13

136 2 0
                                    

Now Playing: Superhero Mo-Ex Battalion
September 30, 2019
9:09 pm

Kumalabog ng malakas ang puso ko, hindi dahil sa kinakabahan ako para sa kaligtasan ko pero dahil sa kaligtasan niya.. Tinignan ko siya at ganun din siya, ilang segundo kaming nagtitigan na para bang nagiisip kung ano bang dapat gawin. Ano bang dapat kong gawin?

Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lamang hinila ang braso niya at nagtataka siyang tumingin sakin. Tumakbo kaming dalawa pababa sa third floor, habang pababa ay nakita naming nagsilabasan lahat ng mga tao sa bawat kwarto nila, kaagad kaming pumasok sa silid ni Carlo at nilock ko kaagad ang pintuan pagkapasok namin.

Hingal niya akong tinignan "Anong ginagawa mo?"

"Kunin mo na lahat ng mga gamit mo"

Mukhang naguguluhan siya sa sinabi ko at maging ako ay naguguluhan din sa ginagawa ko ngayon pero bahala na. "Ano?"

"Kunin mo lahat ng mga gamit mo, at ngayon na rin siguro ang tamang oras para ilabas mo ang baril ko"

Kumakabog sa kaba ang puso ko dahil hindi ako sigurado sa mangyayari ngayon. Inilagay niya lahat sa isang black na bagpack ang lahat ng kanyang mga gamit at ibinato sakin ang baril ko at nasalo ko naman ito. Chineck ko at may anim na bala pang natitira, kasya pa siguro ito pangdepensa niya.

Isinuot niya ang hood niya at isinabit ang bagpack sa likuran niya at tinignan ako nang nagaalala "Anong plano mo?"

"Kailangan mong makatakas dito"

"Nikki, anong binabalak mo? at anong ginagawa mo? bakit hindi mo ako hinuhuli ngayon?" seryoso niyang tono na para bang binabalaan ako ng kanyang mga boses

"Kailangan kong malaman ang katotohanan tungkol sa kaso mo Carlo.."

"Nikki mapapahamak ka lang sa gagawin mo" kumunot ang kanyang noo at galit akong tinignan

"Pinagkakatiwalaan mo ba ako?"

Tinignan niya ako nang nagdadalawang-isip pero napatango din siya di kalaunan "Oo, naniniwala ako sayo"

"Kung ganun ay gawin mo akong hostage para makatakas ka mula dito",

"Ano?! baliw ka ba ha? mahal kita pero hindi kita gagawing panangga" ibinaba niya ang bag at lumapit sakin

"Carlo ano ba, kaligtasan mo at kaligtasan ko ang nakasalalay ngayon dito. Pakiusap, pagkatiwalaan mo ako kahit ngayon lang" nakikiusap kong tono

Napahawak siya sa kanyang ulo at seryoso akong pinagmasdan bago ako biglanh niyakap. "Patawad" at bigla niyang inagaw ang baril mula sa kamay ko at itinutok sa ulo ko bago isinukbit ang bag sa kanyang likuran at sinipa ang pintuan para makalabas kami

Nanlamig ang buong katawan ko ngunit pinagkakatiwalaan ko siya, alam kong hindi niya ako ipapahamak. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang palabas kami mula sa kanyang kwarto habang nakatutok ang baril sa aking ulo. Takot na gumilid lahat ng mga tao at ang ibang mga babae ay sumigaw at nagsitakbuhan noong nakasalubong namin ang kanyang mga grupo.

"Boss! anong nangyayari bakit tayo sinasalakay ng mga pulis?"

"Tumakas na kayo, tsaka na tayo magkita kita. Hahanap ako ng paraan para mahanap kayo ng grupo"

Nagtinginan sila at nagtanguhan bago na sila tumakbo papunta sa ibang direksiyon ng may hawak na mga kutsilyo. Nagkakagulo na rito sa loob ng building na ito. Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan hanggang sa makarating na kami sa ikalawang palapag at kaagad niya akong hinatak pagilid sa isang pader noong biglang nagpaputok ang mga pulis na nasa hagdan.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at ramdam ko ang titig niya sakin at ang malalim niyang paghinga. "Pangako, babawi ako." mahina niyang sambit mula sa likuran

Binitawan niya ang kamay ko at madiin na itinutok ang baril sa ulo ko at pinauna akong pinalabas bago siya sumunod. Nakataas lamang ang aking mga kamay noong makita ko ang grupo ni Jordan na nakatutok ang mga baril saamin.

"Bitawan mo siya kung ayaw mong magkagulo tayo dito" seryosong binalaan ni Jordan si Carlo habang nakatutok ang baril nito sa kanya

"Gumawa na nga kayo ng gulo eh" seryosong sambit ni Carlo na para bang hindi siya natatakot sa mga kapulisan na nakapaligid saamin

Nakita ko ang dahan-dahang balak ni Jordan na paghatak sa trigger ng baril kaya naman kaagad ko itong pinigilan "Huwag!" sigaw ko habang nakataas ang aking mga kamay

Nagulat kami noong biglang ilipat ni Carlo ang bunganga ng baril sa leeg ko, nanlamig ang buong katawan ko lalo na dahil natatakot ako na baka pindutin niya ang trigger..pero nagtitiwala padin ako sa kanya..Dahil nasa akin na ang pangako niya at ang kanyang salita.

"Subukan mong magpaputok. Padaanin mo kami kung ayaw mong humandusay ito sa sahig" pagbabanta niya kay Jordan

Nakita ko ang pagdadalawang isip sa mga mata ni Jordan at ang pagaalala sa kanyang mga mata noong idapo niya saakin ang mga tingin niya pero kaagad akong umiwas ng tingin.

Sinenyasan ni Jordan ang mga kasamahan niyang umatras kaya naman dahan-dahan silang umatras pababa sa unang palapag at dahan-dahan din kaming sumunod ni Carlo pababa sa first floor.

Nasa bukana na kami ng entrance noong nakita namin na ang dami pala nilang nakapaligid sa buong building. Nagsigilid silang lahat sa utos ni Jordan, nanatili ang distansiya nila mula saamin ngunit alam kong alerto sila anumang minuto ay handa silang magpaputok.

"Patakasin ninyo ako rito kung ayaw ninyong pasabugin ko ang bungo nito!" sigaw niya sa mga pulis

"Hindi namin ito pwedeng gawin Cabrera, isa kang kriminal. Sumama ka samin at panagutan mo ang mga kasalanan mo"

Narinig ko ang pagngisi niya mula sa likuran ko "Manahimik ka diyan bata, gawin mo nalang ang ipinaguutos ko kung ayaw mong mapahamak itong babaeng pinapantasya mo"

Nagulat ako sa sinabi niya. Papaano niya nalaman ang nakaraan naming dalawa ni Jordan?

Lumapit ang isang pulis na kasamahan ni Jordan sa kanya at may ibinulong bago ito napatingin saamin ni Carlo. "Bahala ka sa gusto mong gawin sa babaeng iyan, dahil hindi ka namin pwedeng patakasin" para bang nasaktan ang damdamin ko sa sinabi ni Jordan, ramdam ko din ang pagtahimik ni Carlk dahil hindi umayon ang plano namin sa nais naminh mangyari

Tinignan ko si Jordan pero sa pagkakataong ito ay iniwas naman niya ang paningin niya saakin. Ganun nalang ba lahat? papabayaan niya lamang ako sa mga ganitong sitwasyon? nakalimutan na ba niyang kaya ako nandito ngayon dahil sa kanya?

Bigla akong hinila ni Carlo papasok sa building at tinutukan ng baril ang mga pulis "Subukan ninyong pumasok!"

Pagkapasok namin ay kaagad kaming gumilid at iginilid niya kaagad ako. Nakita ko ang pagaalala sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang mukha ko "Umuwi ka na."

Kumunot ang noo ko "Teyka..papaano ka?" hindi na siya sumagot at nginitian lamang ako

Bigla niya akong hinila at itinulak palabas sa entrance kaya gulat akong lumingon noong nakita kong tumakbo siya papunta sa binatana ng unang palapag at tinalon ito kaya gulat akong tumakbo paapunta sa kanya dahil ito ang ginawa niyang daan sa pagtakas. Narinig ko ang pagsigaw ng mga pulis sa likuran ko na habulin siya. Kaagad akong sumilip sa tinalunan niyang bintana na kababasag lamang at damuhan na rito at isang eskinita lamang ang nakikita kong maaari niyang tinakbuhan noong nakita kong hinahabol na siya ng mga pulis sa lugar na pinuntahan niya.

#Unexpected_Mistake
#precxxious

Unexpected MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon