Loui babe
iMessage
Today, 9:34 AM
Faustine:
louiiiiiii pucha
Louisseana:
hello nakabili ka na ba
Faustine:
nakapila pa ako
AT ALAM MO BANG NASA LIKOD KO LANG SI 3!!!!!
Louisseana:
LIKOD MO LANG???????
Faustine:
may isang tao lang sa pagitan samin
Louisseana:
facetime nga!!!! patingin nga kung legit
Faustine:
GAGO ANO GAGAWIN KO, ITAPAT KO SA KANYA YUNG CAMERA TAS SABIHIN KO "hi ka nga para maniwala tropa ko" ??????
Louisseana:
bakit hindi? HAHAHAHAHAA CHZ
walang sinabi??? di siya lumapit???
Faustine:
ewan ko sa kanya. basta paglingon ko andon na siya. nakita niya nga yung paglaki ng mata ko tsaka yung bilis ng pagtalikod ko nung nakita ko siya
putaena nakakahiya
Louisseana:
HAHAHAHAHAHAHAHA
AYAN, LUMANDI KA PA SA SCHOOL MATE HA
Faustine:
OMG WAIT
pasimple ulit akong haharap tignan ko kung andito pa siya
PAKINGSHET
Louisseana:
BAKIT??!?! NILAPITAN KA????
PUNTA KAMI
Faustine:
NAGLAKAD NA SIYA PAALIS
he mouthed "sorry" bago siya umalis. parang inantay niya lang na lumingon ulit ako
idk kung para saan yung sorry HAHAHAHA kasi ba nafeel niyang uncomfortable ako sa presence niya or what
Louisseana:
aww
buti naman may kusa siya!!!!!
Faustine:
hahahahsjsha sige bili na ako
Louisseana:
punta kami, wait
Faustine:
huwag na!!!! ako na naman next sa pila eh. mabilis lang 'to
Louisseana:
okay. ingat ha. tawag kapag may nagtangkang lumapit na masasamang elemento
