9

147 4 0
                                    

Hindi komporatble ang tulog ko dahil sa naka posas kong mga kamay. Ang sakit na nga ng mga kamay ko dahil magiisang araw na itong nakaposas. Hinalungkat ko din ang bawat gamit niya pero wala akong makitang itinago niyang susi. Saan ba niya itinago ang mga gamit ko?

Alas dose na ng gabi. Kanina pa ako hindi makatulog dito sa kama niya at kanina pa din ako galaw ng galaw habang naghahanap ng posisyon sa pagtulog.

Ilang oras na atang nakamulat ang mga mata ko. Pinilit ko ring buksan ang pinto at halos sirain ko ito dahil sa kasisipa pero hindi na umubra ngayon. Hindi ko alam kung anong klaseng lock o harang ang inilagay ng lalakeng iyon para lamang masigurong hindi ako makakatakas mula sakanya. Maging ang kutsikyo at ice pick na nasa drawer niya ay ginamit ko na din para pangbukas sa posas ko pero wala padin, nakakainis.

Namalayan ko na lamang na nakatulog na pala ako at paggising ko ay 5 am na ng umaga. Pero nagulat ako noong pagbaliktad ko ay nakita ko ang mukha niyang natutulog sa tabi ko. Kaagad akong napaupo at umusog ngunit hindi parin siya nagising. Nakita kong mahimbinh siyang natutulog, mukhang napagod sa pakikipagrambolan sa labas, tss.

Dahan-dahan kong kinapa ang bulsa ng kanyang pantalon noong makita ko ang trace ng susi ng posas dito. Dahil hindi ko maigalaw ng husto ang kamay ko ay mas lumapit ako sa kany at dahan-dahang kinapa ang susi sa bulsa niya, halos pigil hininga ako para hindi lamang siya magising. Pero nanlaki ang mga mata ko noong kaagad niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko at hilain ako papalapit sa kanya kaya napasubsob ako sa unan sa tabi niya.

"Ano ba!" pinilit kong bumangon pero hinila ulit niya ako at mas inilapit sa kanya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko

Seryoso niya akong tinignan. Ang lamig ng kanyang mga mata at ng kanyang awra. Wala siyang naging reaksiyon habang nakatingin sakin.

"Binabalaan kita. Bitawan mo ako" pinanlakihan ko siya ng mata at seryoso ko din siyang binawian ng tingin pero hindi ito natinag

Hindi siya nagsalita kahit na pilit akong kumakawala sa kanya. Sinubukan ko siyang sipain pero kaagad niyang isinangga ang mga paa niya at inipit ang mga paa ko para hindi na ito makagalaw.

"Ano ba! Hindi ka ba nakikinig sa sinasabi ko?"

"Manahimik ka Nikki kung ayaw mong gawin ko sayo ang sinasabi ko" Ang lamig ng pagkakasabi niya at para bang ibang tao siya kung magsalita ngayon, hindi siya yung lalake na palabiro sa harapan ko.

Kahit ayaw kong manahimik at ginawa ko na lamang. Ngayon lamang ako nakaramdam ng takot sa kanya, ayokong gawin niya ang ibinabanta niya sakin. Ilang minuto kaming nanatili sa ganitong sitwasyon hanggang sa nakatulog na nga siya habang nakaharap sa direksyon ko. Dahan-dahan kong inalis ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya at kaagad na tumayo. Ang sakit na nga ng kamay ko sa pagkakaposas tapos hahawakan pa niya ng pagkahigpit-higpit, nais ba niyang maputol ang mga kamay ko?

Gustong-gusto ko siyang huliin pero papaano? ako ang nahuli niya ngayon. Naisip ko na lamang ulit ang susi pero napasandal na lamang ako sa pagkadismaya dahil sa naalala ko na naman ang ibinabanta niya, alam kong kaya niya itong gawin sakin lalong lalo na sa kalagayan ko ngayon. At hindi ito pwedeng mangyari, dahil may inaalagaan akong puri. Isa akong babae na may dangal, nais kong maging malinis para sa magiging asawa ko.

Para akong baliw dito na paikot-ikot sa silid habang nagiisip kung anong pwede kong gawin. At sa kagalingan ng lalakeng ito ay ikinandado niya naman ang pintuan dito sa loob at itinago na naman ang susi. Kaya naman dalawang susi na ang kailangan kong nakawin mula sa kanya, ang galing hindi ba?

Nagising siya at napatingin naman ako sa direksiyon niya noong biglang may magring sa may pantalon niya. Teyka..yun yung ringtone ng cellphone ko. Gumising siya at kinuha ang cellphone ko mula sa loob ng kanyng pantalon? kadiri! oh my gosh ! kaya pala hindi ko mahanap sa kasulok-sulukan ng kwartong ito dahil nakatago lang pala sa kanya!

"Baka kapkapan mo na naman ako" sambit nito at nagsuot ng tsinelas bago sinagot ang tawag ko ! "Oh ano na? ginawa mo na ba ang ipinapagawa ko?"

"Tulong! Tulong!" sigaw ko para marinig ng kausap niya sa cellphone ko noong bigla siyang lumingon sakin na seryoso ang mga emosyon niya at para bang binabalaan niya akong manahimik kundi hindi ko magugustuhan ang gagawin niya

"Oo siya nga, ano na? kailan mo ba gagawin ang ipinapagawa ko sayo?" napangisi siya sa katawag niya "Tigre, marunong akong tumupad sa usapan, hindi kagaya mo kaya ngayon ay naninigurado lang ako"

"Tulong nandito ako! pakiusap, nasa San Nicolas Street --" napatigil ako sa pagsasalita noong bigla niyang takpan ang bibig ko at patayin ang tawag

Aktong ibabato ba niya ang cellphone ko pero pinigilan ko siya "Huwag!" at galit ko siyang tinignan ngunit seryoso padin ang kanyang tingin

Pero mas nanlaki ang mga mata ko noong tinanggal niya ang hoodie niya at hinubad ang tshirt nito sa loob kaya kaagad akong tumalikod.

"Talagang kinakalaban mo ako Nikki"

Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglapit hanggang sa pwersahan niya akong ipaharap at isandal sa pintuan at tinignan ako mula ulo hanggang baba habang nilalaro niya ang kanyang dila. Pinilit kong kumawala pero sadyang mas malakas siya ngayon dahil wala akong kalaban-laban.

Bigla niyang hinalikan ang leeg ko at mula sa oras na ito ay nakaramdam ulit ako ng takot. Hanggang sa namalayan ko na lamang na umaagos na pala ang luha sa mga mata ko dahil sa takot at pangamba. Dahil sa oras na ito ay wala akong kalaban-laban mula sa lalakeng ito.

"Pakiusap, huwag" umiiyak kong pakiusap hanggang sa dahan-dahan itong kumalas mula sa pagkakahawak sakin at naiwan akong umiiyak habang nakasandal sa pintuan dahil sa takot

Nanginginig ang mga kamay ko at pinilit kong pigilan ang luhang lumalabas mula sa mga mata ko pero sadyang hindi ko sila makontrol.

Narinig ko ang pagkalampag niya sa lamesa at namalayan ko na lamang ang pagyakap niya sakin. "Sorry. Hindi ko sinasadya"

#Unexpected_Mistake
#precxxious

Unexpected MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon