IKA-WALONG KABANATA
Magkasunod ang kalesa namin ni Enrique. Kasama niya rin pala si Alisa at Vianca na mamalengke nang marinig nito na may kaguluhan raw sa Patahian. Nakita pa nito ang takot na kutsero ko ng sandaling iyon na hindi mapakali. Nang makilala raw ni Vianca ang kabayong si Juan dahil sa pilak na bigkis nito sa paanan, agad tumakbo papalapit si Enrique sa kumpulan ng mga osiyoso.
Ipinasama niya sa akin ang bunsong kapatid. Tahimik lamang kami sa paglalakbay hanggang sa biglang minasid ako nito at tanungin kung bakit ang hilig kong mag-usisa sa problema ng ibang tao.
Napatitig ako sa kaniya.
Wala akong lakas para sagutin ang kaniyang tanong.
"Aksidente kong nakita ulit si Gael kanina habang nakasunod kami kay Kuya." Aniya. "Hindi niya ako nakita. Bukod doon, mukhang hindi naman napansin nila ate dahil nakatingin sila sa iyo. Alam niyo ho ba kung ano yung naisip ko kanina?"
Binigyan niya ako ng tatlong segundo para makapag-isip.
Ngunit nagpatuloy rin sa kaniyang salaysay. "Hindi mo malalaman ang tunay na diwa ng pag-ibig... kung hindi mo ito nakikita sa iyong pamilya."
Ayon sa kaniya, hindi niya minamasama ang naging reaksyon ng kaniyang magulang at nakatatandang kapatid sa kaniyang biglaang mga desisyon. Alam niyang mabuti ang hangarin nila para sa kaniya... pinu-protektahan lamang siya.
Gayon din raw kung tutuusin sina Luna. Pagkat ang pag-ibig ay damdamin, at ang damdaming nag-uumapaw ay hindi na nakapag-iisip.
Isang pag-ibig na buo... ngunit kasalukuyang humahaginit at lunganggang.
Binaba namin si Alisa sa tapat ng kanilang Hacienda. At sumenyas na lamang ako kay Enrique na hindi niya na kailangang bumaba ng kalesa nila upang magpaalamanan kami. Magkikita rin naman kami mamaya sa piging.
Pag-uwi namin ng bahay nangako ako sa aming kutsero na hindi ko ipaaabot kay ama ang nangyari. At kung sakali mang mayroong magbalita kay ama ay hindi naman siguro tamang idamay siya dahil sarili kong desisyon ang aking sinapit.
Umarte ako na parang walang naganap na anuman sa aking pag-alis. Maraming tao ang nag-aayos ngayon ng hardin habang ang ilan naman ay inaayos ang aming salas.
"Magandang Hapon, Binibining Catalina." Pagbati ng aking mga nadaraanan at nakakasalubong.
"Magandang hapon din ho!" Magiliw kong sagot.
Paakyat na ako patungong kuwarto nang may humabol pang bumati sa akin. "Magandang araw, Binibini!"
BINABASA MO ANG
Marikit at Adhika (The Tale of the Poets Book 1)
Fiksi SejarahMaraming itinatago si Catalina, anak siya ng Heneral kaya may pangalan siyang iniingatan. Isa na sa mga pilit niyang ibinabaon ay ang tunay na kuwento sa likod ng pagkamatay ng kaniyang ninong Simon. Paano mabubuo ang samahan ng mga manunulat, kung...