5

178 3 0
                                    

"Buti naman at nagsi-alis na kayo kung ayaw ninyong pagtampalin ko yang mga maaasim niyong pagmumukha" bumaba siya sa sementong hagdan

Tumakbo na ako sa harapan at umaasang makakalagpas ako mula sa kanya pero bigla niyang hinatak ang kamay ko "Aray !" sigaw ko dahil parang hihiwalay na ito mula sa katawan ko

Bigla ko siyang sinipa pero nahawakan niya ang paa ko at hinila ito kaya ginamit ko ang kamay ko para hampasin siya at binitawan nga niya ang paa ko habang sinasangga niya ang mga inaamba kong suntok sa kanya. Nagmumukhang sanay na siya sa mga ganito at para bang hindi siya nahihirapan sa pagsangga sa mga suntok at hampas ko maging ang mga sipa ko. Hindi ako makapaniwala dahil nag-aral ako ng taekwondo noong elementarya ako at hindi ako makapaniwalang nakakaya niya ako.

Napapagod na ang kamay kong makipag-dwelo sa kanya at habang siya ay parang walang kahirap-hirap makipaglaban sakin. Sinipa ko ang gilid ng kanyang binti ng pagka-lakas lakas pero gulat na lamang ako noong nahawakan niya ulit ang paa ko at hinila ang kamay ko at bigla na lamang itong pinosasan. Napaawang ang labi ko at gulat siyang tinignan.

"Lagot ka sakin ngayong babae ka" maangas nitong sambit at pabigla akong hinila sa braso

"Aray naman hindi mo ba pwedeng dahan-dahanin?!" inis kong hugot pabalik sa braso ko

Sinadya niyang hilain ulit ako ng pabigla habang nakangisi "Sige, tatandaan ko yan mamayang gabi"

"Manyak!" sigaw ko at halos lahat na yata ng nasa ikalawang palapag ay narinig kami habang paakyat kami ng hagdan

Nagsitinginan sila saamin, ang mga babae ay kakaiba ang tingin saakin habang si Carlo ay kinikindatan sila at kinikilig naman sila, kadiri talaga! At ang mga kalalakihan naman ay napatigil sa pagsusugal at pagyoyosi "Boss sino to?" turo ng isang maskuladong lalake na nakikipaglaro ng baraha sa isang mesa

"Shota ko" maangas nitong sagot at tinignan ako bago ako kinindatan "Kaya kayo" tinuro niya sila isa-isa "Huwag niyong tangkain galawin to kung ayaw niyong sumabog yang mga bungo ninyo"

"Sige boss" sagot nila at nagsalute sign pa ang iba sa kanya

Hinila niya ulit ang braso ko kahit nagpupumiglas ako. Itinulak niya ako papasok sa kanyang inuupahang kwarto bago isinara ang pinto at ikinandado ito.

"At kailan pa kita naging boyfriend?!"

Tinuro niya ako "Hoy ikaw babae, huwag mong susubukang painit ulit ang ulo ko kung ayaw mong anakan kita" maangas niyang pagbabanta

Napaawang ako sa sinabi niya, gustong gusto ko talaga siyang sapakain at itikom ang bibig niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Noong tumingin siya sakin at sinadya ko talagang irapan siya "Tss pasalamat ka type kita kahit na hindi ka naman ganun ka-sexy"

"Excuse me? wala akong pakealam kung type mo man ako o hindi, ni hindi ka nga papasa sa standards ko kahit kailan e" gigil kong sumbat

Umupo siya sa kama niya at humarap sakin habang nakapatong ang dalawang braso niya sa mga binti niya "Bakit ha? sinong lalake ba type mo para makita ko kung hanggang saan ang kaya niyang gawin?"

"Wala ka dun, at kahit pa magkagusto ako sa isang lalake huwag na huwag kang aasang ikaw yun"

"Huwag kang magsalita ng tapos, malay mo, destiny talaga tayo. Hindi ba sweethart?" hinawakan niya ang buhok ko pero inilayo ko ito at tumatawa lamang siyang tumalikod

Sumipol ito ng isang kanta habang nakahiga, kanina pa siya ganyan at naiirita ako dahil hindi ako makaisip ng hakbang na gagawin ko kung paano ako makakatakas dito. Wala ang baril ko, wala ang earpiece ko, nasa kanya ang cellphone ko na maaari ko sanang gamitin pantawag kay Jordan, at higit sa lahat ay hindi ako makagalaw dahil naka posas ako at nasa kanya pa ang susi. Tinignan ko siya habang nakahiga na parang senyorito, ang misyon ko ay huliin siya ngunit mukhang ako ang nahuli niya, kailangan kong makatakas dito, lalo na at malabong mahuli ko siya ng ako lamang mag-isa at walang kagamit-gamit maging ang baril ko. Hindi ko dapat makalimutang isa siyang mamamatay tao, isang taong pumatay ng dalawang inosente na walang kamalay-malay, at isang drug pusher at drug user, marahil ay dahil doon kaya nasira ang utak niya at kung ano-ano ang pinagsasabi nito.

"Gusto mo bang pangalanan natin ng Carlo Jr ang anak natin?" lumingon ako sa kanya dahil na naman sa walang saysay nitong tanong

Hindi na ako nag-abalang sumagot dahil kaunti nalang talaga ay uubusin niya ang pasensyang natitira sakin. Nakaupo ako ngayon sa baba ng lababo at hindi ko gusto ang amoy na nanggagaling rito, para bang mga nabulok na pagkain na hindi naitapon. Pumikit ako dahil sumasakit ang ulo ko pero mukhang mas sasakit yata ang ulo ko dahil narinig ko ang pagkanta niya ng wala sa tono at pagkalakas-lakas pa.

"Kaya salamat sa pagibig mo~pagibig mo~At inaamin ko na namimiss kita na namimiss kita~Sa'kin ikaw pa rin ang baby ko ang baby ko~Kahit wala ka na sa piling ko sa piling ko"

Yung kanta ni Skusta Clee, Zebbiana ba yun? basta yung sikat na kanta ngayon. Konting lakas pa ng kanyang boses ay siguro babagyo na at tatangayin na kami ng malakas na hangin.

Naramdaman kong tumayo siya pero hindi ko na binuksan ang mga mata ko dahil ayokong makita ang mukha niya. Naramdaman ko din na may kinuha siya sa itaas na aparador sa kung saan ako nakasandal kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko para makita kung ano ang ginagawa niya at laking gulat ko noong nakita kong hawak niya ang wallet ko! yung wallet ko na nawala at na-snatch sa Baclaran noong nakaraan habang bumibili ako!

Napatayo ako "Hoy, wallet ko yan ah!" tukoy ko sa hawak niyang wallet

"Ah ganun ba salamat" para bang wala lang sa kanya ang ninakaw niyang wallet ko at tinapik pa ako ng mahina sa balikat bago ngumisi at lumabas ng kwarto

"Hoy teyka saan ka pupunta!" hinabol ko siya ngunit huli na dahil nakalabas na siya at naramdaman ko ang paglock ng pinto mula sa labas.

Ngayon ay isa na akong hostage ng kriminal na dapat ay ako ang huhuli. Hindi ko aakalaing babaliktad ang sitwasyon dahil lang sa isang pagkakamali ko.

#Unexpected_Mistake
#precxxious

Unexpected MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon