Chapter Two

153 9 0
                                    

Chapter Two

THE CLASS HAD STARTED in the month of August. Pito ang klase na tuturuan ko. Mula Grade 7 hanggang 10. Puro nasa Class A. Natupad koa na ang kagustuhang maging Regular na Teacher. Adviser ako ng Grade 10, Class-A. Parang kailan lang, no'ng panahon ko ay wala pang K to 12. Sa edad na 19 ay nagtapos na ako ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa kasalukuyan ay nasa 1st year college pa kadalasan ang mga estudyanteng nasa edad na yaon.

Kada-klase ay ipinapakilala ko ang sarili. Some of the boys were blushing whenever I meet their crushing gazes. I know the effect I have in boys... or men. I am used of being liked by many boys or men. That's not surprising to me anymore.

I never felt being loved by a man though. I feel like no one has ever taken me seriously. They want me because I have a beautiful face and body. I am definitely not a humble person nor am I an arrogant. I just know my power. Many says I have a Caucasian beauty. My manager used to suggest I should enter pageantry because of my regal face. But I don't like too much attention. I used to do so in my high-school age. Mostly, attention from boys because I have daddy issues. Being young and immature.

Nag-aadjust pa lamang ako sa bago kong environment. Mababait ang mga kapwa ko guro at laging akong pinupuri. Alam ko namang maganda ako pero hindi ko gustong laging pinupuri. Nakakasawa na rin. Ayaw ko na pinupuri ako sa maraming tao.

Hindi ako masungit pero hindi rin naman ako mabait. Hindi lang talaga ako mahilig mag sugarcoat. Kapag ano ang totoo kong opinyon ay sinasabi ko kahit pa hindi ito magugustuhan ng kausap ko. Nakakapagod ang nagkukunwari.

Naghihintay na lamang ako ng labasan. Inilugay ko ang makintab at mahaba kong buhok saka tinggal ang aking sandals na may kataasan ang takong. Nangangawit ang mga binti ko sa kakatayo sa huli kong klase.

"Ma'am Sel, meryenda ka muna." Alok ni Minerva, isang Math Teacher. Magkaedad lang kami ni Minerva at isang taon na siyang nagtuturo sa Caliente National High School.

Inilapag ni Minerva ang Banana Cue sa mesa ko at nakakatakam ito. "Salamat." Nginitian ko siya.

Medyo gutom din ako kaya kumuha ako ng isang tuhog. May sinusunod akong diet. Napahilig ako pagwo-work-out simula no'ng nagtrabaho ako bilang modelo. I want to stay slender.

Wala akong social media accounts. I don't understand how every move and activity have to be posted in social media. This world is pretty fucked up. It might be old-fashioned and irrelevant but heck I care about other people's business! I don't feel the need to let the public knew about what are the things I'm up to. Pero naiintindihan ko naman ang pagbabago ng mundo at mga uso. Abala din kasi ako sa pagtulong sa pag-alaga sa mga kapatid ko. At a young age, I have shouldered a big responsibility.

Gustong-gusto ko ang bayan ng Caliente o Isla Caliente kung tawagin ng iilan. It's so serene and full of nature. Green grasses, green hills and the sea. Napakaprobinsya lang. I once went to the shore. To think about life and what the future may bring. Nothing surprises me in this lifetime anymore. Whatever life brings to me, I am ready for it. For me, nothing is more painful than losing someone you loved the most. Ilang taon na pero nananatili pa rin puso ko ang sakit.

I've been betrayed too, reason why it's been difficult for me to trust. Lahat ng magagandang kalooban na ipinapakita ay may hidden agenda. Isang patibong para masilo ako.

Never again.

Nang mag-uwian ay pinasakay ko na lang ni SUV ko si Minerva dahil madadaanan ko rin naman ang bahay nila. Minerva is not yet married but she have a boyfriend. She is a petite and chubby woman who only stood five feet. She's pretty and I envied her tanned skin.

Magaang kausap si Minerva kaya nasisiyahan ako sa kaniya. She seems conservative and possessed that probinsyana vibes given that she was born in the province where the hills are alive. Mukhang magkakasundo kaming dalawa yayamang kami lang naman ang magkaedad sa opisina. Ang mga kasamahan kasi naming guro ay halos nasa 40's at 50's na. HIndi nakakasabay sa biro namin ni Minerva

CALIENTE SERIES: Love: A Game Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon