Medyo Long Update to.. ^^(A/N : Sasabihin ko lang po sa inyo na all imagination ko lang po yung buong kwento.. Salamat! ^^)
Eto na yung next chapter..
Chapter 6 : Bagong Paaralan...
Kakatapos lang mag-usap ng magkakaibigan tungkol sa paghahanap ng bagong lilipatang paaralan...
At dahil lumalalim na ang gabi at maaga pa sila bukas ay nagsipunta na sila sa kani-kanilang kwarto...*KINABUKASAN*
Maagang gumising at bumangon ang magkakaibigan dahil ngayong araw na sila maghahanap ng bago nilang malilipatang eskwelahan..
Mapunta tayo ngayon sa magkakaibigan na halos magsisimula pa lang kumain...
"Sinong nagluto ng mga ito? " tanong ni Ella sa kaniyang mga kaibigan..
"Ah si manang.. Kakadating lang niya kaninang konte.." sagot ni Prince sa kaniyang kapatid.
"Huh? May taga-luto pala tayo? Papano nangyari yon? " tanong naman ni John..
"Basta. Nakiusap lang siya samin na kunin na natin syang cooked naten.. Malapit lang ang bahay nila rito, kaya naman tinanggap ko na siya.. Nagpunta sya rito kanina kase nalaman niya na may bagong lipat dito sa malaking bahay at naisipan nyang mamasukan.." Paliwanag naman ni Carlo sa kaniyang kapatid..
"Ah kung ganon ay napakaaaa saraaaaap niyang magluto kuya. " masayang sabi ni John..
"Maraning salamat po sa papuri sir." Masayang sambit ni Manang Elsie kay John..
"Ay manang nandito na po pala kayo. Halika na't sumabay po kayo sa pagkain." Sambit ni Carlo..
"Ay hindi-hindi. Picture lang yan kuya.. " pamimilosopo ni John sa kaniyang kuya.
"Isa! Sinong may sabing sumabat ka sa may usapan ng iba? Ha!? Seryosong sabi ni Carlo..
Hindi naman tumugon si John sa kuya nya, kaya si Ella ang mabilis na sumagot rito.."Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Tama ba?? ^O^" Masayang sambit naman ni Ella..
"Isa kapa! " seryosong sabi ni Prince kay Ella..
Samantalang tinignan naman ng masama ni Carlo si Ella."Hihihi! (^__^)v" tugon ni Ella sabay peace sign pa..
"Ah sige po sir. Ayos lang.." awkward na tugon naman ni Manang Elsie..
"Okay po! " tugon ni Cess kay manang..
*** Elsie Floria. 36 yrs. old. Ang mga pamilya Floria ay may taglay na sobrang galing nila sa pagluluto.. Sila ay mga Nymph o mga nilalang na may kakayahang pagalawin ang mga halaman.. Pero ang pagpapagalaw ng halaman ay isa sa mga skills ng mga ito.. Ang mga nymph ay isang Class-B..***
Samantala, matapos kumain ng magkakaibigan ay mabilis na silang umalis ng bahay...
.
.
.
.
.
Kasalukuyang naglalakad ang magkakaibigan patungo sa isang paaaralan na tinuro ni manang sakanila.."Ano kayang itsura ng paaralan nila dito? " tanong ni Prince sa magkakaibigan.
"Ako! Ako! May ideya nako kuya!" Masayang tugon ni Ella sakanyang kuya Prince..
"Anong ideya naman yon ha?" Tanong ni Cess kay Ella..
"Ehem! Ehem! Ang ideya sa itsura ng paaralan dito ay kamukhang-kamukha ng isang eskwelahan.. Tama ako diba? Diba? ^_____^ " Masayang sabi ni Ella kay Cess..
BINABASA MO ANG
Kingdom Of Magic
FantasySa isang tagong bayan ng Travincial, ay may hindi inaasahang pangyayari. At ito ang mapadpad ang grupo ng magkakaibigan na sina Carlo, Ella, Prince, John at Cess sa lugar na ito... Pinaniniwalaan namang ang Travincial ang kuta ng mga Demonyo o mga...