Chapter Five

154 9 1
                                    

Chapter Five

NAPAG-ALAMAN KO na sa Caliente National High School pala nagtapos ng high school si Troy. Sa dinami-dami ng prebilihiyo niya ay nagtataka ako kung bakit sa publiko niya napiling mag-aral. Hindi ganoon ka advanced ang pasilidad ng paaralan. As much as I didn't want to invest any interest on him, Troy is just really an interesting kind of guy.

May dumating na balita sa akin na pinag-uusapan ako ng halos buong bayan dahil nga nakita akong kasa-kasama si Troy noong fiesta at may nakakita rin no'ng gabing naroon ang siya sa bahay.

Isinawalang bahala ko na lamang ang mga agam-agam patungkol sa akin. Todo kaila ako sa mga kapwa ko guro nang tinanong ako patungkol sa amin ni Troy gaya na lamang ngayon. Alas dose pa ng tanghali kaya wala pang klase.

"Kunsabagay, 'yong pamangkin ng asawa ni Mayor, 'yong si Janna ba 'yon? Maganda rin 'yong batang 'yon. Lagi din silang nakikitang magkasama ni Troy noon di'ba?" Daldal ni Ma'am Joan, isang Filipino subject teacher. Kumunot ang noo ko. "Mahilig sa magaganda. Kunsabagay, guwapo naman ding bata 'yan si Troy. Mabait pa at magalang." Dagdag pa niya habang kinukunan ng uban si Ma'am Fatima, ang pinakamatanda sa opisina. Isa rin siyang Filipino subject Teacher.

Nagkunwari na lamang akong hindi nakikinig sa usapan. The moment I've been waiting for is slowly being revealed. I have reason now to watch out and avoid getting lured with those gentle treatment.

Pero hanggang maglabasan ay hindi ko maialis ang narinig ko kanina sa opisina. Hindi ko dala ang kotse kaya sasakay na lamang ako ng tricycle pauwi.

Subalit nang makita ko ang pamilyar na kotse sa labas ng gate ng eskwelahan ay nagkunwari akong walang nakita. Doon ako nag-abang ng tricycle ilang metro ang layo mula sa kotse na pag-aari ni Troy. Sa kasamaang palad, lahat ng mga dumadaan ay punong-puno ng estudyanteng pasahero. Damn it! Sinundo ni Arnel si Minerva wala akong kasabayang mag-abang ng masasakyan.

Nang mamataan ko mula sa gilid ng aking mga mata na palapit sa gawi ko ang kotse ni Troy ay pinaikot ko ang aking mga mata. Hangga't maaari ay hindi ako sasakay.

Naiirita ako kay Troy dahil sa ginagawa niyang paglapit-lapit sa akin. He's adding fuel to the fire. He then, stopped his car right in front of me which prickles my scalp.

Bumaba siya mula sa kotse pero sa ibang direksyon nakatuon ang mga mata ko. Kasama niya ang mga bodyguards niya na nagmamasid sa paligid namin na tila ba may panganib.

I thought Caliente was the safest place on earth?

May kaaway ba ang mga Del Fuego?

Nag-aabang ako kung may bakanteng tricycle. Nang may mamataan akong papalapit na tricycle na walang pasahero ay humakbang ako sa bandang unahan ng kotse ni Troy para makita ako ng driver. Pero hinabol ako at hinawakan sa braso ni Troy saka kinawayan ang driver. Naunawaan naman agad ng driver ang ibig iparating ni Troy. Pinandilatan ko siya dahil sa inis. Bigla-bigla na lamang akong nairita sa presensya niya ngayon. Kaya ako pinag-uusapan ay dahil sa kaniya. Hindi ko gustong mapalapit pa sa kaniya.

Mahilig pala siya sa magaganda! Akala niya mabibiktima niya ako at makukuha sa pa-gentleman niya. Nagkakamali siya!

Iwinakli ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko saka umatras.

"Are you mad at me?" Tanong niya habang naniningkit ang mga matang nakatuon sa akin.

"No, bakit naman ako magagalit sa'yo?" Hindi naman talaga ako galit sa kaniya.

Naiinis lang ako pero hindi galit. Magkaiba ang mga emosyong iyon. Bagong-bago pa lamang ako sa Caliente at ayaw kong magkaroon agad ng isyu lalo na't may kinalaman sa lalake ang iniisyu ng mga tao tungkol sa akin. Kahit ano ay wala akong pakialam basta hindi lang tungkol sa lalake.

CALIENTE SERIES: Love: A Game Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon