6

162 3 0
                                    

Lumabas lang pala siya kanina para bumili ng umagahan namin. Ngayon ay nagululuto siya ng itlog at inihain ang sardinas sa mesa habang kumakanta naman ng ibang kanta. Yung Bumalik Ka Na na kinanta ng Silent Sactuary, isa pa man din sa mga paborito kong kanta.

"Balak mo bang gawing itim ang niluluto mo?" sarkastiko kong tanong dahil mukhang nasusunog na ang itlog na priniprito niya

Lumingon siya sakin at maangas ulit na sumagot "Arte arte mo, pasalamat ka nga e palalamunin kita"

"Talaga lang ha? e galing nga rin yan sa wallet ko e" singhal ko nang pabulong

"Sige na please wag nang mainis bumalik ka na sakin~sorry bhebhelubs ika'y nasaktan bumalik ka na sakin~" kanta nito habang inilalatag ang plato ng itlog sa mesa at nakatingin sakin

Hindi ko alam kung nangaasar ba siya o ganito lang talaga siya. Mukhang nasira na nga ng droga ang utak niya. "Hoy kain na, bago pa kita kainin diyan"

"Pano ako kakain kung nakaposas ako?"

"Oo nga pala, subukan mong tumakas tutuluyan na talaga kita " inalis na niya ang posas sa mga kamay ko at hinawakan ko ang kamay ko pagkaalis nito dahil masakit ito

Dahil nagugutom din ako ay hindi na ako nagdalawang isip na makisalo sa kanya, dibale naman at pinanood ko siyang magluto ng harap-harapan kaya imposibleng may hinalo siya sa pagkain ko. Hindi na ako magiinarte pa bago pa ako mawalan ng malay dahil sa gutom ng tiyan ko. Alam kong sanay naman ang katawan ko sa bundok pero hindi ko pwedeng palipasin ang gutom ko hangga't maaari.

Tahimik lamang kaming dalawa at ang paggalaw lamang ng kutsara sa plato ang tanging maririnig at idagdag mo na rin ang pagnguya niya.

"Nikki pala ang pangalan mo, ako nga pala si Carlo" at kinindatan niya ako pero hindi ko na lamang siya pinansin "Isa ka palang sundalo e bakit ka nandito? dapat mga lispu ang naghihirap na hulihin ako" ngisi nito bago sumubo ng kanin at nakataas ang isang paa niya sa upuan at enjoy na enjoy itong kumain na para bang naka relax lang

"At ano ang gagawin mo kapag sila ang humuli sayo? papatayin mo rin ba kagaya ng mga ginawa mo sa mga inosenteng biktima mo?" naramdaman ko ang pagtigil niya sa pagkain at ang pagiwan niya sa kutsara sa kanyang plato kahit na hindi ko siya tignan

"Ito ba ang mga sinabi ng mga pulis sayo kaya ka nila napapayag na pumunta dito at hulihin ako ha?"

Inilapag ko rin ng maayos ang kutsara ko bago siya tinignan at sinagot ang tanong niya "Sarili kong kagustuhan ang sumabak sa operasyong na ito, hindi nila ako pinilit" kaswal kong depensa, ayokong makipagaway hangga't maaari, napapagod ako lalo na at umagang umaga palang

"Eh ano ha? taas taas ng ranggo mo pero nagpapakatuta ka sa mga gungg*ong na yun, patawa ka rin e noh" pagaalipusta niya at mukhang hindi na ako makatiis na magpigil pa

"Wala kang karapatang pagsalitaan sila ng ganyan! tandaan mong sila ang mga alagad ng batas na nagpapanatili ng kaayusan sa bansang ito dahil sa mga kagaya mong kriminal" matigas kong sambit habang nakatitig sa kanyang mga mata

Kinuha niya ang tinidor at hinigpitan ito ng mabuti at mukhang napikon na siya sa mga sinasabi kong katotohanan naman, napangisi ako dahil nakikita ko kung gaano siya ka-guilty "Ano? isasaksak mo din yan sakin?" sarkastiko kong tono

Padabog siyang tumayo at ibinato ang tinidor sa lababo na gumawa ng ingay bago sinipa ang inuupuan niyang upuan. Inilagay niya ang dalawang palad niya sa mesa at tinignan ako ng seryosong seryoso, lumalabas na ang tunay niyang kulay. "Huwag mo akong mamaliitin sa mga kaya kong gawin, kagaya nga ng sinabi mo ay isa akong kriminal. Kung nakaya ko silang patayin ay ikaw pa kaya?" mas inilapit niya ang mukha niya saakin pero hindi ako natinag "Huwag kang umasta na para bang nakita mo ang buong pangyayari noong araw na iyon"

Marahas niyang kinuha ang mga kamay ko at ipinosas ulit ako. Pagkatapos ay bigla na lamang siyang lumabas at kinulong ako sa loob. Napaupo ako sa kanyang kama at pinagmasdan ang kwarto niya.

Bakit nila ako iniwan dito? hindi ba't sabi ni chief ay pinaligiran nila ang buong apartment? bakit ngayon ay nandito padin ako? kung tutuusin ay kaya kong makipaglaban at ipagtanggol ang sarili ko at makakatakas na sana ako kanina kung hindi lang dahil sa mga grupo ng mga tambay na iyon. Nakakatakot siya, baka nga tama nga siya, na hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya niyang gawin at masyado ko siyang minaliit. Isa parin siyang kriminal.

Tumayo ako at naghanap ng mga pwedeng pangbukas sa posas ko, pero kahit mga simpleng hairpin ay wala, sabagay ano ba namang ineexpext ko sa boarding house ng isang lalake. Dahil hindi ko mabuksan ng paharap ang mga drawer at cabinet ay tumalikod ako at binuksan ito at laking gulat kp noong nabuksan ko ang drawer sa tabi ng kama niya ay nakita kong madaming mga ice pick, iba't ibang klase ng mga kutsilyo at mga knuckles, mahigit 15 yata ang nakatago rito. Pero binuksan ko lahat ng drawer at wala akong makita sa barik ko at maging ang cellphone ko, nasaan kaya niya itinago ang mga ito.

Sinilip ko ang binatana at nakita kong nasa mataas kami kaya imposibleng matalon ko ito, kung matatalon ko man ito ay baka mabali lamang ang paa ko, mas ayokong mangyari yun. Sinilip ko din ang gilid ng bintana at walang mga daanan na pwede mong gawing daan sa pagtakas, kahit paghawakan upang sabitan ay wala. Pero bigla akong nagtago sa likod ng binatana noong nakita kong palabas mula sa building si Carlo kasama ang mga tropa niya, sa tanstsya ko ay mahigit 20+ sila at mukha silang makikipagaway sa kanto dahil may mga hawak silang bote, kutsilyo?! kaagad akong bumalik sa pagsilip sa bintana at nakadaan na sila sa eskinita at mga ibang tao na lamang ang dumadaan na naabutan ko.

"Ano na naman kayang binabalak niyang gawin?"

#Unexpected_Mistake
#precxxious

Unexpected MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon