CHAPTER 1 : Simula
Sa isang bayan ng Loren na malapit sa Travincial, ay may hindi inaasahan na nangyari kay Carlo at sa mga kaibigan nito na sina Ella, John, Prince at Cess. Sila ay mga nasa edad 13-16 taong gulang..
At sila ay napadpad sa bayan ng Travincial o kilala sa katawagang "Devil's Paradise" na bansag ng mga tao sa lugar na ito...Ito'y tinawag na "Devil's Paradise" ng mga tao dahil sa mga nilalang na nakatira rito tulad ng mga immortal, engkanto, tikbalang, bampira, sirena,dwende, laman lupa o mga taong may kapangyarihan...
Samantala, mabalik naman tayo ngayon sa mga magkakaibigan..
"Nasaan na tayo? " Tanong ni Carlo sa kaniyang mga kaibigan.
Labis itong ikinagulat ng magkakaibigan dahil hindi nila namalayan na narating nila ito. Hindi naman ito nakapagtataka dahil sa sila'y nakasakay sa isang mabilis na sasakyan at dahil narin sa kasiyahan kaya hindi nila ito napansin.
"Oo nga no! Saang lugar kaya ito?"
Mabilis na napaisip si Cess kaya muli itong nagasalita. "Huwag nyong sa..sabihing na...na..nasa "Devil's Paradise" ta..tayo? ""Ay hindi-hindi!! Nasa SM tayo ano kaba!" Lokong sambit ni John.
SFX: Toooiiinkksss!!
Mabilis naman siyang nabatukan ni Ella. At kalaunan ay nagsalita na ito...
"Baliw ka ba? Papaano naman mapupunta ang isang mall dito sa napakalayong lugar.. Ha!? Ilang saglit ay bumwelo ulit syang magsalita.. "Ehem! Ehem! Mga kasama, narito tayo ngayon sa isang malaking circus!! Masayang sabi ni Ella sa kaniyang mga kaibigan..
"Huh!?!" Tanong ng magkakaibigan kay Ella dahil wala naman silang nakikitang mga bagay na pang circo..
Pero kalaunan ay napatawa nalang ang mga ito..Sila ay nagtatawanan ng mapansin nilang may nakatingin sa mga ito.
Labis naman silang nagulat at biglang kinabahan ng dahil sa mga titig ng isang grupo sakanila.
Ilang saglit pa ay naglakad na papalapit ang grupo na kanina pa nakatingin kina Carlo at labis itong ikinatakot at ikinabigla nila Carlo.
"Mukhang may mga bisita tayo! *Fufufu! "
Nakangiting sambit ng isa sakanila.Lalo namang nakaramdan ng takot ang magkakaibigan sa mga nilalang na ngayon ay nasa harapan nila..
Pero lakas loob na nagtanong si Carlo sa mga ito.
"A..a...a..anong ka..kailangan nyo sa..samin? Natatarantang tanong nito sa mga grupong humarang sakanila.
"*Fufufufu!"
Napangiti naman ng nakakaloko ang isa sa mga ito...
******
Yan! Patikim muna. :)
Sana suportahan nyo to!
Next UD po yung ipapakilala ko ang mga karakter. Yun! :)-Black Serpent

BINABASA MO ANG
Kingdom Of Magic
FantasiSa isang tagong bayan ng Travincial, ay may hindi inaasahang pangyayari. At ito ang mapadpad ang grupo ng magkakaibigan na sina Carlo, Ella, Prince, John at Cess sa lugar na ito... Pinaniniwalaan namang ang Travincial ang kuta ng mga Demonyo o mga...