Mag comment ng bitin at more update dito chararat.
"Magandang umaga!" Magiliw kong bati ng papasukin ako ng security guard sa Montero car and accesories shop. Nandito ako ngayon para makausap ng personal ang may-ari nito.
"Good morning po Ma'am, magpapagawa po kayo ng sasakyan?" Tanong ng nasa singkuwenta anyos na guard kay Ara.
"Naku hindi po! Nandiyan po ba si Mr. Hugo Montero? May meeting po kase ako sa kanya."
"Ahh ganon po ba? Nandoon po si Sir Hugo, may inaayos na sasakyan." Turo ng guard sa malawak na garahe kung saan may mga nakaparadang anim na mamahaling sasakyan.
Lihim akong napa-wow ng makapasok ako sa loob at igiya ni manong guard, the place is not a particular car shop. Mas malawak ito kaysa sa lagi kong nakikita at hindi lang yun parang ang mahal magpagawa dito. Akala ko puro accesories lang ng sasakyan ang nandito pero hindi pala! Naabutan ko sa loob ang limang lalaki na busy sa pagkukumpuni ng mga sasakyan doon at hindi man ako bihasa pagdating sa mga kotse ay alam kong milyon ang halaga ng mga narito.
"Hi!" Bati ko sa lalaking nakita ko. "Good morning po, si Sir Hugo po?"
Hindi nagsalita ang lalaki at sa halip ay tinuro nito ang tao na nasa ilalim ng isang kotse na kita ang paa.
"Ooohhh, sige salamat." Bitbit ang aking folder na kulay puti ay nilapitan ko ang kinaroroonan nito.
"H-hi. S-sir Hugo? Hmmnn.. excuse me." Nag-aayos ng sasakyan sa ilalim pero naka-sapatos? Tapos yung sapatos mukhang mamahalin. Sayang! Baka marumihan!
Agad naman umurong gamit ang lying board palabas ng ilalim ng sasakyan si Hugo.
"Yes?" Tanong niya matapos makita ang tumawag sa kanya."Ay bastos!" napatili ako bigla lalo pa at at sa mismong tabi ko siya lumabas habang nakahiga mula sa ilalim ng sasakyan. And I'm only wearing a skirt!
"S-sorry." Dali-daling tumayo si Hugo para sana makipag-kamay sa babae pero naalala niyang puro grasa pala ang kamay niya.
"I-ikaw si Hugo? Hugo Montero?" Gulat na tanong ko habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
"Yes, ako nga, I'm really waiting you. Come here let's go to my office." Ani ni Hugo na tumalikod na. Geeezzz legs lang nakita mo Montero maka-react ka naman.
Kung ang labas ng car shop ay maganda na mas maganda pa pala dito sa loob at haladong kagagawa din lang dahil halos amoy pa ang pintura dito.
"I know you, ikaw ang kaibigan na sinasabi ni Sandoval hindi ba?" Tanong ni Hugo sa dalaga matapos makapag-hugas ng kamay.
"Y-yes ako nga." Nakangiti kong sabi. Bakit ang pogi? Tsaka akala ko ba sabi ni Kuya Rios half black american daw ito? Pero bakit hindi naman siya maitim?
"I'm Hugo, Hugo Montero." Pormal na pagpapakilala ni Hugo sa dalaga.
"Ako nga pala si Ara Cordova, nice meeting you Sir Hugo!"
"Drop the formality, Hugo will do."
"Tipid lang akong ngumiti. "I'm a junior sales associate from Mackelery furniture and enterprising in short nagbebenta ako ng mga furniture."
"I see, well i need a sofa for my office, as you can see wala pa talagang gamit dito sa opisina ko." Paliwanag ni Hugo, dalawang buwan pa lang niya nabubuksan ang shop niya na ito dito sa Pampangga.
BINABASA MO ANG
M.A series # 06 Hugo Montero
RomanceHugo Montero and Ara Cordova story🖤 ⚠️ R-18 story. Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story.