𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝑉𝐼

887 34 2
                                    

Astra Sol Villareal's POV

I think, I just heard things I shouldn't have.

I think, I just witnessed things I should forget.

But somehow, it just keep popping in my mind. What should I do?

Ganito kasi, ano, may nangyari.

Kanina, kahit sinubukan kong takbuhin nang mabilis ang covered walk para lang makahabol ako sa klase ni Sir Caylos ay nahuli parin ako. Tumigil din kasi ako nang nakakalahati na ako. I chose my life than my grade. Muntikan na kaya akong malagutan ng hininga kanina.

Kaya ayun, naglakad na lang ako. Ang nakalimutan ko ay ang katotohanang ayaw niya sa akin. Kinamumuhian ako ni tanda. Kaya nang nakarating ako ay pinahiya pa ako sa buong klase.

I chose to shrug it off me. His words doesn't affect me anymore, ako pa? Sampan ko kaya lahat ng mga sabi-sabi ng maraming tao sa akin. So, I walked into his class without him telling me to do so. Nagalit ko ata kaya bigla niya akong pinaalis.

Pinatayo ako sa labas, the nerve!

Keso raw ilang minuto na lang matatapos na siya, keso raw late ako, keso raw hindi ako marunong gumalang. Andami niyang sinabi.

Napilitan tuloy ako. Akala ko matatapos na ron ang pasanin na ibibigay niya sa akin pero nang bumalik ako sa klase, ipinabuhat niya agad ang isang kahon ng mga gamit nito.

General Chem kasi namin siya kaya sobrang dami niyang dala. Inutusan niya akong ibalik ko ang mga ito sa faculty lounge ng grade 9. Doon kasi siya galing pero napunta lang rito dahil underload siya. Sinabi pa niya sa aking, dahil naman daw mahilig ako mag-detour sa labas kahit may klase ay sulitin ko na.

Nainis ako sa sinabi niya, mabuti nga at hindi ko sinabing, sige, sir. Ako na po, para hindi kayo mapagod at mas lalong makalbo.

Nginitian ko na lang siya nang peke saka ako naglakad sa covered walk. Gusto kaninang sumama sa akin si Bri pero pinigilan ko siya. Inutusan ko na lang siyang reserbahan ako mamaya ng upuan sa CTL, o mas kilala bilang Computer and Technology Laboratory. Ayaw ko kasi sa likuran, maiingay mga bibig doon.

Sumangayon naman ito kaya ako tumungo sa faculty. May dalawang covered walk papunta roon na halos magkatabi lang. May mga gusali na nakatayo sa pagitan ng mga ito pero iisa lang ang ruta. I think it's because of the students population kaya sila gumawa ng maraming covered walk na iisa ang destination.

Pinili ko ang hindi ko tinahak kanina. Wala lang, gusto ko lang.

Naglakad ako at ni isang beses wala akong nakasalamuhang tao. Siguro dahil may sunod sunod silang klase. As for us na senior, may mga vacant kami sa ilang oras dahil umiksi na ang subjects. I don't hate it though. Actually, I like how peaceful it is.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, kumaliwa ako para mapunta sana sa kabilang covered walk nang may marinig akong pamilyar na boses. Mas lumapit ako rito at nagtago sa gilid ng isang gusali. Nilingon ko ang taong iyon at nakita sina Rihanna at Ezra na naguusap. Para silang nag-aaway.

"Obvious naman ata" Nakita ko paano lampasan ni Rihanna si Ezra. Tapos si Ezra, humabol siya.

"Rihanna---"

"I think we both know that we are inside a school, Ezra" sumbat ni Rihanna na Ikinapagtaka ko.

"Oh tapos? Kinakausap lang naman kita ah" true.

"Seryoso ka ba?" ??

"Bakit? May problema ba kapag kakausapin lang kita---" kaya nga.

Our Dirty Little Secrets [Revised - GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon