"No hindi ako papayag magpakasal sayo." Buo ang loob na sagot ko kay Hugo.
"W-what? Why not?"
"If we're only getting married because I'm pregnant my answer will be a big NO." Sabi ko pa, aba kahit naman may kaharutan akong taglay hindi ko naman gagawing biro ang kasal no! Tsaka isa pa walang divorce dito sa Pilipinas! Mamaya hindi kami magkasundong dalawa habang magkasama kami, eh di nagkanda-letse letse na.
"But we're already having a baby Ara so bakit ayaw mo pa na magpakasal tayo?" Tanong ulit ni Hugo, unang beses lang niyang mag-alok ng kasal sa isang babae at isang malaking NO pa ang nakuha niyang sagot. Tangina..
"I-I don't even know you Mr. Montero, may selective amnesia ako baka nakakalimutan mo kaya hindi ako basta-basta papayag magpakasal sayo."
"Hindi pa ba sapat na nandito ako sa harap mo at pinapaliwanag ang tungkol sa ating dalawa?" Puno ng frustation na sabi ni Hugo.
"Hindi, h-hindi nga ako nakakasiguro kung boyfriend ba talaga kita o hindi eh." Ganyan nga Ara tandaan mo nag audition ka dati sa starstruck season 1 iapply mo yung acting mo kay Hugo!
"I can't believe this.." napailing na sabi ni Hugo habang nakatingin kay Ara.
"At anong hindi kapani-paniwala doon?" Sabi ni Rios na kakapasok lang sa loob ng kuwarto. Kanina niya pa naririnig ang usapan ng dalawa at parang sumasakit ang ulo niya kapag naaalalang sinabi ni Hugo na fuck buddy lang daw nito si Ara. Barilin ko kaya ulit? Nakakapikon eh.
"Hindi pa kami tapos mag-usap Sandoval bakit ba pumasok ka agad?" Baling ni Hugo sa bwisit niyang kaibigan.
"5 minutes is 5 minutes Montero, sobra pa nga eh." Naupo si Rios sa upuan na naroon. "Mamaya ng hapon lalabas si Ara at sa bahay muna siya uuwi para mabantayan ko at ng asawa ko."
"What? She can stay on my house! Bakit sa bahay mo pa?" Reklamo ni Hugo, hindi pa kase siya makakalabas ng ospital base na din sa sabi ng doktor kanina sa kanya. So ano ito? Maiiwan siya dito?
"Bahay mo? At bakit sa bahay mo? Hindi taga Pampanga si Ara, taga Maynila yan tsaka Isabela." Pagtatama ni Rios.
"Sasama ako kay kuya Rios." Singit ko naman, nakapag-usap na kase kami kanina maski ni Amethyst sa telepono at sa bahay ni Tito General muna nga ako titira ng ilang araw habang nagpapagaling pa ng husto.
"You're pregnant, and I'm the father of your baby so you should stay with me Ara." Hindi papatalo na sabi ni Hugo.
"Naks biglang naging tatay ah!" Nakangising sabi ni Rios. "Narinig ko pinagsasabi mo kanina Montero, ayaw mo panagutan diba? Tapos ngayon aakuin mo na?" Pumalakpak pa si Rios bilang pang-aasar.
"'Wala akong sinabi na ayoko sa baby."
"Ganon na din yun, tsaka ayos lang naman kung walang kilalaning tatay ang anak ni Ara. Puwede naman niya akong maging tito daddy tapos sina Bullet, Gael, Marcus tsaka Samuel ang magiging tito ninong niya." Nakangiti na sabi ni Rios habang nakatingin pa din kay Hugo.
"Tito daddy mo mukha mo!" Inis na sabi ni Hugo, siraulo to nauna pang mag-plano sa akin.
"Tumigil na nga muna kayong dalawa, baka lalo lang hindi ako makaalala dahil sa inyo eh." Awat ko sa kanila, kung si kuya Rios hindi nakakapalag kay Amethyst ngayon naman si Hugo ang hindi makapalag kay kuya Rios.
"Oh alis na Montero, pagpahingahin mo muna si Ara at baka mabinat yan." Pagpapalayas ni Rios sa kaibigan.
Pero tumingin lang si Hugo sa dalaga, well Rios is right Ara need to rest. "Magpahinga ka muna, babalik na lang ako mamaya." Paalam niya pa dito.
"S-sige.." tipid kong sagot.
"Ihatid ko lang siya sa labas Ara, matulog ka muna diyan. Babalik din ako agad." Tumayo si Rios at tinulak ang wheelchair na kinaka-puwestuhan ni Hugo. Kahit naman galit pa din siya dito at binaril niya ito ay hindi na maiaalis na kaibigan niya pa din ang gagong Montero na ito.
Hinatid ni Rios si Hugo sa kuwarto nito at naabutan nilang naroon ang mga kaibigan nila.
"Akala ko tinulak mo na si Hugo sa hagdan eh." Sabi agad ni Bullet kay Rios.
"Oo nga, o kaya iniwan mo sa pagitan ng elevator." Segunda ni Samuel.
Nag isang linya ang kilay ni Hugo. "Lumayas nga kayo dito! Wala naman kayong gagawin kung hindi bwisitin ako eh." Sabi niya pa, dito ang mga ito nagpalipas ng gabi at ang mga siraulo kumuha pa talaga ng tig-iisang kuwarto dito sa ospital para may matulugan! Ginawa ba namang hotel!
"Kayo na ang bahala sa gagong ito, babalik na ako sa kuwarto ni Ara." Paalam ni Rios.
Inalalayan ni Marcus si Hugo na makabalik sa kama na naroon, pero hindi naman ito humiga sa halip ay sumandal lang doon.
"Ara have selective amnesia.." panimula ni Hugo.
"I know nasabi kanina sa akin ni Rios, so hindi ka niya naaalala?" Ani ni Marcus.
"Yes, she can't remember me, lahat ng nangyari sa kanya six months ago ay hindi nito maalala."
"So naaalala pa din pala ako ni Ara kung ganon. Last year ako bumili ng furnitures sa kanya eh." Sabi ni Bullet.
"Same, pero 7 months ago siguro. Pasyalan kaya natin mamaya?" Aya ni Samuel kay Bullet.
"Tsk, tumigil nga kayong dalawa." Saway ni Marcus. "Anong sabi niya? Nagkausap ba kayo?"
"Yes nakausap ko siya, she rejected my proposal." Sagot ni Hugo.
"Anong proposal ba yan? Baka naman inaya mong magpakasal? Eh alam mo na ngang may amnesia yung tao." Sabi na naman ni Bullet.
"She's already pregnant and of course I want our baby used my name."
"That's why she rejected you." Nakapamulsa na sabi ni Marcus. "Kagagaling lang nung tao sa aksidente tapos hindi pa makaalala. Tapos yayayain mo agad ng kasal? Siraulo ka ba? Malamang hindi talaga papayag si Ara."
"Pero baka itago siya sa akin ni Rios."
"Kaya ginawa mo yun? Alam mo hindi ko alam kung nalaglagan ka na ba ng turnilyo sa utak o ano eh." Pailing-iling na sabi ni Samuel.
"Why? What should i do then?"
"Hinintay mo muna dapat siyang makalabas at gumaling man lang. Tapos hindi mo muna dapat inalok ng kasal si Ara. If she can't remember you then you only gave her a bad impression of yourself on her." Paliwanag pa ni Samuel.
"Bakit nga? Ipaliwanag mo nga." Hindi pa din maintindihan na tanong ni Hugo.
"She doesn't know you, sabihin na natin na may gusto siya sayo bago mangyari ang aksidente sa kanya pero iba ngayon pare. Yung hindi ka niya matandaan ang dapat mo munang asikasuhin." Dagdag pa ni Samuel.
"Tama, kung gusto mo siya talaga ligawan mo! Suyuin mo, kesehodang buntis siya o hindi yun ang dapat mong gawin mo ngayon hindi yung kasal agad." Sabi din ni Bullet.
"Kaso ang tanong diyan kung gusto nga ba talaga nitong si Hugo si Ara? O baka naman puro sex lang ang nasa isip nito?" Sabat ni Marcus.
"Natural gusto ko siya, gusto ko si Ara." Pag-amin ni Hugo, of course he like her walang duda doon.
"Eh di gawin mo yung mga sinabi ko, ligawan mo tsaka suyuin mo. Yung bad image mo sa kanya itama mo ngayon." Ani ni Samuel.
"Pero iuuwi na daw siya ni Rios mamayang hapon sa Manila."
"Eh di magpagaling ka muna bago mo siya sundan sa Maynila, pero dapat pare ngayon pa lang malinaw na dapat sayo kung ano ba sayo si Ara. Kung sex lang ba ang habol mo o gusto mo siyang kasama tumanda kasama ang anak niyo?" Seryosong tanong ni Marcus.
Natahimik naman si Hugo sa sinabi ni Marcus, ano nga ba?
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.A series # 06 Hugo Montero
RomanceHugo Montero and Ara Cordova story🖤 ⚠️ R-18 story. Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story.