang sa inang bayan. Buhay ang nakataya, ngunit handang isugal para sa kapayapaan at katahimikan. 2107, apat na numero, ang silid na kanyan...