Chapter Seven

128 9 0
                                    

Chapter Seven

TROY AND I SAT ON the backseat of his SUV. Ang isang tauhan naman ni Troy ay nakasunod sa amin. I have the idea of where we're going and I wonder what would that place look like. I've been told about the Del Fuegos luxurious abode.

Why is he bringing me there? Is he gonna level up our friendship? I'm certain that he's attracted to me. 'Yon lang pagpunta-punta niya sa bahay ko ay isa nang malaking pruweba. Bakit niya naman ako pag-aaksayahan ng panahon kung wala siyang gusto sa akin?

Kaya nga lagi ko siyang inaakit para matapos na. But he already told me he wants more than just my body.

Who are you really, Troy? What is your real intentions to me?

I am not capable of loving someone else aside from my family. Kung dumating sa puntong sasabihin niyang mahal niya ako ay lalayo ako. Hindi ako ang para sa kaniya. I have too many demons in the past that I bet would turn him off. He came from a reputable family while I have nothing to be proud of.

Not even my personality. I am not really a good girl. Life made me be a bitch.

Parang mahihilo ako dahil sa maraming tumatakbo sa utak ko. If he's not into something deep with me, then why bring me here?

Urgh! Troy is giving me headache!

Konkreto ang daan patungo sa kanila. Bumusina si Tiago nang makarating kami sa labas ng isang napakatayog na gate. Kung ganito katayog ay siguradong mala-palasyo ang bahay.

Nakakalulang isipin. Ngayon ay mas lalong inihahayag ang layo ng agwat ng buhay naming dalawa. Magkaiba kami ng mundo. Sa kaniya ay malinis samantalang sa akin ay marumi. Lalong-lalo na ang nakaraan ko. That is if the people's positive description of the Del Fuegos were right.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Bennie kaya ngumiti ako sa kaniya bilang pasasalamat. Napatingin ako sa napakalaking bahay na nasa harapan ko.

Bahay pa ba 'to?

Parang palasyo! Lalo akong nanliliit sa sarili ko. The concrete walls of the house were painted with amber while the columns, a dirty white. I bet I can see my reflection to the shiny marble floors.

Parang ayaw ko nang tumuloy at gusto ko nalang umuwi.

"Let's get inside. My brothers want to meet you." Iginiya niya ako papunta sa loob. Ni hindi ko namalayang naiparada na pala ni Tiago ag SUV sa napakalawak na garahe. In fact, marami akong nakikitang klase-klaseng magagarang sasakyan doon.

Nag-aatubili man ay nagpatangay na lamang ako. Yayamang nandito na rin lang naman ako. Kelangan kong makilala ang pamilya niya para mas lalo kong maipamukha sa sarili kong hindi talaga kami nababagay para sa isa't-isa.

May nakasalubong kaming iilang kasambahay na naka-uniporme pa talaga at binabati si Troy. The main door is quite huge and tall. I swallowed hard as we walk through the doorway. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang nakapalaking chandelier sa hallway.

The couches in the living room were color amber too. The inside walls were color white. I roam my eyes further as we walk somewhere I don't know. The stairway exhausts me just by looking it. It's quite long with it's perfectly designed furnished woods. I've never been inside a luxurious home like this.

Sana ipinanganak akong ganito kayaman para hindi ko na maranasan ang mga paghihirap ko noon. But it's the sufferings who made me stronger... and bitter at the same time. I got lost in admiration of the house's interior designs and I didn't realized that there were already four pairs of beautiful eyes with different colors aimed on me. Napatingin ako sa sarili para siyasatin ang suot kong damit.

CALIENTE SERIES: Love: A Game Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon