Kabanta X

12 0 0
                                    



IKA-SAMPUNG KABANATA



Tinatangi kita katulad ng paglubog ng araw,

Hinihintay ko ang iyong pagdantay

Iniisip kitang parang bawat umaga,

Kung kailan ang ligalig ng puso ay nabubuhay

Kasing tingkad mo ang karurukan ng liwanag,

At ako itong ulap na sa iyo ay yayakap

Lusawin mo itong mga bigat,

Nang mapagkalinga mong sinag




Nagising ako na parang umiikot pa rin ang paningin ko. Pag-angat ko ng aking ulo, ibang silid ang nakita ko. Alam kong hindi ito ang kuwarto ko sa bahay. Naglakbay ang tingin ko sa paligid.

Nandito pa rin ako sa silid ni Miguel.

Hinanap siya ng mata ko. Subalit, ang nagpakita sa akin ay si Senyora Peza. May dala itong malalim na tasa. Dahil nakatingin ito sa kaniyang bitbit, ilang saglit pa bago niya namalayang gising na ako.


"Ayos ka na ba?" Una niyang tanong.

Hindi ako makasagot. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko.

"Sinisinat ka." Wika niya. "Ilagay mo muna ito sa iyong noo nang maibsan ang pag-init ng katawan mo." Piniga niya ang pamunas at saka inilagay sa akin. Inalalayan niya rin akong uminom ng tubig.


"Nasaan si..." Itatanong ko sana ang kinaroroonan ngayon ni Miguel kaya lamang masyado atang mahina ang boses ko kaya hindi niya narinig.


"Papunta na rito si Donya Rosalinda." Nakangiti niyang ipinalaam sa akin. "Mabuti na lamang napadaan si Heneral Simeon sa Casa..." Nang banggitin niya iyon parang bumalik lamang lalo ang pag-init ng ulo ko. "...naipatawag niya ang iyong ina. May aasikasuhin lamang din daw siya sa trabaho kaya hindi ka niya masasamaan pag-uwi."

Mabuti pa siya pinagpaalaman ni ama.

Bakit pa niya ipinapunta rito si ina? Maaari naman akong umuwi kasama si Emong. Kaya ko namang maglakad ng kaunti.



Maya-maya, pumasok naman si Emong dala-dala ang ilang tabletang pampababa ng lagnat. Mahirap makakuha ng ganito dahil kakaunti pa lamang ang may kakayahang makabili at makapag-impok sa mga Hospital sa Pilipinas ng mga medisinang inangkat mula sa Mehiko. Kinakalakal pa ito sa mga barter lalo ng mga timog-silangang bansa at ng Tsina.

Ani Emong, si Miguel raw ang nakiusap sa doktor sa Hospital de La Latrinidad. Ginamit rin daw nito ang pangalan ni Enrique dahil kilala ito na mag-aaral ng medisina. Sabi raw ni Miguel malapit silang magkaibigan at mapagkakatiwalaang hindi sisirain ang pangalan nito.


"Na..nasaan na siya?" Hirap kong tanong.


Marikit at Adhika (The Tale of the Poets Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon