Twenty-five

75 5 0
                                    

Twenty-five

KINABUKASAN ay napagpasyahan kong pumunta sa villa ni Troy pagkatapos sabihin ni Savanna sa akin na nandoon siya. Ang totoo, hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Bahala na kung ano ang sumagi sa isipan ko pagdating doon.

Pinahiram ako ng kabayo ni Hades para gamitin papunta rito. Pagkarating ko ay nakita ko si Tiago na kakalabas lang sa mula sa villa ni Troy. Simple siyang tumango bilang pagbati sa akin. Mukhang alam niya nang dumating ako dahil hindi naman siya nagulat sa presensya ko. Madali lang naman kumalat ang balita at hindi naman sikreto ang pagbabalik ko.

"Si Troy ba ang sadya mo?"

Tumango ako saka ngumiti. "Nasa loob ba siya?"

Nakita kong nag-aalangan siyang tumango. "O-oo." Aniya. Pagkatapos niyang sumagot ay may babaeng lumabas mula sa loob ng villa kaya agad na napaawang ang mga labi ko. Naiintindihan ko na ang ekspresyon ni Tiago ngayon.

Balingkinitan ang katawan ng babae, matangkad at kayumanggi. Kung ganda ang pag-uusapan ay may ikakabuga naman siya pero iba ang gandang taglay niya. Pilipinang-Pilipina at pang-beauty queen ang dating. Sa wari ko ay isa siyang modelo o beauty queen dahil sa postura niya. Body-hugging na damit ang suot niya na hanggang kalahati ng hita ang haba at high heels. Bumaba siya sa apat na baitang na hagdan saka lumapit kay Tiago.

She looks like she'd just gone from a hot sex. There's kiss-marks on her neck and I instantly looked the other way when I saw it. My knuckles clenched as well as my jaw. Jealousy clouded my whole being.

"Tara na?" Anito kay Tiago. Napatingin sa gawi ko si Tiago at ngumiti ng pilit at naiilang. Ngumiti ang babae sa akin habang ngumunguya ng bubble gum. "Hi, my name's Dianne... are you related to Troy?"

"Ihahatid ko na muna siya." Agap ni Tiago saka iginiya ang babae palayo sa akin bago pa man ako makapagsalita.

Unang araw pa lang, naiisip ko nang mukhang hindi ako aabot ng dalawang buwan kung laging ganito ang makikita ko. Kinumbinsi ko ang sariling huwag basta-bastang sumuko. Nang tumingala ako sa bintana kung saan naroroon ang kuwarto ni Troy ay nakita kong nakahawi ang kurtina at tumambad sa akin ang mukha ni Troy. Wala siyang damit pang-itaas at nakatingin sa akin gamit ang malamig na ekspresyon. Binawi ko ang aking mga mata saka sumampa sa kabayo at umalis.

Makalipas ang isang linggo, pansin kong hindi umuuwi si Troy sa mansyon. Alam kung dahil ito sa akin. Pero alam kong doon ito umuuwi sa Villa dahil ito ang sabi ni Jessica. Hindi alam ni Jessica ang ipinunta ko rito. Nahihiya akong sabihin ang tunay na dahilan kung bakit ako bumalik. Sinabi ko lang na umuwi ako para makasama ang mga kapatid ko. Ang sabi niya, dalawang taon nang may inuuwing iba't-ibang babae si Troy sa villa nito. Habang nakikinig ay hindi ko maiwasang maikuyom ang mga kamao ko.

Karma is a bitch but I'm not giving up yet. I have to feel the karma until I can't no more. Naisipan ko ulit na pumunta sa villa. Hihingi ako ng tawad sa lahat ng mga pasakit na ginawa ko sa kaniya. Hindi na baleng hindi niya ito tanggapin. Hindi ko naman inaasahang mapapatawad niya agad ako. Baka kasi hindi magtagumpay ang mga balak ko. Kahit papaano ay makahingi man lang ako ng kapatawaran.

Pagkababa ko mula sa kabayo ay dumeretso ako sa pinto saka kumatok. Wala akong nakikitang tao sa paligid dahil tanghaling tapat. Lahat ay nagpapahinga. Pagkatapos ng ilang katok ay bumukas ang pintuan at tumambad ang mukha ni Troy. Bumuka ang bibig ko para sana magsalita pero sinara niya ng malakas ang pinto. Napapitlag ako at ilang segundong nakatulala.

Kumatok ulit ako at hindi nagpa-apekto. "Troy... I just wanna talk. Please..." Hindi niya ako pinagbuksan. Umupo ako sa silya na nasa terrace at naghintay. Minu-minuto ay kumakatok ako para kulitin siyang kausapin ako pero nagmistulang bingi si Troy sa loob. Sigurado naman akong hindi siya tulog.

CALIENTE SERIES: Love: A Game Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon