Chapter Eleven

102 3 0
                                    

Chapter Eleven

INIHATID AKO NI VLADIMIR pauwi. Pagkatapos ng gabing 'yon ay hindi na natahimik ang utak ko. Kaya naman naging mainitin ang ulo ko sa klase. Seems like my students noticed I'm not in a good mood so they behave. I am threatened with Mikael's presence here in Caliente.

Nakabalik na kaya siya ng Manila?

Sana.

Logan Brown....

He was my savior. Who saved me from a whoring world but also the one who pushed me off the cliff so I fell on a dirtier, gruesome new world. One problem solved and comes another formulation of a whole new problem. Dito lang ako nakapagpahinga sa Caliente kahit papaano.

Ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito ay para takasan ang buhay kong marumi at madilim sa Manila. Nalungkot ako nang mawala si Logan pero mas nanaig ang saya.

Pakiramdam ko ay malaya na ako. Pero akala ko lang pala 'yon.

He's a charming man but very dangerous. Madali niyang makumbinsi lahat ng nasa paligid niya sa pamamagitan ng matatamis na salita. Ekspyerto rin siya sa pababalat-kayo. Kung hindi niya makuha sa matamis na salita ay kukunin niya gamit ang pagbabanta.

Hindi niya hinayaang may mangyaring masama sa mga kapatid ko. No'ng umagang nagpakita siya sa dati kong bahay sa Manila ay 'yon ang una-unang nakaramdam ako na may sumaklolo sa akin. Malaki naman talaga ang naitulong niya sa buhay ko. Hindi man dumating ang Daddy, may Logan naman na parang Tatay na sa aming tatlo ni Drake at Hope.

Hindi nagkakalayo ang edad ni Logan at ng Mommy.  Malapit sila sa isa't-isa dahil magkapit-bahay noon. Mom never talked about him. Or if she does, I don't remember. No'ng nagkamuwang na kasi ako ay nakatuon ang pansin ko sa bangayan nilang dalawa ni Dad. Secretive din kasi masyado si Mommy. Walang tiwala sa akin. Iniisip niyang hindi ko maintindihan dahil mura pa ang edad ko.

After a month of Logan, being nice to us, he told me what his truest intention was other than helping us through Mom's request. My life is pretty fucked up. Suffering comes to me like waves in the ocean. It never ends.

Logan owns a security agency and he wants me to be his agent. Una ay umayaw ako pagkatapos niyang ipaliwanag kung ano ang dapat kong gagawin. He wants me to kill for him. For his father. Dahil sa pagtanggi ko ay lumabas ang ibang parte ng kaniyang ugali.

"If you won't do this... think of what I can do to your life! One day, you'll be grateful. I am teaching you how to be tough... stronger. Introducing you to the real world." Dahil sa pagbanggit niya sa mga kapatid ko ay napalunok ako at nilukob ng takot.

"Give me atleast time to think about it." Sabi ko habang pilit pinapatatag ang sarili kahit pakiramdam ko ay yuping-yupi na. Naging mapagpanggap ako dahil sa mga karanasan ko sa buhay. Natutuhan kong hindi dapat ipakitang mahina ka dahil gagamitin ito ng iba laban sa'yo.

Nakakatakot ang ekspresyon niyang napakadilim habang pinipilit ako sa gusto niyang gawin ko. Hindi tumatanggap ng sagot na "hindi". Unang beses kong nakita ang ganoong bersyon ni Logan. Nagagalit din ako sa sarili dahil madali akong magtiwala. Nahulog muli ako sa isang patibong. I was too desperate for a knight in shining armor.

Masisisi ba ako do'n?

Suffering loves redemption. Misery craves for a little company.

But either way, I have to deal with him. He found us. Mom asked him to help us. Nagkasundo sila dalawang taon bago mamatay ang Mommy na aalagaan kami ni Logan kapag nawala na siya. Ayon sa kuwento ni Logan, hindi niya magawang bisitahin si Mommy dahil natatakot siyang madamay sa kaguluhan ng buhay niya. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako gayong nakita ko ang madilim na bersyon ng pagkatao niya. Pero may litrato sila ni Mommy noong mga bata pa sila at kahit no'ng nagdalaga't nagbinata na sila pareho.

CALIENTE SERIES: Love: A Game Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon