11

142 2 0
                                    

Now Playing : Pusong Ligaw-Jona
September 30, 2019
7:36 pm

Nagtataka ako dahil nasa rooftop kami ngayon at walang katao-tao kahit na isa rito. Kaming dalawa lang. Tinigan ko siya habang isinasara ang pintuan ng rooftop at ikinandado din ito at itinago ang susi sa kanyang bulsa bago lumapit sakin at sunod namang tinanggal ang posas ko. Kaagad kong hinawakan ang mga kamay ko dahil sa sakit, namumula na din ito dahil sa pagkakaposas ng mahabang oras.

Ayoko sanang sumama sa kanya pero naboboring na talaga ako sa loob ng kwarto niya. Kahit tv ay wala, kaya wala din akong ibang libangan kundi ang makinig sa mga malalakas na ingay sa paligid kaya halos mapagod na din ang mga teynga ko buong mag-araw.

"Anong gagawin natin dito?" pasimpleng tanong ko habang tinitignan ang paligid, mukhang nagsisisi na yata ako noong sinabi kong mabuti na lamang dahil walang katabi ang building na ito na mga bahay na pwede mong talunan, dahil ngayon ay ako naman ang naghahanap ng paraan para makatakas

"Dito tayo magda-date"

Nagtataka ko siyang tinignan noong naglatag siya ng foldable na mesa, at may mga fairy lights din sa mga sampayan na nakakabit, sino kayang mga kasama niyang nagkabit ng mga ito? imposibleng mag-isa lamang niya. Naglagay din siya ng dalawang upuan sa harapan ng lamesa at nakita kong may baonan sa may gilid ng rooftop at kinuha niya ito at inilabas ang dalawang softdrinks, dalawang chichirya, dalawang stick ng barbeque at fishball at isang mangkok ng kikiam.

Habang inilalatag niya ang mga ito ay napatingin ako sa kanya, kaswal lamang ang kanyang ekpresyon at para bang pinaghandaan niya ang oras na ito. Nakakatawa, dahil hindi ko akalaing siya ang magiging first date ko, sinong magaakala na isang kriminal ang magiging date ko sa unang pagkakataon diba? nakakatawa nga siguro. Inilatag niya muna ang isang tela na malawak sa mesa para hindi madumihan ang mga pagkain, inayos niya ito ng mabuti at pagkatapos at inilagay na ng maayos ang mga pagkain.

"Oks na" nakatingin lamang ako sa kanya habang papalapit sakin nang nakangiti at hinawakan ako sa braso at iginaya ako sa upuan sa harapan ng mesa

Tahimik ko lamang siyang pinagmasdan habang masayang inilagay ang mga pagkain ko sa harapan ko at ang softdrinks ko.

"Ang ganda diba? inayos namin to ng mga tropa ko" proud niyang sambit at kinindatan ako habang inaalis ang plastic cellophane ng bananaque ko at nilagyan din niya ng straw ang softdrinks ko para daw mas madaling inumin

Nanatili akong tahimik at natakatingin lamang ako sa mga gagawin niya. "Alam mo ba, ninakaw lang namin itong mga ilaw ilaw na ito sa kapitbahay nila Ren-ren" at tinignan niya ako "Joke lang ikaw naman, syempre binili ko tss. Gumastos pa ako, pero hayaan mo na para naman sayo eh, ayos ba?" maangas nitong tanong sakin

"Nasan ang mga tao dito?" tanong ko

"Wala pinalayas ko na, ayokong umepal sila satin" sagot niya habang kinakain ang chichirya at itinuro ang pagkain sa harap ko "Kumain ka na diyan bago ka pa magutom"

Tinignan ko ang pagkain sa harap ko at kinuha ang isang stick ng bananaque. Pinagmasdan ko ito at naalala ang mga panahong meron pa si papa, namimiss ko na siya, naalala ko pa noong mga panahong nagtayo kami ng business ng bananaque noon sa probinsiya at siya ang nagluluto katuwang niya kami ni mama. Ito ang dahilan kaya iniiwasan kong kumain ng bananaque.

Bigla kong ibinaba ang stick ng bananaque at tinakpan kaagad ang aking mga mata gamit ang dalawang kamay ko. Naiiyak ako at pakiramdam ko ay ayokong pigilan ito, sumasakit ang dibdib ko. Namimis na kita, papa.

"Hoy umiiyak ka ba?" dinig kong tanong niya ay narinih ko ang pagtayo niya kaagad mula sa upuan upang tignan ako

Hinawakan niya ang braso ko at ibinaba ang mga kamay ko kaya nakita niya akong umiiyak at kaagad naman akong umiwas ng tingin. "May nasabi ba ako ha? sabihin mo lang" nagaalala niyang tanong habang nakaupo sa harapan ko

Umiling ako at pinunasan ang mga luha ko, pinilit kong tumawa "Wala, may naalala lang ako"

"Ano nga? anong naalala mo? may nasabi ba ako o may masakit ba sayo? gusto mo bang ituloy nalang natin to bukas--" sinuri niya ang mga kamay ko

"Hindi, ituloy natin to ngayon" hindi ko alam kung bakit isinagot ko iyon sa kanya at kinain na ang bananaque

Tinignan niya lamang ako habang kinakain ito. "Magdadate ba tayo o tititigan mo lang ako?" natatawang biro ko

Tumayo na siya at umupo sa harapan ko ng seryoso ang mukha. Tahimik lamang kami habang kumamain at nakatingin sa kalangitan, medyo malamig ang simoy ng hangin pero ayos lang, napakaganda ng langit ngayon.

Nakaupo kami ngayon sa gilid ng rooftop habang nakatanaw sa rooftop. Ramdam ko ang tingin niya sakin kaya tinignan ko din siya. "Yung tungkol kanina..namiss ko lang talaga si papa kaya ako umiyak, walang ibang rason" paliwanag ko

"Bakit? ano bang meron sa erpat mo?" takang tanong niya

Ngumiti ako ng mapait at tumingin sa tanawin ng buong Maynila habang hinahangin ang buhok ko. "Wala na siya"

Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot "Pasensya na"

"Ayos lang, huwag kang humingi ng pasensya dahil wala ka namang kasalanan"

Walang nagsalita saaming dalawa. Pakiramdam ko ngayon ay sobrang komportable ko sa kanya, kahit na sa ganitong paraan kami nagkakilala, siguro nga ay tama siya..na baka mabuti na rin iyong kwarto ko ang pinasok niya..Dahil ngayon ay nakikita kong sa likod ng kanyang kaso ay may katauhan pala siyang ganito.

"Maraming salamat, Carlo" tumingin siya sakin

"Para saan?"

"Dahil ginawa mong espesyal ang gabing ito...Ikaw ang first date ko"

Napatayo siya at nanlaki ang mga mata niya na may halong saya "Talaga?"

#Unexpexted_Mistake
#precxxious

Unexpected MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon