12

123 2 0
                                    

"Talaga?" tanong niya hababg namamangha ang mga mata na para bang naka jackpot sa lotto

"Oo nga"

"Ano? diko marinig"

"Oo nga" paguulit ko

"Ano?" sinasadya nitong pagtatanong

Binigyan ko siya ng poker face at hindi na sumagot noong ngumiti ito at napatalon "Yes! shota na kita woooh!"

Kumunot ang noo ko, anong pinagsasabi niya? "Anong shota?"

"Diba sinasagot mo na ako?" maangas niyang tanong at aktong aakbayan na sana ako pero bigla akong tumayo mula sa kinaupuan ko at iritado siyang tinignan

"Papaano kita sasagutin e hindi ka naman nanligaw?"

"Kailangan ba yun, di ba halatang type kita" arogante niyang sambit at napailing ako

Napahawak ako sa aking noo "Kung talagang seryoso ka sa isang babae, you will make an effort para ligawan siya. Bakit ba lahat kayo ay nageexpect kaagad ng "yes" bilang sagot saming mga babae? can't you understand na may standards kami sa panliligaw ninyong mga lalake? we want you to meet our parents and formally ask their permition para ligawan mo ang kanilang anak"

Napangisi siya at itinuro ang mga fairy lights at ang pagkain sa mesa "Oh ayan, hindi ba yan effort?"

"Look, na-appreciate ko ito pero a one night with a simple date can't make you receive an answer from a woman"

Napakamot siya sa kanyang batok "Ang lalim ng ingles mo, oh sige nasaan ba mga magulang mo ha? gusto mo ba bumiyahe tayo ngayon kung nasaan sila para ipaalam na liligawan kita?"

Tumalikod ako mula sa kanya "Huwag mo akong binibiro mg ganyan"

"Hindi kita binibiro. Seryoso ako."

Napalingon ako noong narinig ko ang sinabi niya at nakita ko nga ang kanyang mukha na seryoso at mukhang totoo talaga ang kanyang sinabi. Napakunot ako ng noo. Imposibleng seryosohin niya ang mga bagay na ganito, sambit ko sa isipan ko.

"What made you like me?" hindi ko alam pero bigla ko na lamang itong naitanong

Maangas siyang ngumisi at umupo "Tinatanong pa ba yan? syempre maganda ka, ikaw lang yata yung babaeng nangahas na kalabanin ako, gusto ko yung pagkatao mo" sinenyasan niya ako "Yung ugali mo, kahit na kasing bangis ka ng tigre ay naniniwala parin akong walang matigas na tinapay sa mainit na kape"

"Hindi yan sapat na basehan para magustuhan mo ako" umiwas ako ng tingin dahil sa nararamdaman kong lakas ng kabog ng puso ko

"Tss, hindi naman kasi dapat dinedescribe ang pag-ibig e, sinagot lang kita sa mga napansin ko sayo pero hindi lamang yun ang mga nagustuhan ko sayo"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi kita gusto. Mahal kita. Ang mga sinabi ko kanina ang mga nagustuhan ko sayo, pero ang minahal ko sayo..yun ang hindi ko alam..Sabi nila, hindi mo daw masasabi kung bakit mahal mo ang isang tao, siguro ito na nga yun. Basta ka na lamang kasi dumating ng hindi inaasahan, pero oks na din, mabuti nga dumating ka pa sa buhay ko e. Alam mo bang ngayon lang ako nagseryoso? at sayo lang yun ha? hindi naman magara at magaganda ang mga bagay na maibibigay ko sayo pero kaya kitang bigyan ng simple ngunit tapat na pagmamahal. Siguro nga ikaw talaga ang nakatadhana para sa misyon na yan, para makatagpo kita. Tignan mo nga e, magkaibang-magkaiba tayo, sundalo ka, kaya mong buhayin ang sarili mo gamit ang sariling sweldo na pinaghirapan mo at tagapagsilbi ka sa bayan, e samantalang ako? isang kriminal na hinahabol ng mga lispu" napatawa siya ng kaunti bago ako tinignan ng seryoso

Napatigil na lamang ako dahil sa sinabi niya. Hindi padin ako naniniwala sa mga romansa pero bakit parang ngayon ay hindi naman ako makapaniwala sa oras na ito? posible bang nangyayari na saakin ang romansang hindi ko naman pinapaniwalaan? siya ang naging first date ko, siya ang nagpaalala sa aking ama, binigyan ko ng bananaque bilang paghingi ng tawad, at ang unang estranghero na pakiramdam ko ay sobrang komportable ko sa kanya kahit na hindi ko naman siya lubusang kakilala.

"Ano ayos ba? huwag kang mag-alala, mukha lang akong playboy pero kaya kong magpakatotoo para sayo. Hintayin mo lang, kapag ibinigay na ni Tigre ang perang hinihingi ko at inalis na niya ang pangalan ko sa wanted list ay makakalaya ka na mula sakin" ngumit ito ng mapait bago natawa ng kaunti habang nakatingin sa langit

"Sino si Tigre?"

"Ewan ko kung anong pangalan nun pero ang apliedo nun ay Magbanua."

Nagulat ako sa sinabi niya..Magbanua? hindi kaya si... "Jordan Magbanua?" mahinang tanong ko sa sarili

"Ayown, yan nga pangalan nun. Ang kupad gumalaw buwis*t naiinip na ako, pasalamat siya at mabait ako"

Si Jordan? papaanong nagkakilala sila? bakit hindi niya sinabi sakin na kilala pala niya si Carlo Cabrera? anong koneksiyon nila? papaano siya napangalanang Tigre?

"Bakit naging Tigre siya? anong koneksiyon ninyo? papaano kayo nagkakilala?" sunod-sunod kong tanong

"Tss siya lang naman ang backer namin dito at sa kabob*han niya ay isinuplong tuloy kami sa estasyon nila nung natalo ko siya sa sugal. Tigas ng mukha nun"

"B-backer ninyo?" paguulit ko dahil baka may mali sa pagkarinig ko

"Oo nga, at letse lang dahil tinalikuran niya kami at nagtangkang ipakulong ako dahil sa ginawa niya sa matandang yun at sa isang babae sa palengke noong nakaraang buwan"

Napahawak ako sa aking ulo, backer? papaanong naging backer nila si Jordan?! nagugulo ako utak ko rito "Matandang yun at isang babae? a-ano bang ibig mong sabihin?" pagklaklaro ko "Baka nagkakamali ka lang o baka naman sinisiraan mo lamang siya. Kilala ko si Jordan, tapat yun sa kanyang sinumpaang tungkulin" inis kong depensa

"Hindi lahat tapat na kagaya mo, hindi pare-parehas ang mga tao sa mundo. Tss kaya sinasabi ko sayo, kung siya man ang nagplanong ipadala ka dito ay nasayang lang lahat ng paghihirap mo. Dahil hindi ako ang tunay na may sala kundi siya, yan ang hirap sainyong mga alagad ng batas e, minsan kapag iniutos ng mas nakakataas sunod kaagad kayo, ni hindi niyo nga alam kung yung mga pinagdadampot ninyo ay inosente ba o may sala. Kasalanan niya yung nangyari sa palengke na yun, siya ang bumaril sa dalawang iyon para hindi lamang masira ang reputasyon niya tapos sakin niya ipapasa ang kasalanan niya? aba g*go pala siya e."

"Hindi maaari.." umiling ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya

Nagulat na lamang kami at napatingin sa ibaba noong may narinig kaming mga sunod sunod na police siren kaya bigla kaming nagkatinginang dalawa ni Carlo. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko.

"Carlo Cabrera, napapaligiran ka na, sumuko ka na bago pa magkagulo at may madamay" sambit no Jordan sa first floor gamit ang mega phone

#Unexpected_Mistake
#precxxious

Unexpected MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon