CHAPTER 28

32.9K 952 27
                                    




Napapalunok na lang ng sariling laway si Hugo habang pinapanuod ang dalawang kapatid ni Ara na nagkakatay ng dalawang malalaking baboy. May mga alaga pa lang hayop ang mga magulang ni Ara dito sa likod bahay, baboy, manok, pabo, kambing at pato ang nakita niya.
Bilhan ko kaya ng farm? Para suhol ko na din?

"Ano? Manonood ka na lang diyan? Tumulong ka Montero. Hindi kakain dito kapag hindi tumulong." Sabi ni Rios habang naghahasa ng itak na hawak.

"Tsk, bwisit ka talagang gago ka eh. Kanina ka pa." Inis na sabi ni Hugo.

"Pasalamat ka pa nga hindi ko pa sinabi yung ginawa mong katarantaduhan kay Ara sa tatay niya eh. Kung hindi malilibing ka talaga ng buhay dito." Dagdag pa ni Rios, hahayaan niya na ang dalawa na magsabi sa pamilya ni Ara na buntis ito. Napatingin siya sa likod bahay malawak-lawak pa naman ang bakuran nila Ara puwedeng-puwede dito ipaghukay ng lupa para kay Hugo kapag nagkataon.

Lumapit naman ang tatay ni Ara at inabutan si Hugo ng malaking kutsilyo. "Tulungan mo na lang si Rios maghiwa ng baboy, para maisalang na yan at mapalambot."

"Sige ho." Alanganing tanggap ni Hugo sa kutsilyo.

Samantala hindi naman mapakali si Ara na pasilip-silip sa bintana ng kusina nila. Kinakabahan siya para kay Hugo lalo pa at hindi naman ito sanay sa mga ganong gawain.

"Naku.. sino bang sinisilip mo diyang bata ka? Yung nanliligaw sayo ha?" Sabi ng nanay ni Ara na sinundot pa ang beywang niya.

"Ang hilig niyo talagang manggulat." Sabi ko naman at muling sumilip sa bintana.

"Hayaan mo na yan sila, pupunta dito ang mga tiya mo at tutulong sa akin magluto para bukas."

Oh my god buong angkan pa yata namin ang makakakita kay master este kay Hugo. "Dapat kase sinaway niyo si tatay kanina, hindi naman ho sanay si Hugo sa ganyan."
Reklamo ko.

"Ay sus, nandoon naman ang kuya Rios mo ah, sabi mo pa eh magkaibigan sila kaya hayaan mo na ang mga yan."

Yun na nga nay mas delikado kase kasama niya si kuya Rios. "Dadalhin ko lang ho ang mga gamit ko sa kuwarto tapos tutulungan ko kayo." Paalam ko sa nanay ko, hindi man kalakihan ang bahay namin pero tig-iisa naman kaming may kuwarto dito.

Hindi akalain ni Hugo na mapapasubo siya sa pagkakatay ng baboy. He never experienced this as in NEVER! Kung alam niya lang na ganito nag alok na lang sana siya na magpa-catering at siya na ang magbabayad. Pero habang busy sila sa pagkakatay ay nakakuwentuhan naman niya ang dalawa pang kapatid ni Ara na may kanya-kanya na pa lang pamilya at hindi nalalayo ang mga bahay dito. It's a good experienced though nagpakitang gilas talaga siya sa tatay ni Ara kahit ngayon niya pa lang ito nagagawa at sige pa din ang pang-aasar ni Rios sa kanya mula kanina.

Kinagabihan ay hindi pa natapos mula sa pagkakatay ng mga baboy ang ginawa nila Hugo dahil dumating naman ang ibang kamag-anak ng pamilya ni Ara para sa fiesta kinabukasan. Kaya ang siste ay nagka-ayayaan sila ng inuman na hindi niya natanggihan.

"Wag kang mag-arte diyan Montero inumin mo na yang tuba para good shot ka sa tatay ni Ara." Lasing na sabi ni Rios sa katabi.

Alanganing ininom ni Hugo ang kulay pula na alak na lokal daw na iniinom dito. Nagpabili naman siya kanina ng sampung case ng beer pero ang tatay ni Ara ay ito ang inalok sa kanya ngayon.
At itong sulsulero niyang kaibigan ay sige talaga mula pa kanina.

"Oh ano iho masarap ano?" Tanong ni Rudy kay Hugo matapos nitong ilapag ang baso sa lamesa.

"Masarap ho lalo na at may Pepsi." Sagot ni Hugo, I never tried this, tasted weird but yeah it's delicious.

Isang maingay at puno ng kuwentuhan ang nangyari ng buong gabi, halos lahat ay na kay Rios at Hugo ang atensyon. Now Hugo knew why his friend protecting Ara so much. Rios is so valued of Cordova's family, masaya kasama ang mga ito at nirerespeto ang isa't-isa. At parang tunay na anak ang turing ng tatay ni Ara sa kaibigan niya na medyo kinakainggit niya. They gave big respect towards on Rios because he helped them too before, lalo na daw noong talamak na sumasalakay sa lugar nila Ara ang mga NPA para mangamkam ng mga gamit at produkto sa mga bahay-bahay.

"L-lasing na lasing ka na.." sabi ko kay Hugo ng alalayan ko ito makapasok sa dating kuwarto ng kuya ko. Pasado ala una na ng madaling araw. Nakaidlip na lang ako at lahat pero sila hindi pa din tapos mag-inuman. Si Kuya Rios nga ay naroon pa sa labas kasama ang mga kapatid ko at si tatay naman ay nasa kuwarto na nila.

"Beautiful.."

"Hugo!" Saway ko sa kanya ng hilahin niya ako at mapaibabaw sa kanya sa kama.

"Thank you for bringing me here, i know you still don't remember me. Yet you introduce me to your family already." Ani ni Hugo na hinihimas ang pisngi ni Ara.

Napatda ako sa sinabi niya. Marunong din pala mag-thank you ang isang Hugo Montero?
Akala ko puro kantunan lang ang nasa isip eh.

"I know your father doesn't like me so much but i will try my very best para magustuhan niya ako para sayo."

"L-lasing ka na, matulog ka na." Akma akong babangon pero hinila lang ako nito palapit sa kanya lalo.

"I'm not drunk beautiful, gago kase yun si Sandoval pinainom ako ng pinainom ng tuba." Mahinang reklamo ni Hugo na kinatawa ni Ara dahil alam niyang lasing naman na talaga ito. "They love you, even my friend Rios  love you Ara that's why he's very protective on you like your real brother." Dagdag pa niya, kumbaga hinayaan ng pamilya ni Ara na matuto itong mamuhay sa Maynila dahil nga hindi ganon kaganda ang pamumuhay dito sa lugar nila at sa tulong ni Rios ay nagawa ito ng dalaga.

"Natural mahal talaga nila ako no! Ganda-ganda ko eh tapos mabait pa."

"Tsk, ang layo ng sagot mo sa sinabi ko."

"Matulog ka na, mapapasabak ka ulit bukas sa inuman." Pabirong sabi ko sa kanya.

"What? No way! I'm not a heavy drinker Ara." Mas niyakap ni Hugo ng mahigpit ang dalaga. "Ako na ngayon ang natatakot." Biglang seryosong sabi ng binata.

Tiningnan ko siya at napaka kunot noo ako. "Ha?"

"You can't still remember me right? And I'm falling, falling hard for you now.."


#maribelatentastories

M.A series # 06 Hugo Montero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon