Kabanata VI

17 1 0
                                    


IKA-ANIM NA KABANATA






Nais ko ring humingi ng paumanhin sa una nating pagkikita, sa mga mata ko ay isa ka lamang sa daang mga tao na nasa La Trinidad.


Tinutukoy niya ba iyon? Noong sinigawan niya ako na kumuha ng tela?


Gayunpaman, nagsisisi akong natagalan bago kita nakilala. Mabuti na lamang at naibahagi ko sa tagapayo ang nangyari nang araw ding iyon.


Kung gayon kaya niya nalaman na ako ang paraluman ay dahil sinabi sa kaniya ng tagapayo. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit hindi siya nabigla nang makita kami sa lihim na tagpuan sa Binondo.


Malaki ang respeto at paghanga ko sa iyo kaya sinubukan kong ayusin ito agad sa pamamagitan man lamang ng pakiusap ng aking kapatid.


Pumayag lamang ba siya kay Vianca upang makapagsulat sa akin nang araw na iyon? Humahanga? Nagtatapat siya ng pag-ibig!? Saglit lamang,--!


Napupuno ako ng kaumiran sa tuwing nakikipagpalitan ng salita sa iyo sapagkat naaalala ko ang una kong naging asal patungo sa iyo. Asahan mo ang patuloy kong pagsuporta sa Diyes treinta.


Lubos na gumagalang,

Enrique Sebastian

12 de Junio 1888





Iyon lamang iyon? Gumagalang lamang pala siya sa akin?

Marapat akong maging masaya, hindi ba? 

Ngunit bakit ako naiinis?


Nag-aksaya pa ng panahon si Enrique na magsulat, hindi na lamang niya sinabi doon mismo sa kinatatayuan naming. Kinailangan ko pang makaramdam ng pagkasabik, mauuwi rin pala sa limos na pantasya.


Saglit nga lamang, Catalina. Buong akala ko ay hindi mo na gusto si Enrique sapagkat tinawanan ka niya noong umamin ka?

Tama.

Ang liham bang ito ang hudyat ng paglalagay niya ng linya?


Sinasabi niyo bang... ako? A-ko ang pinaaalalahan niya na ang koneksyon lamang naming ay ang samahan at hindi magiging higit pa roon? Wala ng iba...


Naging halata bang may pagtingin ako sa kaniya sa aking pakikitungo?

Hindi.

H-hindi naman... siguro?

Marikit at Adhika (The Tale of the Poets Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon