Broseidon - King of Brocean 🧜♂️
iMessage
Today, 7:43 AM
Faustine:
kuyaaaaaaa sei
saan ka na???? hatid mo ko may dala akong malaking canvas
Sei:
malayo pa ako tanga
Faustine:
HA ANONG MALAYO KA PA
EH KANINA SABI MO MALAPIT KA NA
SINUNGALING
Sei:
ba't parang kasalanan ko pang uto-uto ka?
Faustine:
pano ako neto????? bat kasi mag iinom inom pa tas dadalhin pa yung kotse!
Sei:
wow nahiya naman ako sayo
diba ikaw yung ginamit yung kotse KO nung nag Revel ka? tapos pag uwi kinabukasan, ang bungad sakin naiwan mo sa parking lot kase lasing ka na?
iba ka talaga Faus grabe 👏🏻
Faus:
luh
'di maka move on? isa't kalahating buwan na nakakalipas uy
uso limot. dami na nangyari oh
Sei:
wala kong pakealam
mag commute ka na lang. i-book kita grab
Faus:
bobo ka 😭
SUSUMBONG KITA KAY PAPA
DI MO TALAGA DESERVE YANG KOTSE NA YAN
Sei:
sumbong mo. at least ako pag pinagalitan, iiyak ng may kotse
eh ikaw? iyak ka dyan magdamag wala ka pa ring kotse hahahaha
iyak well 😋
