CHAPTER 31

33K 916 44
                                    

I hurriedly open the door when I heard the door bell. It's already 12 midnight at hanggang ngayon ay wala pa din si Hugo. Nakailang beses na punta na ako sa unit niya pero wala naman siya doon, i knew his password on his unit kaya nakakapasok ako. Inuwi niya lang ako kanina dito sa condo unit pagkagaling namin sa M.D mall pagkatapos ay umalis na siya. I know he's mad at me, inaasahan ko naman na yun pero nakakakaba din pala kase lalo pa at alam kong feeling niya ay niloko at pinaglaruan ko siya dahil nag-kunwari akong may selective amnesia.

"K-kuya Marcus.." tawag ko sa pangalan ng mapag-sino ang napabuksan ko ng pinto. Akay  akay niya si Hugo na mukhang lasing na lasing.

"He's wasted, dito ko siya dinala dahil panay ang sabi kanina ng nasa biyahe kami na dito daw siya uuwi." Sagot ni Marcus.

Mas binuksan ko ang pinto ng maayos, ng makapasok na sila ay muli ko itong isinara at iginiya si kuya Marcus papasok sa kuwarto ko para doon na lang si Hugo matulog.

"I know already what's happening between the two of you." Ani ni Marcus ng maihiga si Hugo sa kama. Pinuntahan siya nito kanina sa opisina niya na may bitbit na isang kahong beer. Oo, pumasok ito sa Delgado Company niya na may dala-dalang beer na animo'y susugod ng inuman at dahil kilala si Hugo ng mga security guard ay pinapasok ito kahit na may dalang alak. Kaya ang ending sa opisina niya silang dalawa nag-inuman hanggang alas onse ng gabi.

"N-nag-sorry naman na ako sa kanya kuya." Pagdadahilan ko. "Tsaka alam naman ito ni Kuya Rios."

"Kahit na Ara, you still fooled him. Kahit ako ang nasa sitwasyon niya magagalit din ako. He's worried at you when you had your accident at hindi peke ang pinakita niyang pag-aalala sayo. All of that is real." Paliwanag ni Marcus, Hugo is not a heavy drinker, he knew him for so long. Mas gugustuhin nitong mangbabae kaysa mag-inom o tumambay sa mga bar.

Napayuko ako, tama siya. Yun din ang naiisip ko pero paano kung ginagawa lang ni Hugo yung bait-baitan version niya dahil ang alam niya ay may amnesia ako? Tapos ngayong wala na back to normal na ulit? Hindi puwede yun! Ay kung mangyari yun lalayasan ko na lang siya at uuwi na lang muna ako sa Isabela. Muli kong tiningnan si Kuya Marcus na nakapameywang sa harap ko, parang nakakatakot siyang maging kuya dahil mas seryoso siya kay kuya Rios kapag kinakausap. "K-kausapin ko na lang siya bukas at magpapaliwanag ako ulit."

"Okay ikaw ang bahala, just be careful and have more patience to him. Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa Ara pero this time ikaw ang may kasalanan dito." Dagdag pa ni Marcus, isa pa si Sandoval na hindi niya makontak kanina. Alam niyang ito ang nagsulsol kay Ara na gawin ang pagpapanggap na may amnesia ito kunwari.

Hinatid ko palabas ng unit ko si kuya Marcus, inalok ko pa nga siyang kumain muna dahil nagluto ako ng beefsteak kanina pero tumanggi ito dahil kailangan na daw umuwi dahil hinahanap na daw siya ni Amara. May kasama pa pala siyang bodyguard na nasa labas ng unit ko at hinihintay siya. Pagkasigurado ko na nakasakay na siya ng elevator ay pumunta na ako sa kuwarto ko. Hinubad ko ang sapatos ni Hugo at handa na siyang reypin! Ay mali! Bihisan pala! Kumuha na lang ako ng basang tuwalya at pinunasan ang mukha niya, kung gugustuhin ko man kase na hubarin ang suot niyang t-shirt ay hindi ko magagawa dahil mabigat siya at baka magising lang siya. Kuya Marcus is right, this time mali ko na talaga ito, mali na nagpanggap akong may amnesia. Nang makasigurado ako na ayos na siya sa kama ay pinatay ko na ang ilaw at tsaka lumabas sa kuwarto bitbit ang comforter ko. Doon na lang muna ako sa tantra chair matutulog ngayon.

Kinabukasan nagising si Hugo na masakit ang ulo, hindi pa nga niya nagawang makabangon agad dahil masakit talaga ang ulo niya at kumikirot pa. What happened? Tumingin siya sa paligid at narealize niyang nasa kuwarto siya ni Ara, maaga pa pala dahil alas siyete lang ng umaga. Oo nga pala he remembered now, umalis siya kahapon pagkahatid niya kay Ara dito sa condo nito dahil galit siya. Pero nasaan na si Ara?

Napailing na lang si Hugo ng makitang nakahiga at tulog na tulog si Ara sa tantra chair nito na nasa sala. Buti hindi siya nalaglag? She's peacefully sleeping, napasimangot siya. Ang bait ng itsura kapag tulog pero kapag gising napakakulit! Naalala niya na naman na nagkunwaring may amnesia ang babaeng ito. Then Hugo carried her and bring her on her room, hindi maganda tulugan ang tantra chair lalo at buntis ito at baka malaglag doon.

"H-hugo.." tawag ni Ara ng maalimpungatan at makita ang binata.

"Hindi ka sana natulog sa sala, paano kung malaglag ka sa tantra chair? Baka nakakalimutan mo buntis ka." Masungit na sabi ni Hugo.

"Hindi kase tayo kasya kagabi dito sa kama ko, sakop na sakop mo yung buong kama." Sabi ko naman.

"I will prepare your breakfast, sumunod ka na lang sa kusina." Paalam ni Hugo.

"Wait!" Pigil ko sa kanya sabay hawak sa maugat niyang braso, oo maugat talaga kagaya ng titeeee niya! "Galit ka pa sa akin? Sorry na." Hingi ko ulit ng paumanhin. Oo na, guilty na ako! Ako na ang may kasalanan!

"I accept your sorry Ara but it doesn't mean pinapatawad na kita at okay na tayo." Seryosong sabi ni Hugo bago bumitaw sa pagkakahawak ni Ara at lumabas sa kuwarto nito. Naalala niya ang mga payo ng kaibigang si Marcus sa kanya kagabi, he's friend is right. Pinaamin lang siguro talaga siya ni Ara sa totoong nararamdaman niya para dito. Pero kahit ganon ay pakiramdam niya ay naloko pa din siya at na-iscam! At bilang ganti may plano siya ngayon, tutal aminado naman na siyang gusto niya ito at hindi lang basta fuck buddy ang gusto niya.  At ngayon ako naman ang magpapalambing sayo!

Happy easter sunday! Manlibre na po kayo ng kape, tamang-tama malamig ngayon at maulan😆
#maribelatentastories

M.A series # 06 Hugo Montero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon