Mula sa furniture shop na pinapasukan ko ay maaga pa lang ay bumiyahe na kami papuntang Pampanga para ideliver ang mga binili ni Hugo sa akin noong nakaraan. Three days lang ang inabot para madeliver ito sa kanya at syempre kapag ganito na malaki ang kikitain ko mula sa binili niya ay ako pa mismo ang maghahatid.
"Akala ko hindi ka na babalik." Sabi ko kay Hugo na kakapasok lang dito sa opisina niya. Matapos kase naming maayos ang leather sofa niya dito ay iginiya niya ang dalawa kong kasama palabas kanina.
"Nahhh pinauwi ko na yung mga kasama mo." Balewalang sabi ni Hugo at naupo sa kanyang swivel chair na naroon.
"H-huh? Pinauwi? Bakit mo pinauwi?" Takang tanong ko sa kanya. "Wala akong dalang sasakyan uy!" Reklamo ko agad.
"You went here with two men all the way from Manila at sa isang truck lang kayo sumakay na tatlo. You seat on the front seat right?" May sigurado sa tanong ni Hugo lalo pa at close truck ang nagdeliver ng mga furniture niya at sa harapan lang puwede maupo.
"Oo natural sa harap din ako nakiupo, bakit?"
"Your wearing a skirt and i don't like it."
"A-ano?"
"Sabi ko hindi maganda na naka palda ka tapos sa unahan ka ng truck umupo na dalawang lalaki pa ang katabi mo doon."
Parang hindi ko pa din naiintindihan ang sinasabi niya. "Eh sa ganon naman talaga ang sinasakyan kapag nagdedeliver kami eh, paano ako uuwi niyan? Magba-bus ako?" Tsk, kaya pala ang tagal niya ako balikan dito dahil pinaalis niya na pala yung mga kasama ko!
"Don't worry ihahatid kita, may pupuntahan din kase ako sa Manila." Nakangiting sabi ni Hugo sa nakasimangot na si Ara.
"Oooohh.." para-paraan yern?
"So paano tara na?" Aya ni Hugo sa dalaga.
Isang ford ranger raptor ang sinakyan namin pabalik ng Manila. Ang ganda ng sasakyan ni Hugo lalo pa at halatadong naka-costumized na. Ang ganda din ng interior design ng loob ng sasakyan na hlaatadong pinalitan mula sa orihinal na itsura nito. Pangarap ko din ang sasakyan na ito eh pero hindi keri ng budget kaya Kia Picanto lang ang kinuha ko.
"How old are you Ara?" Hugo asked while driving.
"Twenty two." Simple kong sagot.
18 years ang tanda ko sa kanya? Ako nangbababae na nun samantalang siya baby pa lang. "I see, and your already a junior sales associate on the company you we're working?"
"Yes, mag-one year pa lang ako doon, and mag-one year pa lang din ako dito sa Manila."
"Bakit taga saan ka ba talaga?"
"Sa Isabela, doon ko din nakilala si kuya Rios." Kuwento ko. "Tapos nung nakahanap ako ng trabaho sa Manila tsaka ako tinulungan ni kuya Rios kumuha ng condo unit at naging magkapitbahay kami." Kuwento ko sa kanya.
"Hmmnn.." patango-tango na sabi ni Hugo. Yes he knew his friend condo unit sa may Roxas boulevard ito at nakarating na siya doon ng ilang beses.
"Hindi ko nga akalain na sa sales ako babagsak eh."
"Why? Ano bang course ang tinapos mo?"
"Tourism management, nag-try muna ko mag-apply sa mga airlines bago ako bumagsak sa Mackelery." Paliwanag ko pa, hindi ko nga siguro destiny maging isang flight attendant dahil kapos ako sa height.
"So gusto mo pala sumakay ng eroplano?" Hugo asked again.
"Medyo pero parang nakakalito kung sino ba ang sasakyan ko. Kung yung eroplano ba o yung piloto."

BINABASA MO ANG
M.A series # 06 Hugo Montero
RomanceHugo Montero and Ara Cordova story🖤 ⚠️ R-18 story. Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story.