CHAPTER 27

37.5K 913 37
                                    

"Hayyys! Pasama-sama pa kase ang bigat tuloy ng sasakyan." Pagpaparinig ni Rios na tumingin pa sa rearview mirror. Ihahatid niya ngayon si Ara sa Isabela at sumama syempre ang kaibigan niyang gago na si Hugo.

"Panget lang kamo itong sasakyan mo kaya ganon." Nakangising sabi ni Hugo na nakaupo sa likuran ng sasakyan. Si Ara ang nakaupo sa unahan na dapat katabi niya dito sa likod pero doon pinaupo ng walanghiyang si Sandoval.

"Anong panget? Ang angas angas kaya ng sasakyan ko!" Tukoy pa ni Rios sa Jeep wrangler niya. Hindi niya na pinasama si Amethyst dahil matatagtag lang ito sa biyahe. Fiesta kase sa lugar nila Ara kaya tamang-tama ang punta nila.

"Anong maangas dito? Panget naman talaga parang yung may-ari!" Nilingon-lingon pa ni Hugo ang loob ng sasakyan, maganda ang sasakyan ni Rios lalo na ang interior sa loob, siya kase ang mismong nag-design nito. Binubwisit niya lang din talaga ang kaibigan dahil kanina pa ito daldal ng daldal na parang babae.

Inis na hininto ni Rios ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Pababain kaya kitang gago ka? Hindi ka naman imbitado eh. Sabit ka lang." Inis na sabi niya kay Hugo.

"Kuya Rios ano ka ba? Hindi ba kayo titigil na dalawa?" Sabat ko naman at nilingon din si Hugo na sige din ang pang-aasar. "Ikaw tumahimik ka na diyan sagot ka din ng sagot eh." Saway ko kay Hugo.

Muling pinaandar ni Rios ang sasakyan, then he looked on Hugo again from the rearview mirror and mouthed gago. Isusumbong niya talaga ito mamaya sa tatay ni Ara tapos papahirapan niya doon.

Ilang oras pa ang lumipas bago sila nakarating sa Isabela. Saktong alas dos ng hapon sila dumating,  huminto naman sila kanina para magtanghalian ng may madaanang restaurant at makapag inat-inat na din halos limang oras din ang biyahe nila depende sa takbo ng sasakyan.

Isang bahay na gawa sa kahoy ang nadatnan ni Hugo na nakatayo sa malawak na bakuran. Rough road ang daanan papasok sa lugar nila Ara at pangilan-ngilan lang ang mga bahay na nakita niya papunta dito. Tama nga lang na sasakyan ni Rios ang gamit nila ngayon lalo pa at lubak-lubak ang daan.

"Naku buti naman at dumating na kayo." Sabi ng sixty five years old na si Rudy ang tatay ni Ara. Agad naman nagmano si Ara na sinundan din ni Rios.

"Syempre naman tay Rudy para makadami tayo ng inom mamaya." Pabirong sabi ni Rios.

"Ikaw talagang bata ka, hindi mo isinama ang asawa mo para makita naman namin ulit ang madaldal na yun." Nakangiti na sabi ng matanda pero ang tingin ay na kay Hugo. "Sino ang kasama niyo Ara?"

"A-ah siya po si Hugo tay." Mabilis kong sagot.

"Nanliligaw sa unica iho niyo tay Rudy. Naku pahirapan niyo nga." Nakatawang sabi ni Rios.

"Kuya Rios!" Sinipa ko ang binti niya. Akala ko ba magkakampi kami? Bakit nanglalaglag?

"Hayaan mo na Ara ngayon lang natin malalaman kung seryoso ba talaga sayo si Montero." Dagdag pa ni Rios na tiningnan pa si Hugo. Alam niyang wala itong magagawa ngayon sa pang-aasar niya kaya itotodo niya na hanggang magkakasama sila.

"Halina na nga kayo sa loob at ng maka-meryenda muna kayo." Aya ng tatay ni Ara sa kanilang tatlo pero muling tumingin sa direksyon ni Hugo.

Hinawakan ko ang kamay ni Hugo at pinisil ito ng marahan tsaka ko siya tiningnan. "Relax, walang baril ang tatay ko." Itak lang ang meron.

Isang masayang meryenda at puno ng kuwentuhan ang nangyari ng hapon na yun. Pero hindi maitatanggi ang kaba na nararamdaman ni Hugo lalo pa at nakilala niya din ang nanay ni Ara, at dalawa pa nitong nakakatandang kapatid na lalaki.

"Totoo bang nililigawan mo ang anak ko?" Seryosong tanong ng tatay ni Ara kay Hugo habang nakaupo sila sa sala pagkatapos nilang makapag-meryenda.

"Opo, ako nga po pala ulit si Hugo Montero." Nakangiting sabi ni Hugo na nagpakilala ulit. Katabi niya si Ara habang ang walanghiyang si Rios ay feeling kapamilya dahil tumabi pa talaga sa tatay ni Ara.

"Taga saan ka ba iho? At ilang taon ka na?"

"Kaedad ko lang yan tay Rudy tapos taga Pampanga yan." Sagot ni Rios na akala mo ay siya ang tinatanong.

Huminga muna ng malalim si Hugo at tiningnan ng masama si Rios. "40 years old ho ako at sa Pampanga ako nakatira."

"40? Aba'y ang laki ng agwat ng edad niyo ng anak ko." Sabi agad ng tatay ni Ara.

"Age doesn't matter naman ho tsaka isa pa seryoso naman ho ako sa anak niyo." Sabi pa ni Hugo.

"Weeeh di nga? Parang hindi yata." Mahinang sabi ni Rios.

"Paano ba kayo nagkakilala ng anak ko?"

"Kaibigan po siya ni Kuya Rios tay, tapos pinagbentahan ko ho siya ng mga furnitures."  Ako na ang sumagot, baka kase mamali ang kuwento ni Hugo tapos pareho kaming lagot.

"Ganon ba? Wala naman kaso sa akin kung ligawan mo ang anak ko ang mahalaga lang ay wag mong sasaktan dahil diyan tayo magkakagulo." Sabi pa ng tatay ni Ara.

"Wala naman po akong balak saktan ang anak niyo." Sagot ulit ni Rios. See? Wala naman yatang problema sa tatay ni Ara feelingero lang talaga itong si Rios eh.

"Ganyan naman lagi ang sinasabi sa una, diba Rios ganyan din ang sabi nung nanligaw kay Ara na taga Bayan tapos babaero pala ang walanghiya." Baling ng ama ni Rudy sa katabing si Rios.

"Oho tay buti na lang at hindi pa nasasagot nitong si Ara." Sagot din ni Rios, siguro mga dalawang taon na ang nakalipas ng mangyari yun. "Ayos naman na ho yun dahil binugbog namin ng mga anak niyo." Natatawa pang sabi niya.

"Tama ho kayo, hindi nga maiiwasan ang magkasakitan pero hanggang maaari hindi ko ho gagawin yun kay Ara." Seryosong sabi ni Hugo.

"Talagang wag mong sasaktan dahil apat kami kasama ng mga kuya ni Ara na bubugbog sayo pag nagkataon." May banta sa boses ng matanda habang nakatingin pa din kay Hugo. "Siya lang at ang nanay niya ang reyna at prinsesa ng aming pamilya kaya kahit nanaliligaw ka pa lang kamo ay wag mong sasaktan ang anak namin."

"Makakaasa ho kayo."

"Oh siya sumama ka sa likod at tulungan mong magkatay ng baboy ang mga kapatid ni Ara para sa pista bukas. Yang si Rios alam kong tutulong yan." Aya ng tatay ni Ara at tumayo na mula sa upuan.

"Syempre naman tay magaling ako magkatay ano!" Pangisi-ngisi na sabi ni Rios na nakatingin sa gawi ni Hugo. Mapapasubo ka ngayon Montero. "Tapos magpapabili tayo ng beer para uminom tayo mamaya ano?"

"Aba gusto ko yan Rios, oh siya tara na."

"T-tay dito na lang si Hugo." Sabi ko naman. Yung mga nginitian ni kuya Rios alam kong may plano itong hindi maganda eh.

"It's okay, gusto ko din mexperience yun." Sabi ni Hugo sa katabi. "'Tsaka nakakahiyang tumanggi sa tatay mo."

"Basta bumalik ka dito kapag hindi mo kaya ha?" Bilin ko sa kanya, syempre ano bang malay nito sa pagkakatay? eh kotse lang naman ang alam niyang kalikutin tsaka ako. Pero tanging tango lang ang sagot niya sa akin. Goodluck master! Umiwas ka sa itak ni tatay!



Pre order of I took her innocent is until April 15, 2022 avail na po kayo. Pm me sa fb page! Thank you!
#maribelatentastories

M.A series # 06 Hugo Montero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon