Rihanna Saldivar's POV
This child, is seriously trying to get me fired today.
"Hehe" Narinig ko siyang humagikgik kaya ko ito nilingon. Bakas sa mukha niya ang abot taingang ngiti nito. Baliw ba 'to? Kani-kanina lang iniinsulto niya ako, tapos ngayon tatawa-tawa siya?
Hindi ko talaga alam ang motibo niya bakit niya ako sinusundan at iniinis. I already told her that she's a jinx, is she this dense?
Akala ko pa naman may utak ang taong ito.
Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa aming nilalakaran. Mukhang wala siyang balak na lumayo sa akin kaya hinayaan ko na lang. Masyado akong pagod para problemahin siya ngayon.
"Good morning, Ma'am" Narinig kong binati ako ng isang grupo ng mga estudyanteng nakasalubong namin. Hindi ko sila pinansin at dumiretso lang.
"Well, that's kinda rude. Mahirap bang bumati sa mga estudyante mo?" Pangingialam na naman ng batang ito.
Why does she even care? "Hindi ko sila estudyante"
"Akala ko ba teacher ka"
"Hindi sila parte ng kahit isang klase ko"
"Pero---"
"Tumahimik ka na lang pwede?" Naiirita na talaga ako.
"Bakit naman?"
"Dahil naiirita ako sa boses mo" Sa lahat pa kasi ng taong pwede kong makabangga, itong taong 'to pa talaga.
Oo, inaamin kong hindi siya ang puno't dulo ng problema ko. Pero ang nangyari sa amin kanina ay mas dumagdag pa. Isama na ang ginagawa niya ngayon. Sinubukan ko na nga siyang paalisin, nakasabi pa ako ng mga bagay na hindi dapat, pero ang manhid niya.
"Wow, ang harsh. Nagtatanong lang naman ako e. Nakakairita ba talaga boses ko? Bakit sabi ng mga kaibigan ko maganda naman..." Napapikit ako nang nagsalita na naman ito. Umagang umaga, Villareal. Pinapasakit ko na naman ang ulo ko.
Nang walang pasabi, kumaliwa ako papasok sa isang building. Tinahak ko agad ang hagdanan nito saka ako tumigil at humarap sa aking likuran. Alam ko naman kasing sasabay siya sa akin, kaya nang humarap ako sa kaniya ay nagulat ito at umatras.
"Woah...Bakit ka ba nanggugulat---"
Wala akong pakialam. "Pwede ba, makinig ka sa akin at sagutin mo na lang ang tanong ko?" Hindi ko na talaga maitago ang pagkainis ko sa kaniya. But It's also unbearable to spare another second of my time, talking to her. Hinintay ko siyang tumango. "Wala kabang klase?" agad kong pagtatanong.
"Meron"
" 'yun naman pala e. Anong ginawa mo rito?" Umalis ka na lang, please.
"Kasi may klase"
"Ha?" ...hah? Kumirot ata ang utak ko sa sinabi niya.
"Hindi, kasi ganito---"
"Alam mo, huwag na." Nagsisi ako bigla. Bakit pa kasi ako nagtanong? Alam ko namang puro kalokohan ang tumatakbo sa isipan ng taong ito. Ayaw ko na talaga makipag-usap sa kaniya, parang pinipiga niya lang ang utak ko.
BINABASA MO ANG
Our Dirty Little Secrets [Revised - GxG]
RomanceIto ang aking libro, Ang aking akda, Ngunit ang aming kwento... ang aming maduming mga sikreto.