September 23, 2019
10:48 amNasa police station kami ngayon at tinatalakay nila ang plano sakin at kung saan ako pupunta at kung ano ang aking gagawin bago at pagkatapos ng plano.
"Kapag matagumpay mo nang napasok ang silid ni Cabrera ay posasan mo kaagad, kapag nanlaban at nalagay ka sa kapahamakan ay huwag kang magaalinlangang barilin siya sa binti upang hindi siya makalakad. Uulitin ko lamang, kailangan buhay natin siyang makuha" seryosong paliwanag ng Chief saakin bago tumingin sa mga ibang pulis na kasama namin
"Alam na ba ng mas nakakataas ang involvement ko dito sa misyon na ito?"
"Oo, at may pahintulot na rin tayo at warrant of arrest para kay Cabrera sa oras na mahuli natin ito"
Napatango ako at pinagkrus ang aking mga kamay "At ang kailangan ko lamang gawin ay huliin siya at posasan, pagkatapos ay susunod na ang back up?"
"Ganun na nga " sagot ng Chief
"Papaano kung sakaling hindi ako nagtagumpay?"
Nakita ko ang pagkadismaya sa mga mata nila sa tanong ko na iyon at ang paghinga ng malalim ng Chief "Kung sakali mang hindi magtagumpay ang plano ay.." inilapag niya sa lamesa ang isang pares ng ear piece "Ireport mo kaagad saamin upang back-up an kung sakaling na-trap ka sa loob ng silid ni Cabrera. Huwag kang mag-alala, dahil papaligiran namin ang buong apartment kung sakali mang pumalpak ang plano" tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon
Kadalasan ay mga terorista at rebelde ang aming mga kalaban sa bundok, ngunit ngayon ay iba na, isang kriminal sa isang syudad.
"Ang grupo mo Nieves at inaatasan kong magbabantay sa likurang daanan ng apartment kung sakaling gamitin nila ito bilang exit, mag-iingat kayo dahil hindi natin alam kung ilang nga kasamahan ang kasama niya"
"Copy, sir" sagot ng pulis na Nieves ang apliedo
Itinuro naman ng Chief ang i
entrance ng mapa ng apartment na hiningi niya sa care taker ng apartment "Grupo ko ang mag-aabang rito kung sakaling gamitin rin nila ang rutang ito sa pagtakas. Inalam namin kung ilang sibilyan ang nasa loob ng apartment at base sa sinabi ng care taker ay 50 ang mga sibilyan ngunit hindi niya alam kung ilan ang saktong bilang dahil sa dami ng mga nagsisilabas at pasok sa apartment""Grupo mo naman Magbanua ang magpapalibot sa buong apartment. Bantayan ninyo ng mabuti ang bawat bintana at bubong na maaari nilang gawing ruta sa pagtakas"
"Copy, sir" sagot ni Jordan at tumingin sakin bago ngumiti ng kaunti kaya nginitian ko rin siya pabalik
Nasa rooftop kami isang building ni Jordan habang pinagmamasdan ang apartment na nasabi kung saan nagtatago si Cabrera. Nakaupo kami sa gilid ng rooftop habang kumakain dahil alas-dose na ng hapon.
Apat na palapag ang apartment, walang pintor at semento lamang at punong puno din ng vandalism na matatanaw mo talaga. Sobrang dumi rin at madaming kalat ng basura sa labas palang ng apartment, mataas ang gusali at mayroon ring rooftop at mabuti na lamang dahil wala itong matabing mga bahay na maaari nilang talunin at gawing daan sa pagtakas. Madami ngang mga taong nagsisilabas-pasok, may mga nagyoyosi sa labas, may mga kalalakihang umiinom sa likod ng gusali kahit na tanghaling-tapat palang, may mga babae din na maiiksi ang damit at labas-masok sa gusali.
"Sasabak ka ba talaga Nikki? may oras pa para umatras"
Umiling ako at tinignan siya "Gagawin ko 'to Jordan, ayoko ring umatras kahit pa may oras pang natitira. Sanay na ako sa labanan, ang kaibahan lamang ay hindi sa bundok" tumawa ako
Nagtaka ako kung bakit hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya tinignan ko siya "Bakit? may problema ba? may nagbago ba sa plano?" sunod-sunod na tanong ko
Pinagmasdan niya padin ako habang hinahangin ang kanyang buhok, habang nakatitig din ako sa kanya ay natahimik kami ng ilang segundo. Wala pading nagbago, nananatili padin siyang gwapo at tapat padin sa sinumpaan niyang tungkulin.
"Nikki, may pag-asa pa ba ako kung sakali?"
Napaawang ang labi ko dahil sa biglaan niyang tanong at agad akong umiwas ng tingin. Walang umimik saamin at hindi na rin ako nagbalak sumagot pa sa tanong niya.
"P-pasensya na, kalimutan mo na lamang ang tinanong ko kanina" tumayo na siya at naglakad paalis habang nakahawak sa kanyang ulo
Pinanood ko siyang maglakad paalis mula sa rooftop. Kasintahan ko siya noong 4th year high school kami, ngunit dala ng pagaaral ay napag-desisyonan na lamang namin na mag break nalang dahil nga kailangan namin mag focus at lalo na ako, kinakailangan kong maghanda para sa pagpasok ko sa PMA upang tuparin ang pangarap kong mag-sundalo.
Nicolas Zamora St. Tondo, Manila
143 Public Apartment
11:16 pmPaakyat ako ng hagdan papuntang second floor at madami nga akong nakakasalubong na mga tao, may mga tambay din sa bawat gilid ng hagdan na nagiinoman, nagyoyosi at nakaytambay, may mga babae din sa mga silid na nadadaanan ko na nagkwekwentuhan habang naka shorts at nakatingin ng kakaiba saakin. Pinilit kong mag mukhang normal upang hindi ako mapaghalataan dahil mukhang madaming siga rito, naka brown coat ako at pantalon habang nakalugay ang buhok ko para hindi makita yung ear piece sa teynga ko, kinakailangan kong magmukhang natural.
"Psst miss" lumingon ako paglagpas ko sa hagdan sa grupo ng mga lalakeng mukhang ka-edad ko
Kinakabahan ko kasi hindi ko alam ang isasagot ko, ano bang dapat isagot sa mga sitwasyong ganito? oh my gosh. "Hi" bahala na.
"Woooh yun oh !" naghiyawan sila
Noong narinig ko ang boses ni Jordan sa ear piece dahil naririnig nila ang audio ko kung nasaan man ako. Sa tingin ko ay napalibutan na siguro nila ang buong apartment. "ayos ka lang ba diyaan?"
"oo" mahinang sagot ko upang hindi marinig ng mga kalalakihan
Habang nagtatawanan sila ay nakahanap ako ng tiyempo upang bilisan ang pag-akyat sa ikatlong palapag. Kung nasaan ang silid ni Cabrera. Nilibot ko ang bawat silid at ang mga taong nakakasalubong ko ay nagtataka saakin kaya nakayuko lamang ako. Nakakapagtaka kasi mas madaming mga tambay rito, at sigurado akong makikita nila ang pagpasok ko sa silid ni Cabrera, ngunit bahala na, basta't ang mahalaga ay magawa ko ang plano.
Bingo.
Nasa harapan ko na. Room 2107.
#Unexpected_Mistake
#precxxious
BINABASA MO ANG
Unexpected Mistake
Misterio / SuspensoNaatasan sa isang mapanganib na misyon, mapanganib man ngunit balewala ito kay Nikki basta't makapaglingkod lamang sa inang bayan. Buhay ang nakataya, ngunit handang isugal para sa kapayapaan at katahimikan. 2107, apat na numero, ang silid na kanyan...