Rihanna Saldivar's POV
I should have run the day we met.
I should have stayed away.
I should have not let her say a thing.
I should have, but I didn't. All because I thought she changed. Little did I know, it's all a trap. And now, I've become her mistress.
Ako, ako na nauna ang naging kabit.
It's funny, and annoying at the same time. I am so build with anger that thinking of slapping her face is the only way to let it all out. But I won't. I can't.
Kinuyom ko ang aking mga kamao para pigilan ang aking sarili. "Am I?"
"N-no" Nautal niyang sabi. Sinubukan na naman niya akong hawakan kaya ako umatras. Oo 'yung sagot, Ezra. Halata naman. Kitang kita ko na nga ang mga ebidensya. Ganito ba siya kadesperada para lang manatili ako?
"Hanna---" stop calling me by that name.
"Do I even need to bother asking whether you love him or not?" Nagtanong na naman ako. Ayaw kong manatili sa ganitong sitwasyon. Naghintay ako ng kasagutan niya. Makalipas ang bawat segundo ay mas lalo lang dinudurog ng puso ko ang pagiging tahimik nito.
...I guess you do, huh?
Hindi ko mapigilang matawa sa katangahan ko. Pagkakaalam ko naman kasi ay matalino akong tao. Tapos ngayon ko lang malalaman na kabit pala ako sa nagdaang tatlong taon.
You've done me good, Ezra.
Haaah. Gusto kong sumigaw. Gusto kitang sigawan at pagsasampalin pero hindi ko kaya. Ayaw kong gawin. Baka magka-eskandalo. Baka may makaalam. Baka mag-sisi ka...yumuko ako saka huminga nang malalim. "Hanggang ngayon iniisip ko parin ang kalagayan mo kahit ikaw na ang nagkasala." Aking bulong sa hangin. "I don't deserve this." Tiningala ko siya. My tears began to build up. "How low do you really think I am? Bakit parati mo na lang akong sinasaktan?" I asked, not really wanting an answer.
Bago pa siya magsalita nang kahit anong bibihag muli sa puso ko ay iniwan ko na siya. Bago pa may makapansin sa amin ay lumayo na ako. Tinahak ko ang pinto ng gym. Narinig ko ang paglakad nito upang habulin ako. Kaya ko binilisan ang aking paglalakad, ayaw kong makinig sa kahit anong sasabihin niya.
Nahagilap ko si Villareal sa 'di kalayuan. Para hindi nito mapansin ang aking nagbabadyang mga luha ay yumuko ako.
"Ma'am---"
"Huwag ngayon, Astra" nakiusap ako at nilagpasan siya agas. Hindi ko masabi kung napansin niya ang nanginginig kong boses pero ipinag-walang bahala ko na lang ito. Tinahak ko ang pinto. Akmang aalis na ako nang may humarang sa akin.
Tumingala ako, tapos nakita ko ang punot dulo ng problemang ito.
"Babe! It's you, I've been looking for you!" Nilampasan niya lang ako at lumapit kay Ezra. Sino pa ba ang tatawagin niya nun kung hindi lang siya? Kahit masakit, kahit ayaw ko, humarap ako sa kanila. Pinagmasdan ko paano higpitin ni Kyle ang pagkakayakap nito kay Ezra.
"Kyle..."
"Kuya" I unconsciously looked at Villareal. Parehas ko, nakatingin siya sa dalawa. She seems shocked.
"Sis, it's you. Long time no see." Bumalik kay Kyle ang tingin ko nang batiin nito ang kaniyang kapatid. "I guess dad never told you about my arrival. Anyway, babe, I miss you. How have you been? You haven't answered my text and call since last night."
"B-bakit ka nandito? I mean, nang walang pasabi? I thought you will stay abroad for... I'm sorry. I just, I can't believe you're here"
Tsk. I can't stay here. Ayaw kong hayaan ang sarili kong panoorin lang sila. Bago ba sila may masabi na iba ay umalis na ako.
BINABASA MO ANG
Our Dirty Little Secrets [Revised - GxG]
RomansaIto ang aking libro, Ang aking akda, Ngunit ang aming kwento... ang aming maduming mga sikreto.