Chapter 9 : Kasinungalingan ng Nakaraan

17 4 0
                                    


Chapter 9 : Kasinungalingan ng Nakaraan

Matapos samahan ni Margarette ang grupo nina Carlo sa harap ng Principal's Office, ay agad ng nagpaalam ito sa grupo...

"Ahm. Mauna na muna ko ha?" Sabi ni Margarette sa grupo..

"Ah! Sige sige! Maraming salamat sa pagtulong sa'men ah?" Mabilis na tugon ni Carlo..

"Haha! Walang anuman yon! Sige alis nako!" Pagpapaalam na sabi ni Margarette..

"Sige! Paalam na! Ingat ka!" Pahabol na sabi ni Cess kay Margarette..

Tanging pagkaway nalang naman ang nagawang tugon ni Margarette..

Samantala, habang naglalakad si Margarette sa hallway ay hinarang siya ng isang grupo..

"Anong kailangan nyo?" Walang emosyong sabi ni Margarette sa grupo..

"Oh easy ka lang! May bago ka lang kaibigan eh, gumaganyan ka na..*fufufu" nakangiting tugon ni Audrey..

"Oh baka naman ibig mong sabihin ay bagong papatayin! Hahaha!" Sabi naman ni Essa..

"Magtigil ka Essa! Wala akong binabalak na masama, kaya pwede ba!?!" Pasigaw na sabi ni Margarette sa grupo ng magkakaibigan..

"Oh! Wag kang sumigaw Marge! Ba't ka ba nagagalet? *fufufu" nakangiting sabi naman ni Jaslyn..

"Umalis na kayo sa dinadaanan ko!!" Inis na sabi ni Margarette sa magkakaibigan..

"Eh kung ayaw namen?" Maangas na sabi ni Rendel..

Bigla namang naglabas ng nakakatakot na aura itong si Margarette kaya naman nagsalita muli ang magkakaibigan..

"Okay sige! Edi aalis kung aalis! Psh! " Mabilis na sabi ni Cyrel!

"Pero wag mong kalilimutan ang ginawa mo noong nakaraan sa'men Margarette Serpenta!" Nakakatakot na sabi ni Essa habang nakatingin kay Margarette..

"Tsk! Mamamatay!" Samit naman ni Jaslyn..

At mabilis na ngang umalis ang magkakaibigan sa harapan ni Margarette..

"Ano bang pibagsasabi ng mga yon?" Tanong ni Margarette direkta sa kaniyang isipan..

***Audrey Vielzkud at Jaslyn Vielzkud.. Sila ay mag-kakambal na werewolf at magaling sa pakikipaglaban.. 15yrs. Old. Ang Werewolf ay isang napakalakas na nilalang at magaling sa pakikipaglaban at mas lumalakas ang mga ito sa oras ng kabilugan ng buwan.. Ang mga werefolf ay isang Class-S mythological creatures..***

***Essa Esay.. isang Elemental Ice Dragon.. Siya ay nasa 16yrs. Old at magaling sa pakikipaglaban... Ang Elemental Ice Dragon ay isang malakas na nilalang.. Isa itong Class-S mythological creature.. Nabibilang na lamang ang mga uri ng Elemental Dragons. ***

***Rendel Viola. Siya ay 15yrs. Old na at isang lycans.. Ang mga Lycans ay kamukhang-kamukha ng mga werewolf.. Sila ay magagaling sa pakikipaglaban tulad ng mga werewolf, ngunit higit ang lakas ng mga werewolf.. Malakas siya at matalino..***

***Cyrel Kugles.. Siya ay isang Cogold at 14yrs. Old.. Hindi nalalayo ang anyo nito sa isang Cobold. Siya ay isang aso ang anyo pero lubos na malakas at mas malaki ang mga ito kumpara sa mga Cobold.. Mabait at maaasahan ito..***

( Flashback! )

Masayang naglalakad ang magkaibigan na sina Margarette, Essa, Jaslyn, Audrey, Cyrel, at Rendel ng biglang may humarang na isang babae at isang lalake sa mga ito..

"Kamusta ka na Margarette?" Tanong ng isang babae..

"Mukhang ang saya nyo ha? *fufufu" nakangiting sabi ng lalake..

"Mi..miko? Mika?" Gulat na tanong ni Margarette..

"Teka? Bakit mukhang nagulat ka yata namin? *fufufu" nakangiting sambit ni Mika..

"Ahh! Na...na..nabigla lang ako.." natatarantang tugon naman ni Margarette dito..

"Anong nangyayari sayo Marge? Bakit mukhang natataranta ka?" Mahinang tanong ni Essa..

"Ma..mauna nako!" Biglang sabi ni Margarette..

"Oh! Bakit naman?" Nagtatakang tanong ni Audrey.

"Oo nga. Bakit nagmamadali ka yata? Ayaw mo ba munang makipaglaro? *fufufu" nakangiting sabi ni Miko..

Labis namang nagulat at nkaramdam ng takot si Matgarette sa sinabi ni Miko.. Dahil alam niya ang gustong sabihin nito.. Ang makipaglaban muna.. Ngunit batid ni Margarette kung gaano kalakas ang kambal na Cueca..

"Kailangan ko ng makaalis dito upang hindi ako makasama sa mapapaslang!" Direktang sabi ni Margarette sa kanyang isipan..

"A..ayoko!. A..aalis na--" pinutol ni Mika ang dapat sasabihin ni Margarette..

"Iiwan mo na lang ba ang mga kaibigan mo? *fufufu" nakangiting sambit ni Mika..

"Hi..hi..hindi ko si..sila mga kaiban!" Nag-aalinlangang tugon ni Margarette..

"Ano bang sinasabi mo Margarette?" Takhang tanong ni Jaslyn..

"Paki-ulit nga yung sinabi mo?" Sambit naman ni Essa..

"Pwede ba!? Hindi ko kayo kaibigan.!!." Pasigaw na sabi ni Margarette sa kanyang mga kaibigan kahit masakit sa kalooban niya..

"Patawad sa inyo!" Tanging nasabi ni Margarette sa kanyang isipan..

"Kung ganon ay ipaubaya mo nalang sila sa amin.. *fufufu!" Nakangiting sambit muli ni Mika..

Samantalang tumakbo na lang ng mabilis Margarette, dahil ilang sandali nalang ay palatak na ang mga luha nito..

Ilang saglit pa matapos tumakbo ni Margarette sa kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan ay kinausap lamang nina Miko at Mika ang magkakaibigan, at tanging paninira lamang ang mga sinabi ng kambal tungkol kay Margarette.. Wala naman kaalam alam si Margarette sa mga nangyari, pero batid nitong galit ang mga kaibigan nya o kaya naman ay wala na mga ito..

Kaya naman simula ng araw na yon ay lagi na lamang nagkakabangga ang magkakaibigan at si Margarette dahil sa mga kasinungalingan ng magkapatid..

Tanging akala lang ni Margarette ay galit ang mga ito dahil ipinahamak niya ito pero hindi niya alam na tanging paninira lang ang mga sinabi ng kambal tungkol sa kanya..

( End Of Flashback! xD )

-----------------------

Timecheck : 11:11 :D
Chapter 9 Finished! Yeheyy! XD
Salamat sa mga bumabasa! :)
Please vote and comment guys!

Alrights Reserved 2015©

--Black_Serpent--

Kingdom Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon