CHAPTER 29

34.1K 866 21
                                    

Hugo can't stop smiling while looking on Ara talking with her relatives, parang hindi ito naospital at walang amnesia dahil napakadaldal naman talaga. Napapangiti siya habang nakikinig sa mga kuwento nito, bagay na bagay lang talaga dito ang trabaho bilang junior sales associate napakagaling magsalita.

"Oh tama ng titig Montero baka malusaw." Sabi ni Rios na naghikab pa at tinabihan ang kaibigan.

"Tsk, nandito ka namang letse ka, hindi ka na sana nagising."

"Aba bad yan Hugo parang gusto mo na akong ma-deads ah. Tsaka ginising na ako ng nanay ni Ara nakakahiya naman kung hindi pa ako babangon. Invited ako dito baka nakakalimutan mo. Ikaw? Invited ka ba? sabit ka lang eh."

Binatukan bigla ni Hugo si Rios, nakakadami na talaga ito sa kanya simula pa kahapon.

"Aba't! Isumbong kita sa tatay ni Ara sige ka!" Sabi ni Rios na hinihimas ang ulo niya.

"Kalalaking tao sumbungero." Napaismid na sabi ni Hugo at muling tiningnan si Ara na kausap naman ang tatay nito ngayon.

"Wag ka nga palang uminom Montero at ikaw naman ang magda-drive pag pauwi na tayo." Bilin ni Rios habang hinihimas ang kanyang sentido. Ngayon ang mismong araw ng pista at malamang sa malamang ay magka-ayayaan na naman sila ng inom pero kailangan na kase nilang bumalik sa Manila dahil hindi niya puwede iwan mag-isa si Amethyst ng matagal. Napadami ang inom niya kagabi kaya naman medyo masakit ang ulo niya ngayon. Hindi niya na nga nagawang tawagan ang asawa kagabi bago ito matulog kaya kanina ay nakarinig siya ng sermon mula dito sa telepono.

"Ikaw lang naman ang malakas mag-aya at mag-inom sa ating dalawa eh." Sagot ni Hugo.

"Sussss weak ka lang kamo Montero, tumatanda ka na kase. Tsaka akala mo ha vinideohan kita kahapon habang nagkakatay ka ng baboy ipapakita ko nga yun kila Marcus nagsuka ka eh." Pang-aasar na naman ni Rios bago muling tumayo at lumapit sa mga kapatid ni Ara.

Hugo just stared again on Ara, he remembered what he said to her last night. Yes he might be drunk but he knew what he said on her. At oo ewan ba niya dahil kung kailan may selective amnesia ito at hindi siya maalala ngayon ay siya naman ang nahuhulog dito. Paano na lang kung bumalik na ang alaala niya tapos hindi na siya nito gusto? Hindi puwede yun!

"Sasabay na tayo mamaya kay kuya Rios pagbalik ng Manila." Sabi ko ng lapitan ko si Hugo at abutan ng plato alam kong hindi pa siya kumakain at magsasabay na lang kaming dalawa. Hindi din naman ako nakatulog ng maayos dahil busy si nanay at mga kapatid niya sa pagluluto kaninang madaling araw at nakipag-kuwentuhan na lang din ako sa kanila matapos kong siyang ihatid sa kuwarto niya. Isa pa naiisip ko ang sinabi nitong Montero na ito sa akin, kung maniniwala ba ako o hindi. Mamaya chinacharot-charot lang ako nito eh.

"Uuwi na tayo agad? Hindi ba magtataka ang magulang mo?
Takang tanong ni Hugo.

"Sinabi ko sa kanila na may pasok pa ako sa trabaho tsaka baka makahalata sila na buntis ako."

Napabuntong hininga si Hugo. "So hindi muna natin sasabihin ang tungkol diyan?" At bumaba ang tingin niya sa tiyan nito.

"Not yet, we will just ruined the occasion if we will tell on them." Mahina kong sagot.

"Hihintayin ko na lang din na makaalala ka, at kapag nangyari yun tsaka na natin ipaalam sa kanila." Buong sinseridad na sabi ni Hugo. At sana nga maalala mo na ako.

Tipid na ngiti lang ang sinukli ko sa kanya. Parang nakakatakot na ang ginagawa ko ah. Paano kung malaman niya na nagsisinungaling lang ako? Na wala naman talaga akong amnesia? I'm sure he will get mad at me and to kuya Rios also.

Mag aalas sais na ng gabi nakaalis sina Ara sa bahay nila. Ayaw pa nga sana sila pauwiin ng magulang niya pero siya na ang nagdahilan na kailangan nilang bumalik sa Manila dahil may trabaho siya at si Rios naman ay hinahanap na ng buntis na asawa nitong si Amethyst.

"We have lots of rice.." nakangiting sabi ni Hugo ng maalala ang walong sako ng bigas na pinadala ng tatay ni Ara sa kanila.

"Yes, ganyan naman sila tatay kapag pabalik na ako ng Manila madaming pabaon na bigas." Sagot ko naman. Tiningnan ko si Kuya Rios na nakahiga sa likuran, knockout talaga siya dahil inaya ulit ito ng mga kapatid ko at pinsan ko na uminom kanina na kilala niya din noon pa.

"You have a beautiful family.." Hugo said out of nowhere.

"Indeed, at mamimiss ko na naman sila." Kinausap kaming dalawa kanina ni Hugo ni tatay bago kami umalis. At medyo kinakabahan ako sa bilin niya. Wag daw ako magpapabuntis agad dahil kung hindi pareho daw kaming lagot ni Hugo sa kanya. Hindi na nga lang ako nakaimik dahil baka kung ano pang lumabas mula sa bibig ko at maging si Hugo ay ganon din. Hindi naman siguro nahalata ni tatay na may something sa amin ni Hugo diba?

Hinawakan ni Hugo ang kamay ni Ara ng makita niya itong nag-iisip ng malalim at sa daan lang ang tingin.
"Don't worry Ara, hindi naman kita pababayaan at wala akong balak pabayaan ka."

Really? Masabi mo pa kaya yan kapag nalaman mong wala naman talaga akong amnesia? Pinisil ko ang kamay nitong nakahawak sa akin. For now I will enjoy first being with him, yung Hugo na hindi puro kantunan ang alam kung hindi yung new version na Hugo Montero.

Sa saturday na po ako ulit mag-update! See yah!
#maribelatentastories



M.A series # 06 Hugo Montero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon