I'M FALLIN TO YOU (EP 03 | WE'RE FRIENDS)

24 14 2
                                    


"Tanginamo! Wag mong dinadamay kaibigan ko dito!" Sabat ni Fred habang malapit ng manuntok.

habang ang isang lalaki sakanila dahan dahan pumunta sa likoran ni Fred at maya maya bigla na lang akong inakbayan.

"Tangina! Sabing huwag gagalawin ang kaibigan ko!" Wika ni Fred.

At bigla nyang sinuntok ang naka akbay sakin na lalaki at nag suntukan na din sila Fred at yung isang kausap nyang lalaki kanina habang ako pinag susuntok ko din ang umakbay sakin, habang nakikipag suntukan kaming dalawa ni Fred biglang may dumating na mga police kaya kaagad naman silang nag sitakbuhan.

"Hindi pa tayo tapos Fred tandaan mo yan!" Sigaw ng kaaway ni Fred.

"Mga bata okay lang ba kayo?" Pag alalang tanong samin ng isang police.

"Opo okay na po kaming dalawa." Ani ko sa police.

Nakita kong may sugat si Fred sa bibig nya kaya kaagad kong hinawakan ang kamay nya at dali dali kaming pumunta sa school namin at pumunta sa clinic room.

"Fred, umupo ka muna kukuha lang ako ng first aid." Ani ko sakanya.

Habang pinagmamasdan ko ang buong kwarto kung saan naka lagay ang first aid kit, nandoon lang pala sa itaas ng kabinet, pilit ko itong inaabot ngunit masyadong mataas kaya kinuha ko ang isang upuan at tumayo doon, maya maya bigla na lang umuga uga ang upuan na kinatatayuan ko at na syang ikabagsak ko ngunit nasalo ako ni Fred, akala ko mahuhulog talaga ako buti na lang na salo nya ako.

"Ayus ka lang Dwight?!" Pag aalalang tanong sakin ni Fred.

"Oo Ma-maayos naman salamat." Ani ko sakanya.

"Aish! Bakit hindi ka kasi nag iingat!" Galit nyang sagot.

"Bat ka concern sakin? HAHAHA." birong sabat ko sakanya.

"Malamang kaibigan kita! Hindi mo ba ako kaibigan?!" Galit nyang sabat.

"Ti-tinuturing mokong kaibigan? Ay weh? HAHAHA" birong tanong ko sakanya.

"Hindi ba halata?!"

"Kung ganun? Bat ang cold mo sakin? Tas parang galit ka pa sakin?" Tanong ko sakanya.

"Wala akong mood kanina kaya ayun HAHAHA, by the way sorry nga pala kanina sa pag susungit ko." Wika nya.

"Ahh ganun ba? Pe-per-" Ani ko sakanya ng bigla syang sumabat.

"Shh! basta mag kaibigan tayo okay?!"

"Kalma ka lang Fred! teka gamutin ko muna yung bibig mo."

Habang ginagamot ko ang bibig nya hindi ko maiwasang hindi tumingin sa mga mata nya para bang namamangha ako sakanya ewan ko ba.

"Lagyan ko pa ba ng bandAid?" Tanong ko sakanya.

"Huwag na okay na to." Ani nya.

"A-anong oras na pala Fred?" Tanong ko sakanya.

"8:00Pm bakit?"

"Hala?! Lagot ako nito kay tita! Aishh!!! Tara na Fred umuwi na tayo baka mamaya nag aalala na sakin si tita!!" Ani ko sakanya habang nag aalala.

"Halika hatid na kita." Ani nya habang nakangiti sakin.

"Huwag na Fred! Mauna nako sayo ah? Babye kita na lang tayong bukas." Ani ko sakanya.

Agad nakong umalis sa loob ng clinic room at ng may biglang umakbay sakin.

"Fred?" Ani ko.

"Tara sabay na tayong umuwi, hindi pwedeng ikaw mauna dapat sabay tayo!" Ani nya.

Habang nag lalakad kami palabas ng school, hindi ko maisip kung bakit parang ang weird nya ngayun para bang kanina lang galit at cold sya sakin tas ngayun biglang bumait.

"Fred dito nalang ako sa bus station mauna ka nang umuwi baka hinahanap ka na din ng parents mo." Ani ko sakanya.

"Oh sige? Ingat ka ah? Babye." Ani nya habang nakangiti sakin.

"Oo ikaw din mag ingat ka babye." Ani ko sakanya habang nakangiti din.

Sumakay na ako ng bus pauwi samin. Pagka baba ko ng bus dali dali akong tumakbo pauwi samin hindi ko namalayan na 8pm na pala, nandito nako sa labas ng gate namin kita kong nakabukas pa ang ilaw namin siguro inaantay ako ni tita, dahan dahan kong binuksan ang gate namin at pumasok na sa bahay namin, pagpasok ko ng bahay namin sermon kaagad ang natanggap ko kay tita.

"Dwight bakit ngayun ka lang nakauwi?! Gabi na oh?! 8:40Pm na?! Tsk!" Galit na saad ni tita.

"Ahh Ka-kasi tita gumala pa kasi kami ng friends ko eh, sorry po talaga tita." Ani ko sakanya habang nayuko ang ulo ko.

"Dwight please lang! Sasusunod mag paalam ka sakin, hndi yung pinag aalala moko! Kung nabubuhay pa siguro ang mama mo nako! Oh sige na pumunta ka na sa kwarto mo at mag pahinga kana." Ani ni tita.

Kaagad nakong pumunta sa kwarto ko at nag bihis at ng bigla kong naalala si mama tinignan ko ang litrato ni mama at pinagmamasdan ko ito ng mabuti.

"Ma, miss na kita." Ani ko sa larawan ni mama habang nakasimangot ang mukha.

I'M FALLIN TO YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon