"Pupunta ka dito tapos saglit ka lang? Dapat hindi ka na pumunta Sandoval!" Sabi ni Bullet sa kaibigan.
"Hindi ako puwedeng magpakalasing ng todo, my wife is pregnant remember?" Ani ni Rios na tinungga ang hawak na beer. Nandito sila ngayon sa bar nila Marcus at Bullet sa Taguig. Dito na siya dumiretso mula sa Camp crame, nagpaalam naman siya sa asawang si Amethyst pero sinabi niyang hanggang alas otso o alas nuwebe lang siya ng gabi dito.
"Wala si Montero ah, madalang talaga magpakita ang gagong yun." Sabi ni Gael na napilitan lang lumuwas ng Maynila dahil kung hindi siya ang pupunta dito ay siya naman ang susugurin ng mga kaibigan niya sa Paraiso. Kapag nasa bahay pa naman niya ang mga ito ay naiittsapwera na siya ng asawang si Isla dahil naka-focus na ito sa mga peke nitong kuya. At kahit wala siyang dapat ikaselos ay nagseselos siya.
"Hindi talaga magpapakita yun, may kasalanan yun sa akin eh." Balewalang sabi ni Rios.
Napatingin agad kay Rios ang apat na kaibigan.
"Bakit? Anong ginawa sayo?" Curious na tanong ni Samuel.
"Kilala niyo si Ara diba? Yung pinag-bilhan niyo ng mga furnitures niyo?"
"Yes sa kanya bumili ang asawa ko." Sagot ni Marcus.
"At alam niyong parang kapatid ang turing ko sa kanya diba? Dahil ibinilin siya ng mga magulang niya sa akin habang nandito siya sa Manila. Ang gagong Montero na yun pinopormahan si Ara. At hindi lang yun! Nakita ko pa sa picture na sinundan niya si Ara sa Palawan at magkasama silang dalawa." pag-sisintir ni Rios.
Naibuga naman ni Marcus ang beer na lulunukin pa lang niya sana, agad hinimas ng katabing si Bullet ang likod ng kaibigan.
"Are you okay?" Tanong ni Bullet kay Marcus.
"Y-yes! Nasamid lang ako." Ani ni Marcus pero ang tinginay nakatuon kay Rios.
"Hindi ko nga alam kung paano niya nasundan si Ara agad-agad sa Palawan eh, wala namang helicopter ang gagong yun diba? Samantalang nung kausap ni Amethyst si Ara noong umaga ay siya lang mag-isa tapos nung gabi na nandoon na si Hugo." Paliwanag pa ni Rios, napagalitan niya na si Ara at binura nito agad agad ang nakita niyang my day ng araw na yun. Pero hindi talaga mawala sa isip niya kung lagi bang nagkakasama ang dalawang yun dahil pag nagkataon ay lagot talaga sa kanya si Hugo.
Natahimik si Marcus habang iniisip kung anong araw ba niya pinahiram si Hugo ng helicopter. A month ago i guess, tama isang buwan na nga! Gagong yun hindi marunong mamili at talagang yung kinakapatid pa halos ni Rios ang pinormahan! At mukhang madadamay pa ako dahil ako ang nagpahiram ng helicopter kay Hugo ng araw na yun, back and forth pa nga! Rios will get mad on him if he knew that he's the one who let Hugo used his helicopter going to Palawan.
"If he's serious on Ara hayaan mo sila, tsaka baka gusto din siya ni Ara." Sabi ni Gael.
"He's too old for Ara, tsaka wala sa itsura ni Hugo ang seseryoso sa babae. At isa pa bakit hindi niya ligawan ng maayos? Hindi yung sinasalisihan ako lagi." Reklamo pa ni Hugo, napag-alaman niya din kase na bumili din pala ang gago ng unit sa mismong condo building na tinitirhan nila. At hindi man lang nagsabi sa kanya ang kaibigan! At si Ara? Namumuro na din sa kanya at malapit niya ng isumbong sa tatay nito.
"Maka old ka naman parang hindi tayo magkakaedad." Sabi ni Marcus.
"Kaya nga, tsaka age doesn't matter diba?" Si Gael.
"Kung seryoso si Hugo walang problema, pero alam nating lahat na hindi ganon ang gagong yun. Baka nga kahit paldahan mo lang yung poste ng ilaw ay papatusin niyan eh." Dagdag pa ni Rios.
"Malay mo pare si Ara pala ang end game ni Hugo? Eh di everybody happy." Hirit ni Gael.
"Kung seryoso nga walang problema pero kung gagaguhin niya lang si Ara hindi ako magdadalawang-isip na barilin siya."
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Rios dahil sa sinabi niya, of course his friends knew about it. Siguradong may kalalagyan si Hugo kay Rios pag nagkataon.
Mackelery enterprising & company..
"Hey.." bati ko paglabas ng opisina at makita ko doon si Hugo na nakasandal sa kotse niya. Kalma self wag ka magpadala sa mga ngiti niya! Scam yan! Scam!
"Hi beautiful." Bati ni Hugo sabay abot ng bitbit niyang cake. "For you." Nakangiti niyang sabi, yes instead of flowers he brought cake for her. Natatawa nga siya sa dahilan nito ng unang beses niyang dalhan ng bulaklak ang dalaga hindi naman daw nito iyon makakain.
"Pogi.." sabi ko sa kanya. He looks so simple om his black t-shirt and pants. Naka rubber shoes lang din ito ng kulay puti. Pogi nga talaga, poging makasalanan!
"Can't wait to be with you, let's go?" At pinagbuksan niya ang dalaga ng pintuan ng sasakyan. Minsan naiisip niya na maglagay ng branch ng shop niya dito sa Maynila para hindi na siya bumabiyahe ng dalawa hanggang tatlong oras kapag lumuluwas dito. Pero siyempre baka isipin ni Ara patay na patay na siya dito kahit hindi pa naman masyado.
Pagsakay pa lang ni Hugo sa sasakyan ay hinila ko ito agad at siniil ng halik sa mga labi. Abigail and Amethyst suggestion # 01. Kiss him like there's no tomorrow- in tagalog halikan mo ng halikan hangga't hanap-hanapin ka niya.
"You'll be the death of me." Ani ni Hugo matapos bumitaw sa halik si Ara sa kanya. Tatlong araw lang naman silang hindi nagkita pero heto at parang sabik na sabik sa kanya ang dalaga.
Abigail and Amethyst suggestion # 02- Be touchy on him. I caress his face and kissed again his lips. "'I just miss you master.." malambing na sabi ko sa kanya sabay himas ng matigas niyang dibdib. Tsansing yernn? Kasama ko kase last weekend sina Abigail at Amethyst at nagbigay nga ang mga ito ng suwesyon kung paano niya mapapahulog sa kanya si Hugo. Na hindi na lang ang sex ang gusto niya ngayon kung hindi totoong relasyon na.
Inistart na ni Hugo ang sasakyan, baka abutin pa sila ng paggawa ng milagro dito sa tapat ng opisina na pinapasukan ni Ara. He just look on her and hold her hands. "Let's go on my house now? And spend the night with me?" Sa Tagaytay niya ito balak dalhin dahil may bahay siya doon, off din ni Ara bukas kaya nag-plano na silang dalawa nung isang araw pa. Alas singko pa lang din naman ng hapon at tamang-tama lang ang dating nila doon para makapag-dinner sa restaurant.
"Yes, bring me on the 7th heaven master!"
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.A series # 06 Hugo Montero
RomanceHugo Montero and Ara Cordova story🖤 ⚠️ R-18 story. Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story.