Muling Paalala:
This is a work of fiction based on historical events.
Some organizations and characters are fictitious.
Taong 2019
Marami marahil ang may nais na makapasok sa pinakamatandang unibersidad na naitatag sa Pilipinas at Asia, at kasalukuyan pa rin itong isa sa mga tanyag na paaralan ngayon sa bansa.
"Unibersidad ng Santo Tomas..." pagbasa ng walang pagsidlan sa tuwa na si Stacy sa kaniyang suot na lanyard ng kaniyang ID. Ito ang nagpapatotoo sa katuparan ng pangarap nitong makapag-aral sa USTe.
Tila naaabot ng kaniyang ngiti ang tuktok ng arko sa likod, na minsan niya nang nadaanan kasabay ng libong iba pa tatlong taon na ang nakararaan. "Pontifical, and Royal..."
Sa paglaylay ng kamay nito mula sa hawak na larawan, eksaktong sabay na tinawag ang kaniyang pangalan ng mga hinihintay niyang tatlong kaibigan. Inangkla nito ang mga braso sa isa't-isa at masayang tumungo sa kanilang silid-aralan.
"There are no equal opportunities... nor equity in the bounds of hierarchy..." boses ng isa sa mga striktong guro ng Philippine Literature sa unibersidad.
"Bakit?" bulong ni Stacy sa kaibigan na nakaupo sa kaniyang harapan. Napaugong ito bilang sagot. "Bakit... hindi si Dr. Manuel Resetto yung teacher natin sa Lit?" buong pagtataka nito na halos hindi na maintindihan ang leksiyon kakaisip sa propesor.
"Next week, each of you should offer me a great book that states obvious hierarchal problems. Pre-existing, or current. Since we're still on the first quarter, local or international will do." pag-iiwan ng takda ng kanilang guro. "See you next meeting."
"See you again, Ma'am Tessa." tugong mala-militar ng buong klase.
Nagliwasan ang mga estudyante. Dali-daling tumakbo si Stacy palabas, ni-hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga kaibigan. Para sa kaniya, napakahalagang opurtunidad ang dumating.
Sa tatlong taon niyang pananatili sa USTe, isang bagay ang palaging natakbo sa kaniyang isipan.
Kailangan kong makita si Proffesor Manuel.
Ngunit sa pagkakataong iyon, higit pa pala ang nais niya, Gusto ko din siyang makausap.
"Mark!" sigaw nito ng mapansin ang nagmamadali din sa pagakyat ng hagdan na kaklase.
Napatigil ito, kaya niya naabutan, atsaka sila naglakad ng sabay. "Saan ka pupunta?"
"Prof. M." tugon ni Stacy.
"Same." maikling sagot ni Mark.
Kahit magkasama ang dalawa na dumating sa silid-aklatan, hindi sila gaano nagkikibuan. Waring may kanya-kanyang layunin.
Pagpasok, nagulat si Mark sa pagdiretso ni Stacy sa lugar na wala ninuman ang nagtatangkang pasukin. Ang opisina ng paboritong propesor ni Stacy.
Kitang-kita ang plake sa pinto na nakasaad ang Office of Dr. Manuel Resetto III, LPT. Sa ibaba ng pangalan ay nakusalat ang Faculty of Arts and Letters nang mas maliit sa nauna.
BINABASA MO ANG
Marikit at Adhika (The Tale of the Poets Book 1)
Fiction HistoriqueMaraming itinatago si Catalina, anak siya ng Heneral kaya may pangalan siyang iniingatan. Isa na sa mga pilit niyang ibinabaon ay ang tunay na kuwento sa likod ng pagkamatay ng kaniyang ninong Simon. Paano mabubuo ang samahan ng mga manunulat, kung...