Freshly Molds
iMessage
Today, 2:13 PM
Chelsy:
MAY CHISMIS AKO
Faustine:
PAPURI SAYO, ANAK NG CHISMIS 🧘🏼♀️
Louisseana:
ano yon
dalian mo nasa klase ako
Chelsy:
Wow sino ka para utusan ako????
Charot
So ito na nga kase
Kasama ko kanina yung pinsan ni Tres!!!!!!!! Eh diba medj kumakalat na nga na parang may something daw sa inyo Faus
Louisseana:
gagi ka Faus ikaw pala ang original anak ng chismis HAHAHAHAHAHA
Faustine:
pakshet talaga
Chelsy:
Edi syempre active na active ako. Sabi ko casual lang naman kayo ganon
Sabi niya ang ganda mo daw (cap 🧢 jk HAHAHAHA) Todo agree naman ako beh
Tas sumegway ako ng "Buti nga 'di nagagalit yung friend niyang Allison ba 'yon? Lagi na kasama si Faus" sabay tawa
DIBA LOWKEY INTRIGA AKO
Ang sabi niya friends lang daw talaga sila since highschool kasi family friends. Basta close daw silang dalawa like "siblings" ganorn
Louisseana:
duda ako dyan sa siblings
Faustine:
alam niyo ba
nakasalubong ko sila Tres kasama yung Allison tsaka yung isa nilang friend, yung Jared sa zaggy g
tapos syempre hindi ko alam gagawin ko o kung babati ba ako KASI MGA BEH MALAYO PA LANG NAKIKITA KO NA YUNG TALIM NG TINGIN NI ALLISON HAHAHAHAHAHAHA
tatalikod na lang sana ako kaso nakita ako nung Jared. the whole time na kausap nila ako nakatitig lang sakin yung Allison
ang uncomfy niya tbh
Louisseana:
what if gusto pala niya si Tres
kaso one sided HAHAHAHAAH
Faustine:
i'll feel bad if ever
kasi imagine gusto niya yung tao tapos she witnessed him fucking around before
partida since highschool pa
Chelsy:
Saint Faustine era yan?????
Kill em with kindness ang peg ah HAHAHAHAHAHA
Faustine:
gago HAHAHAHAHA
legit walang halong kaplastikan 'to. all natural kindness lang HHAKAJSJA CHARENG
Louisseana:
basta ako hard pass sa may girl best friend na feeling girlfriend
Faustine:
pass sa sumusunod sa sampung utos ni girl best friend
Chelsy:
Pass sa gbf na nagpapabili ng milk tea at fries
Louisseana:
doon tayo sa loner na naiirita sa mga tao pero ikaw ang only exception
Faustine:
yes to masungit sa iba pero softie pagdating sa'yo >>>>>
Chelsy:
Yes ako sa poging mayaman na mabango na may car na masungit from the outside pero softie only for me inside
In short, yes to fictional characters >>>
Faustine:
I SAY TAMMUUUHHH
