Twenty-three

68 3 0
                                    

Twenty-three

"HOW ARE THE leads that I gave you?" Tanong ni Lara sa akin.

"There are five home-owners who will sell their houses. I've also contacted three buyers so far." Sagot ko.

Lara smiled happily. "Great, you're the best!" She exclaimed as she strode on table the she sat on her swivel chair.

"So how's your client?" I asked. It's past 3 o'clock and I'll go home in a few.

"Positive." She respond while scrolling on her mobile phone. Lara Moore is my Fil-Am boss but she doesn't know how to speak Tagalog. She understands few words though. Hindi kasi siya lumaki sa Pilipinas. Pumupunta lang siya doon para magbakasyon. Dito na rin kasi nakatira ang buong pamilya niya.

Behind here are the tall condominium buildings of Manhattan. I've been working here in New York for four years now. Kapag maayos na ang kalagayan ko rito at ganap na akong American Citizen ay kukunin ko na sina Drake at Hope sa Pilipinas. Dito lang naging maayos ang buhay ko. Sa loob ng apat na taon ay tahimik at walang gulo. Mukhang dito ko na makakamtan ang maganda at payapang buhay.

"I sent some important information about our clients, Lara. I'll go ahead now." Paalam ko. Tapos na ang trabaho ko dahil naikuha ko na siya ng tatlong buyer ngayong araw. Hanggang pagkukumbinsi lang ang trabaho ko bilang sekretarya niya. Kapag naabot ko na ang quota ay puwede na akong umuwi ng mas maaga sa naka-set na end of shift ko.

Nanatiling abala si Lara sa mobile phone niya. Marami kasi siyang kliyente dahil magaling talaga siyang real estate agent. Umangat ang tingin niya sa akin. "Thanks for today, Selena. Ingat!" Aniya. Napaka-slang ng pagkakabanggit niya ng salitang ingat.

"Thanks, you too!" I picked up my sling bag then get out of Lara's office.

Day off ko bukas, araw ng byernes hanggang sabado. Pero kahit day-off ko ay nakaantabay pa rin ako sa emails ko dahil minsan kasi may mga karagdagang data na hinihingi si Lara sa akin. Kapag naman masama ang pakiramdam ko ay nagwo-work from home nalang ako.

Mabait siya at pakiramdam ko hindi ko talaga siya boss. Para na kaming matalik na magkaibigan. Sa akin niya isinusumbong ang mga sama ng loob niya sa kaniyang ex-boyfriend na mukhang hanggang ngayon ay hindi niya pa magawang kalimutan. Ang pangalan ng dati niyang kasintahan ay si Mike, isang British model. Ilang beses ko na siyang sinabihan na hindi talaga maasahan pagdating sa pag-ibig ang karamihan sa mga lalakeng modelo. Maraming nakakasalamuhang mga magagandang babae sa trabaho kaya naman ilang beses na ring nahuli ni Lara na may ibang babae si Mike. Magaling mag-imbestiga si Lara patungkol sa mga ginagawa ni Mike at kahit na ilang beses na siyang niloloko ay balik pa rin siya ng balik kay Mike. Hindi ko naman siya masisisi dahil mahirap naman talaga kapag tinamaan ang puso ng pag-ibig. Lahat napapasunod kahit pa gaano katalino ang tao.

Ilang beses ko na siyang nakitang umiyak at no'ng nakaraang buwan ay halos makompromiso na ang trabaho niya. But lately, she seems fine. Maybe she's finally learnt a lesson. Lara doesn't mention his name often and for me that's a good progress. She'll get over him sooner. I'll be happy for her.

They say, out of sight, out of mind. I kept telling her that. The last time she mentioned Mike's name, she said she'd already blocked his number and to all her social media accounts.

I turned on the radio as I drive home. Pop songs are on and I'm trying to vibe and sing along. The car that I'm using is a used car. I bought it from Lara. Hassle na rin kasi laging mag-taxi papunta sa trabaho. Ang ipinambili ko sa kotse ay ang ipinadalang pera ni Jessica sa akin no'ng maipagbili niya na ang bahay. Binigyan ko siya ng hati sa halaga at pinakaltas ko na rin ang pang-dagdag allowance nina Drake at Hope. That was more than three years ago. May naipon naman ako mula sa sinasahod ko at may naiwan pa sa perang binigay ni Savanna bilang suporta sa akin.

CALIENTE SERIES: Love: A Game Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon