Third Person's POV
Walang imik si Ezra matapos iyon. Kitang kita niya ang galit sa mga mata ni Rihanna. Damang dama niya ang inis ng guro. Ngunit hindi siya umalis.
Nanatili si Ezra sa harapan ni Rihanna kahit mabalot sila ng nakakarinding katahimikan.
Hindi rin naman nagsalita na si Rihanna. Hinayaan niyang ang mga mata na lang nito ang bumigkas sa kaniyang mga nararamdaman. Nanatili silang ganoong hanggang sa nagsawa na si Rihanna at umiwas na ng tingin.
Tumayo ito saka hinablot ang hand bag niya sa gilid. Balak na niyang umuwi. Niligpit nito ang kaniyang mga kagamitan at tahimik lang si Ezra sa mga oras na iyon. Nang matapos ang guro ay walang paalam siyang lumabas ng silid aklatan.
Sumunod si Ezra.
Isinara ni Rihanna ang pinto at naglakad patungo sa tarangkahan ng school.
Sumunod na naman si Ezra.
Tumahimik lang si Rihanna. Ayaw na niya ng gulo. Pagod na siyang magsalita. Hindi siya 'yung taong ipapaliwanag ang side nito dahil alam niyang wala rin namang saysay. Engaged ang taong minahal niya. Kilala ni Rihanna si Ezra. Alam niyang hindi nito kayang iwan si Kyle. Alam niyang mananatiling ganito ang sitwasyon nila kahit anong sabihin niya.
Makasarili si Ezra, at alam iyon ni Rihanna.
Lahat nang ito ay umiikot sa isipan ni Rihanna. Huminga siya nang malalim matapos saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating nilang dalawa ang school gate. Akmang kakaliwa na si Rihanna nang may biglang bumusina sa kanila. Sabay silang lumingon rito at agad napagtanto kung sino iyon dahil sa itsura ng Van na paparating.
Hinintay nila itong tumigil sa kanilang harapan at dahan dahang bumaba ang salamin ng bintana.
"Ezra, anak. Bakit pa kayo nandito? Ang akala ko ay pumunta na lahat ng teachers sa bahay. Sumakay na kayo kung wala kayong masakyan" alok ni Axel. Lumapit si Ezra at sasabihin sanang hindi sasama si Rihanna nang biglang naglakad ang guro at binuksan ang pinto sa likod.
Nagulat si Ezra. "Anong ginagawa mo?" Pagtatanong niya kay Rihanna.
"Do I have a choice?" Ito naman ang isinagot ng guro saka pumasok ng Van. Hindi iyon mawari ni Ezra pero hinayaan na lang niya. Sumakay siya sa passenger seat habang nasa likod si Rihanna at dumiretso na sila sa mansyon ng mga Villareal.
Si Axel ang tipo ng lalaking ayaw mong magkaroon ng masamang imahe sa mga mata niya. Maliit lang ang alam ni Rihanna tungkol sa kaniya, pero alam nitong mayaman siya. Pagmamay-ari ni Axel ang school kung saan siya nagtratrabaho. Kahit labag sa kalooban ay sumama si Rihanna, dahil ayaw pa niyang mawalan ng propesyon.
"Ang akala ko, susunduin ka ni Kyle. Buti na lang at napadaan ako rito dahil kung hindi, wala kayong masasakyan" tila natatawang saad ng matandang lalaki. Umirap naman si Rihanna sa kaniyang isipan saka tinitigan lang ang labas ng bintana.
Matindi ang galit ng guro sa pamilya nila. Kung maaari, ayaw niyang makasalamuha ni isang myembro sa mga Villareal. Ngunit syempre, minalas siya. Araw-araw niyang nakakasama si Astra. Pero napapansin ni Rihanna ang pagiging iba---mga slight---ng dalaga. Siguro dahil walang kaalam-alam ang dalaga sa katotohanan na alam ng pamilya Villareal.
Lumingon si Rihanna sa rear view mirror at nagkatitigan sila ni Axel. Napangisi sa isipan ang guro. Mukhang kilala nila ang isa't isa---no. Kilala ni Axel si Rihanna. Hindi bilang isang guro, kundi bilang kaibigan ni Ezra.
Sabagay, sila naman ang punot dulo nito. Iyon ang nasa isipan ng guro. Umiwas siya ng tingin at nanatiling tahimik sa biyahe.
Sa kabilang banda, lumipas ang ilang minuto, halos kabababa lang ni Astra habang nakapang pormal itong kasuotan. Magkasalubong ang mga kilay dahil katatapos lang ng away nila ni Carmilla. Sinabi kasi ng babae kanina na masyadong sloppy ang suot ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Our Dirty Little Secrets [Revised - GxG]
RomanceIto ang aking libro, Ang aking akda, Ngunit ang aming kwento... ang aming maduming mga sikreto.