Astra Sol Villareal's POV
Pagsapit ng umaga ng linggo, tinawagan ko si Bri. Ayaw ko munang makita si Daddy dahil alam kong tatanungin na naman niya ako ng sandamakmak na katanungan. Umuwi ako kagabi nang walang paanyaya, siguradong nais niyang malaman ang rason ko bakit.
Kaso wala pa akong nakahandang sasabihin. Alangan namang umamin ako, ayaw ko naman.
"I'll be there in a minute." Pinatay ko ang tawag at kinuha ang bag ko sa sahig saka isiniksik dito ang uniform ko bukas. Balak ko kasing matulog muna sa apartment ni Bri, tutal at mag-isa lang siya roon.
Naligo narin ako at nagpalit saka bumaba na. Nagtago ako sa mga gilid gilid upang hindi makita saka mabilis na lumabas ng bahay. Pinaandar ko agad ang kotse at tumungo sa kaibigan ko. Nang nakarating ako ay hinihintay naman ako nito sa may pintuan.
Lumabas ako saka siya niyakap.
"That's not what I expected." Bumulong ito at itinawa ko na lang. Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kaniya nang limang segundo bago ako kumalas. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, pero hindi ito nagtanong.
Pinatuloy niya ako. Buong araw kaming nagkulong sa loob at nanood ng cartoons, especially ang looney tunes. Ginamit namin ang laptop niya dahil walang tv dito sa kaniyang tinitirahan. Siya rin ang nagluto ng agahan, tanghalian, at hapunan namin. Lahat nang iyon ay alam niyang paborito ko. Paborito ko lahat ng paborito niya. Sa madaling salita, ubos ang laman ng ref nito dahil sa akin. Ang takaw ko kasi ngayong araw.
Pero ang pinakagusto ko, nanatili itong tahimik. Hindi siya nagtanong, hindi siya namilit. Hinayaan niya akong sarilihin ko dahil iyon ang gusto ko. Basta hindi niya ako iniwan at binigyan niya ako ng kapayapaan.
At least I have a shoulder to lean on. Siguro kasi alam niya ring sasabihin at sasabihin ko sa kaniya kapag handa na ako.
Mabilis na lumipas ang mga oras at gabing gabi na. Nakatulog na nga ako sa sala niya pero pagsapit ng kalagitnaan ng gabi, nagutom ako. Ginising ko itong si Bri at inalok na bumili kami ng makakain sa labas. Tumanggi naman ito sa una, pero mapilit ako kapag gutom.
Dahil sa malapit lang plaza sa tinitirhan niya, dito kami naglakad-lakad. May mga ilang establishment na bukas pa pero pinili ko ang 7 eleven. Mas malayo nga lang ito kaya gising na gising kami pagkarating namin.
"Gusto mo ng pancake house mini tacos? Kuha ako dalawa." Nilingon ko ito habang nasa harapan kami ng aisle.
"Ayos lang." Eh....
"Not the answer I was looking for, but okay." Inabot ko ang tacos sa itaas saka umatras muna at tumingin sa paligid. "Oooh! May onigiri! Bili tayo, gusto mo?" Itinuro ko ang ilang flavors ng onigiri saka siya nilingon. Tumango lang ito. Kumuha ako ng dalawang chicken teriyaki saka naglakad ulit palapit sa ibang aisle.
Napunta kami sa snacks kaya nahirapan akong mamili. Sobrang dami kasi ng mga chichirya. Narinig ko pa siyang sinuggest ang mang juan pero hindi ko feel kumain ng ganoon. Nilibot ng mga mata ko ang bawat sulok hanggang sa makita ko ang Caramel Popcorn. Dali dali akong lumapit rito at kumuha ng tatlo. "Ano pa..." Lumipat na naman ako sa kabilang aisle. Nakakita ako ng Pepero. Nanghablot ako ng tig-iisang blue, white, and green. Tapos, lipat ulit.
Ay teka, parang may nakita akong chips delight kanina. Tumalikod ako para babalik sana nang harangan ako nitong si Bri.
"May nakalimutan ako"
"Tama na 'yung limang binili mo, sa ibang aisle naman." Sumimangot ako, kaso itinulak niya lang ako. Napunta kami sa desserts kaya okay na ulit ako. Naglagay ako sa bitbit kong basket ng pistachio and cashew Ice cream, chocolates Ice cream, dalawang strawberry cornetto, isang paddle pop na kakainin ko mamaya sa daan since ayaw ni Bri ng ganito, at Isang pack ng green tea mochi para sa kaniya. Para hindi siya mainggit mamayang naglalakad kami.
BINABASA MO ANG
Our Dirty Little Secrets [Revised - GxG]
RomanceIto ang aking libro, Ang aking akda, Ngunit ang aming kwento... ang aming maduming mga sikreto.