I'M FALLIN TO YOU (EP 02 | BONDING WITH NEW FRIENDS)

28 17 6
                                    


Nandito nako ngayun sa classroom namin nauna nako sakanila dahil pupunta pa sila sa liblary at sana nga pumayag si Fred sumama samin.

"Oy Fred! Gusto mo bang sumama saming tatlo nila Dwayne at Duke?" Tanong ko sakanya.

"Ayoko!" Malamig nyang sagot.

"Bakit ayaw mo? Promise mag sasaya tayong tatlo." Ani ko sakanya.

"Ayoko nga! Bat ba ang kulit mo?!" Pagsusungit nya sakin.

"I see." Ani ko.
_____

"CLASS DISMISS! Umuwi na kayo ng maaga at huwag na kayong gumala kung saan saan." Ani ng teacher namin.

"Dwight!! Game ka na? Pati ikaw Duke?" Tanong samin ni Dwayne habang naka ngiti.

"Game!!! Tara na!!" Ani ko habang naeexcite.

"Hindi ka ba sasama samin Fred?" Tanong ni Duke.

"Ayoko nga sumama! Kayo na lang may practice pako sa basketball." Saad ni Fred.

"Tara na let's go!!" Saad ni Dwayne.
_____

Habang nag lalakad kaming tatlo dahil nag hahanap kami ng restaurant, hindi ko akalain na magkakaron ako ng mga bagong kaibigan at mababait pa.

"Oy guys! Kita nyo yung bagong restaurant doon?" Tanong ni Duke.

"Oo bakit?" Sagot ni Dwayne.

"Tara subukan natin kumain doon!!" Saad ni Duke habang naeexcite.

Bigla na lang hinawakan ni Duke ang kamay naming dalawa ni dwayne at sabay kaming tatlo tumakbo.

Pagpasok namin ng restaurant nila Dwayne at Duke, bigla na lang inurong ni Dwayne ang upuan sa harapan ko at pinaupo nya ako.

"Dwight umupo ka na." Ani nya sakin habang nakangiti.

"Thankyou." Ani ko sakanya habang nakangiti din.

"Ikaw Dwayne ah, sweet mo naman urong mo nga din upuan ko HAHAHA joke." Pabirong sabat ni Duke.

"Tara libre ko na kayo sandali lang order lang ako basta mamaya libre nyoko ng ice cream ah? HAHAHAA." Biro ni Dwayne.

"Ako na libre kita later." Ani ko sakanya.

"Si Dwayne lang Dwight? Pa-paano A-ako?" Ani ni Duke habang nagbibiro.

"HAHAHAHA syempre lilibre din kita." Ani ko sakanya.

"Charan!! Ito sayo Dwight, ito naman sayo Duke, hinay hinay lang ah mainit at maanghang yan HAHAHA"

Agad ko namang tinikman ang ramen na nilibre samin ni Dwayne habang tinikman ko ito hindi ko napansin ang sinabi ni Dwayne na mainit at maanghang ito kaya dahil sa pag ka sabik ko napaso tuloy ang dila ko.

"Argh! Aray ko! Ang init!" Sigaw kong mahina.

Pagkatapos nun biglang inabot sakin ni Dwayne ang tubig nya.

"Okay ka lang ba Dwight?" Pag alalang tanong ni Dwayne sakin.

"Oo okay lang ako HAHAHA sorry di ako nag iingat." Ani ko sakanila.

Habang patapos na kami kumain agad naman kaming pumunta sa photobooth para mag papicture kaming tatlo.

"Dwight? Bat parang malungkot ka?" Tanong ni Duke.

"Sayang kasi eh, wala si Fred." Ani ko sakanila habang nakasimangot ang mukha.

"Wag ka mag alala andito naman ako Dwight, A-ah i mean nandito naman kaming dalawa ni Duke saka wag ka nang mag alala makakasama din naman natin sya." Ani ni Dwayne habang nakangiti.

"Oy ayan na guys!! Tayo na next mag papapicture!! Hali na kayo!!" Ani ni Duke habang nakangiti.

"Pag bilang kong tatlo sabay sabay tayong ngumiti ah?" Saad ni Duke.

"One! Two! Three! Say cheese!!!" Ani ni Duke.

"Isa pa say cheese!!"
_____

"Ayan na lalabas na yung pictures nating tatlo!!" Saad ni Duke.

"Ang gwapo ko naman HAHAHA." Ani ni Dwayne.

"Edi wow mas gwapo ako sayo eh HAHAHA" biro ko kay Dwayne.

"Guys anong next trip natin?" Tanong ni duke.

"Ahmm guys Hi-hindi na kasi ako pwede eh, 6:43Pm na kasi saka baka mamaya mapagalitan ako ng tita ko." Ani ko sakanila.

"Ganun? Hatid ka na namin? Gusto mo?" Tanong ni Dwayne.

"Nako wag na, kaya ko naman umuwi so ano? Kita kits na lang  tayo bukas?" Ani ko sakanila.

"Sige ingat ka ah? Babye!" Ani ni duke.

Habang pauwi nako saamin, napansin kong may kausap si Fred na tatlong lalaki sa may bandang warehouse, kaya nagtungo din ako doon at nilapitan sila.

"Hi Fred, 7:00Pm na ah? Bakit di kapa umuuwi?" Tanong ko sakanya.

"Oy! Boyfriend mo ba yan Fred? HAHAHA" Ani ng isang lalaking kausap ni Fred.

Bigla na lang hinawakan ni Fred ang kamay ko at inilagay nya ako sa likuran nya na para bang pinagtatanggol nya ako sa tatlong lalaki na kausap nya.

"Tangina! Ano bang kailangan nyo saken?" Galit na sagot ni Fred.

"May atraso ka pa samin Fred tandaan mo yan!" Wika ng kausap ni Fred.

"Ang cute naman ng boyfriend mo Fred HAHAHAHA" Ani ng kausap nya.

"Tanginamo! Wag mong dinadamay kaibigan ko dito!" Sabat ni Fred habang malapit ng manuntok.

I'M FALLIN TO YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon