𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 𝑋𝐼𝐼𝐼

395 15 5
                                    

Astra Sol Villareal's POV

For the first time ever, I actually felt real rest. It was like my body was floating in a calm river, wrapped in a sweet smell that felt so familiar. It felt like a dream, but with just feelings and no visuals. The scent was pure relief, like all my life's burdens had vanished, leaving me in complete peace.

I could stay in that paradise, seriously.

But then, I woke up. Reality of life slapped me in the face pretty hard. Umayos ako ng upo saka hinilamos ang mukha ko. It took me a while before I had a full grasp of reality. Nang may muwang na ako ay nilingon ko si Rihanna pero wala na ito sa upuan niya. Nagpanic ako. Hinanap ko siya sa kanan, likuran, kaliwa, bago ko siya nahanap sa harapan na kausap si tanda.

Abala silang dalawa na naguusap habang ang ilan ay nagsisimula nang umalis. Agad ko tuloy binuksa ang phone ko at nagulat ako nang alas tres na ng hapon. Nagbilang agad ako. Bali, pitong oras akong tulog? Wow... that's new.

Ibinalik ko kay Rihanna ang tingin ko at pinanood ko silang tumawa nang mahinhin. And then, it just came to me, she's smiling, like genuinely. Tinuturo niya ang presentation ni tanda habang nagsasalita. If I'm not mistaken with this assumption, I think she really is invested in books. Parati kasi siyang nakasimangot kaya hindi ko napansin pero, para sa akin, bagay talaga sa kaniya maging librarian.

Which reminds me, I have to take a pic. Dali dali ko tuloy iniangat ang kamera ko at kumuha ng ilang litrato. I would lie if I say most of them doesn't center her face. What excuses do I have? Aside from the fact that it is how it's supposed to be, I just wanted to picture her smile.

I'm not obligated to do so, I just wanted it. I won't lie.

Hinintay ko silang matapos hanggang sa bumalik siya sa akin at pinatayo ako. "You must be hungry, let's go" alok nito sa akin. Sumunod ako sa kaniya saka lumabas na. Naglakad kami sa nilakaran namin kanina kaya ko muling tinanaw ang malaking puno sa quadrangle. "We can stop by and capture some for you." Tumigil ako sa paglalakad nang sabigin niya iyon.

"...we can, really?" Hindi ko mapigilang huwag ngumiti.

Tumango ito. "Sure." Saka ako tinalikuran at nauna nang naglakad. Agad akong sumunod at lumapit kami rito. Kinuha niya ang kamera ko saka ako lumapit sa puno. Nag-pose ako nang ilang angulo at walang imik siyang kumuha ng litrato. Nang natapos ako ay lumapit ako sa kaniya.

"Ikaw naman." I offered but she shook her head. "Why? Sige na, sayang damit mo" pagrarason ko. Tinignan pa talaga niya ang katawan niya saka ako siningahalan. Ang akala ko ay sasangayon na ito pero umiling ulit siya. Mabuti na lang talaga at mapilit ako. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila nang mas malapit sa puno.

"Astra---"

"Hindi tayo aalis dito hangga't wala kang picture. Smile ka, Ms. Saldivar, ha?" Nakangiti kong sabi sa kaniya saka umatras. Inirapan niya lang ako pero hindi ako nagpadaig. Inilapit ko ang aking kamera sa aking mata saka hinintay siyang ngumiti.

Ilang segundo rin kami roon bago siya sumuko at ngumiti sa kamera. Balak ko pa sanang sundan iyon ng isa pa pero agad siyang lumapit sa akin.

"Luh, isa pa---"

"Tama na. Gutom na ako." Nilagpasan niya ako bigla. Hinarap ko siya at agad na sumunod. Wala rin naman kasi akong magagawa, baka mawala pa ako rito. Habang sumusunod ay tinignan ko ang litrato niya. Wala akong masabi, ang photogenic niya!

Halos nakatutok lang tuloy ang atensyon ko sa aking kamera kahit tumawid kami ng kalye. Nauna nga siyang nakatawid tapos binalikan niya ako kasi mabagal akong maglakad. Hinila niya ako sa kamay saka kami pumasok sa isang maliit na fast food chain.

Our Dirty Little Secrets [Revised - GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon