IKALABING-DALAWANG KABANATA
[Trigger Warning: Sexual Assault/Harassment]
Please refrain from reading the part of this chapter that has a "***" sign before it if you are uncomfortable with this topic. This may trigger your anxiety or trauma which the author does not want to happen. Advance apologies for those who will be concerned.
Maaari niyo lamang huwag basahin ang bahagi ng kabanatang ito na mayroong "***" ganitong simbolo bago ang naturang sensitibong mga eksena kung kayo ay hindi kumportable sa ganitong paksa. Ito ay maaaring magbunga ng pagkabahala o pagbubukas ng inyong trauma na hindi nais ng manunulat na mangyari. Paunawa at paunmanhin sa lahat ng maaaring maapektuhan.
Natakot ata ang Gobernador Heneral sa magiging reaksyon ng Residenciado sa naging pag-aalsa kaya ibinalik nito nang pansamantala ang matagal nang nabuwag na Consejo De Indias upang maging tagapangasiwa ng batas tungkol sa mga buwis.
Dahil roon, binigyan ng palugit ang mga mamamayan sa pagbabayad at ibababa rin ng dalawang real ang tributo hanggang matapos ang taon. Sinaad naman nila sa kanilang proklamasyon na ang pagtataas ng buwis ay kasabay ng pagmamahal ng mga produkto at kasangkapan rin sa pagkukumpuni at pagtatayo ng ilan pang mga gusali sa urbanisasyon ng bayan.
Gayunpaman, mabuti na lamang naiwasan rin ang biglaang panggigipt sa mga mahihirap na pamilya. Napupunta na lamang sa pagbabayad ng sanctorum at tributo ang kanilang mga kinikita sa pagsasaka, pangingisda, o pagiging manggagawa sa polo y servicio.
Naging maganda ang kinalabasan ng pagsulat at pagmulat ng Diyes Treinta. Napakasaya ko!
Habang payapa ang gabi,
Habang mabagal ang oras,
Doon nagtitipan ang karimlan,
Hinihintay ang paghalik ng umaga
Upang doon siya magpakita
Isang umaga sa pagpasok ng ikalawang linggo ng Nobyembre, ginising akong sabik ni Rieca. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngunit dahil sa tensyonado niyang boses ay nagmamadali din akong tumayo sa aking higaan. Agad niyang sinuklayan ang buhok ko habang pinagpapalit ako ng damit mula sa aking pantulog. Halos hindi ko maibuka ang bibig ko para magtanong kung ano baa ng nangyayari, dala nang lumulutang pa ang isip ko. Napanaginipan ko pa naman na umuwi na si Enrique.
"Bilisan mo, Binibini!" Patiling saad ni Rieca.
Iniikot ako ni Rieca, ang buong katawan ko. Kaya lalo pa akong nahilo.
"Ba-b..." Unang sikap ko pa lamang na magsalita ngunit hinatak na niya ako palabas ng silid.
"Ayos na iyan! Maganda ka na, Binibini. Huwag ka lamang masyadong magsasalita dahil hindi ka pa nakapagmumog." Kung ano-anong pinagbibilin sa akin ni Rieca.
BINABASA MO ANG
Marikit at Adhika (The Tale of the Poets Book 1)
Ficção HistóricaMaraming itinatago si Catalina, anak siya ng Heneral kaya may pangalan siyang iniingatan. Isa na sa mga pilit niyang ibinabaon ay ang tunay na kuwento sa likod ng pagkamatay ng kaniyang ninong Simon. Paano mabubuo ang samahan ng mga manunulat, kung...