𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝑋𝐼𝐼

378 15 0
                                    

Astra Sol Villareal's POV

It's almost four o'clock in the morning. I've been driving for two hours straight, and the caffeine is no longer working. My eyes are drooping and my soul is giving up...

Gusto ko nang matulog huhu

Halos sunod sunod ang paghikab ko, tumatamlay nang tumatamlay ang mga mata ko, at malapit nang sumuko ang aking diwa.

"Aghhhhh, hindi ko na kaya" pagbubulong ko sa hangin. I felt the need to say it out loud because I really, really can't take it anymore. Humihigpit ang hawak ko sa manubela dahil baka mawalan ako ng lakas at maibangga ang kotse sa kung ano sa harapan.

Nakaya ko pa namang imaneho ang kotse nang ilan pang kilometro, kaso habang tumatagal ay mas nararamdaman ko ang pagkaantok. Siguro dahil sa ako lang ang gising sa aming dalawa at sobrang tahimik dito sa loob.

Pakanta kaya ako?

Wala na talaga akong maisip na paraan dahil pigang piga na ang utak ko sa kawalan ng tulog. Nang hindi nagiisip, kinuha ko ang aking phone sa bulsa ng vest ko at naghanap ng mapapatugtog.

Espresso seems a bit appropriate to my condition. Ewan, ito na lang, nalulutang na talaga ako. Ibinaba ko sa cup hopder sa gilid ko at nilakasan nang kaunti ang pagkakatugtog.

I tried to feel the instruments playing in the intro and my soul just woke up a bit. This is neat. I think, I it's helping me to stay awake.

Espresso by Sabrina Carpenter, a true queen indeed.

"Now he's thinkin' 'bout me every night, oh
Is it that sweet? I guess so"

Sumasabay ako sa pagkanta para mas manatiling nakamulat ang aking diwa. Mabuti na lang talaga at alam ko lahat ng liriko.

"Say you can't sleep, baby, I know
That's that me, espresso

Move it up, down, left, right, oh
Switch it up like Nintendo
Say you can't sleep, baby, I know
That's that me, espresso"

Hehe this is actually working. Medyo nagkakaroon ako ng lakas kaya napapalakas ko rin ang aking pagkanta.

"I can't relate to desperation
My 'give a fucks' are on vacation---"

Nagulat ako nang may bigla akong napansing kamay sa gilid ng aking mata. Nilingon ko ito at nakita ko siyang kinukuha ang phone ko.

"Gising ka na?" Iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Ewan ko nga ba, ang tanga ko talaga ngayon. Halata naman kasing gising, Astra.

"Ginising mo ako." Masungit niyang sambit. Ihinarap nito ang screen sa kaniyang mukha sabay pindot. Biglang nawala ang tugtog mula sa phone ko. Matapos iyon ay ibinalik niya ito sa dati.

Agad kong itinigil ang kotse.

"Bakit mo yun ginawa??" Hindi ako makapaniwala. 'Yun na lang kaya ang last resort ko!

"Ayaw ko ng maingay." Ma'am naman e!

"Pero makakatulog ako"

"Hindi ko 'yun problema." Luh!

"Problema mo kaya!? Estudyante mo ako pero ako ang puyat habang ikaw tulog na tulog!" I mean, I have a point right? Kahit ako nagsuggest...'di ba?

Our Dirty Little Secrets [Revised - GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon