Astra Sol Villareal's POV
"You don't even deserve my smile"
Ack. Wow, seriously? The nerve!?
"O'sya, you're distracting me. Tigilan mo na ang pagtatanong mo sa akin at gawin mo na ang pinapagawa ko. Kapag tapos mo na ibalik ang mga 'yan, pwede ka nang umalis" pag-uutos niya sa akin. Bumalik ulit siya sa kaniyang ginagawa pero hindi ako gumalaw.
I'm obviously still in shock.
Like, who does she think she is?
First of all, I don't even care!
"Narinig mo ba ako? Sabi ko---"
"Oo na. Narinig kita, Ito na oh, ilalagay ko na mga 'to" siningitan ko agad siya nang magsasalita na naman ito. Ewan ko nga ba pero nainis ako sa sinabi niya. Ang arogante, akala mo naman may maipagmamayabang. Tsk.
Padabog kong ibinaba ang mga bitbit kong Challa saka kinuha ang mga libro sa sahig at iniwan siya sa kaniyang mesa. Nagpakalayo-layo ako hanggang sa hindi ko na siya masilayan sa pagitan ng mga libro.
Diko deserve? Diko deserve mukha mo. Anong paki-alam ko roon? Ikakapatay ko ba kung hindi ka ngingiti? Tsk. Ang kapal!
Naiinis ako, grabe.
May kasamang pwersa pa ang pagtulak ko sa mga libro kapag binabalik ko sila sa mga istante. Hindi kasi ako maaaring mag-ingay dito kaya sa mga libro ko na lang ibinabalin ang inis ko.
Kapal kasi ng mukha niya e.
Sobrang pasasalamat ko talaga dahil maraming libro ang nakatambak. Sa sobrang dami ay naibuhos ko na lahat ng nararamdaman ko nang natapos na ako. Hindi ko na nga namalayan ang oras.
I also think I enjoyed what I was doing.
I enjoyed it too much, to be honest. Nagulat ako nang tignan ko ang oras at nahuli na ako sa klase. Dali-dali tuloy akong lumabas at tinahak ang covered walk. Nakalimutan kong mag-paalam sa mayabang na librarian na iyon pero hinayaan ko na lang.
Tumakbo ako.
Tumakbo ako kahit alam kong hindi kakayanin ng katawan ko.
If it's not that obvious, I'm not a healthy person. I don't exercise, and love me a good starvation. I'm not on a diet, I just don't eat if I feel like not eating, which is almost everyday.
"Hoy! Huwag kang tumakbo!" Rinig kong sigaw ni Sir Buryang nang nilagpasan ko siya. Dati ko siyang guro sa MAPEH noong junior. Nakakatawa nga dahil ngayon lang ata niya ako nakitang tumakbo.
Noon kasi, kapag Physical Education na namin, parati lang akong nakaupo sa bleachers kapag nasa field kami. Mabilis akong mapagod, ngayon nga ay humihingal na ako kahit wala pang isang daang metro ang natatakbo ko.
"ahhhhhhhh!" Pagsisigaw ko saka ko sinubukang bilisan ang aking takbo. Pero malas ko, sadyang ganito kabilis na lang talaga ang makakaya ko.
Dahil doon, ang tatlo minutos kong pagiging huli ay naging bente otso. Ewan ko nga ba bakit tumakbo pa ako, parang wala namang pagkakaiba sa layo kapag naglakad ako.
Aghhh...
I immediately stopped after I almost tripped near our classroom. I can feel how my knees are shaking kaya alam kong hindi ko na talaga kaya. Hinawakan ko ang aking mga tuhod saka huminga nang naaapakalalim.
I will never doing that again, swear!
I don't want to die!
"Oh, anong ginagawa mo? Tumakbo ka ba?" Sa gitna ng paghahabol ko sa aking hininga ay narinig ko ang boses ni Ezra. Tumingala ako saka nakita siyang nakasandal sa may pinto.
BINABASA MO ANG
Our Dirty Little Secrets [Revised - GxG]
RomansIto ang aking libro, Ang aking akda, Ngunit ang aming kwento... ang aming maduming mga sikreto.