Chapter Sixteen

70 4 0
                                    

Chapter Sixteen

MEDIAEVAL ZAMORAS WON. It's very controversial. I didn't care about the election and who's gonna win. Hindi naman pulitiko ang makapagbabago ng buhay ng sinumang tao. Sa halip, ang taong-bayan ang makapagbabago ng buhay ng pulitiko. The matrix has always been like that.

The world is unfair and cruel. What more can I say?

Maraming nagpoprotesta at nanggulo sa araw ng Inauguration ceremony ni Mediaeval. Maraming nagsasabing may dayaang nangyari. I never paid attention to everything. I pity these people who rely their life to politicians. This is what's making them poorer. 

Walang makapagbabago ng buhay ng isang tao kung hindi siya lang. Nang maghirap ako noon, ako lang ang nagsikap na gumapang sa lusak hanggang sa makatayo akong muli at makalakad. May mga tumulong man pero sa oras na nababalisa ako ay mag-isa lamang ako. I don't want to bother anyone and be a burden.

Laging wala si Vladimir dahil maraming pinagkaabalahan sa negosyo. Dumagdag ng security sa bahay dahil sa mga nangyayari. Kapag pumapasok ako sa trabaho ay may maraming bodyguards na nakabantay sa akin. Nasasakal ako sa ganitong ayos. Siguro ay oras na para kumalas ako kay Vladimir. Natupad na rin naman ang mga plano niya at nanalo na rin si Don Mediaeval sa eleksyon kaya hindi na kailangan ang presensya ko.

Maging sa bahay ay may mga tauhan na inilagay si Vladimir para bantayan ang mga kapatid ko. Hindi ko nakikitang banta sa buhay ko ang mga Del Fuego kaya hindi ako pumayag na doon tumira sina Hope at Drake sa mansyon. Nabibilang ko lang naman ang mga araw na namamalagi ako roon.

Mukhang kailangan ko na naman ng mapupuntahang lugar. Nagiging magulo na ang Caliente. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari rito. Nakakapagod na pero hindi ako puwedeng sumuko.

Saan na naman kaya ako pupunta? Sa Mindanao? Alam kong mahihirapan akong makahanap ng trabaho doon dahil wala ako ni isang kakilala. Saan naman sa Mindanao?

Sa halip na maawa sa sarili ay nakakagalit ang nangyayari sa buhay ko. Sometimes I don't believe that God exists. Where is he? My life has been in hell for years and I couldn't seem to have a peaceful life.

Mukhang wala na akong ibang maaasahan kung hindi ang sarili ko na lamang. Pakiramdam ko ay lumulutang lang ako sa hangin. Naririto ako sa sarili kong bahay ngayon. Maghahanap na ako ng taong mapagbebentahan ko nito. Magpapatulong ako kay Jessica dahil siya naman ang maraming kakilala dito sa Caliente.

Kakauwi lang ni Drake galing sa martial arts training kung saan in-enrol ko siya. Walong taong gulang pa lamang siya ay personal ko na siyang tinuturuan kapag may bakante akong oras. Nakikita kong interesado talaga siya kaya napagpasyahan ko noong i-enrol siya sa isang martial arts club sa Manila. Gusto ko na kahit papaano kapag wala ako ay kaya niyang protektahan si Hope.

"Kumain ka na ba, ate?" Tanong niya nang makalabas galing sa kwarto niya. Tanghaling tapat na at kahit pa may pera naman akong binigay para sa labas nalang siya kumain ay hindi niya ginawa.

"Oo." Tugon ko. Dumukwang siya para halikan ako sa pisngi at dumeretso sa kusina.

"Ang dami ko namang bodyguards kanina, Ate. Nakakahiya sa mga kaibigan ko." Reklamo niya mula sa kusina.

Maging si Drake man ay nasasakal na rin sa ilang araw na may laging umaaligid sa kaniya. "Pansamantala lang naman lahat. Hayaan mo, soon, wala na 'yan sila." Paliwanag ko. Wala akong tugon na naririnig mula sa kusina.

Nakahiga sa kandungan ko si Hope at mahimbing na natutulog. Hindi ko alam kung ano ang magiging bukas pero sisiguraduhin kong ligtas ang mga kapatid ko.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

NANAWAGAN SI PERSEUS sa kaniyang social media account na huwag nang magsagawa pa ng mga protesta at tanggapin na lamang ang resulta ng eleksyon. Nagiging agresibo na kasi ang mga taga-suporta niya dahil hindi matanggap ang pagkatalo. Pagkalipas ng ilang araw matapos ang panawagan niya ay kumalma ang mga solidong taga-suporta niya.

CALIENTE SERIES: Love: A Game Of FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon