I'M FALLIN TO YOU (EP 07 | THE CONFESS)

15 13 0
                                    

Habang nag lilibot ako sa hotel namin napansin kong mag isa lang naka upo si Dwayne sa gilid, kaya nilapitan ko sya at kinausap.

"Dwayne? Hindi ka ba sasabay kumain samin ng lunch?" Tanong ko sakanya.

"Wala akong gana." Malamig nyang saad.

"Ayus ka lang ba? Napapansin ko kasing kanina ka pa walang sa mood?" Ani ko sakanya.

"Okay nga lang ako, iwan mo muna ako gusto kong mapag isa." Ani nya.

"O-oh Okay." Ani ko.

Pumasok na ako sa hotel namin, at pumunta sa isang restaurant kung saan naroon sila Fred at Duke.

"Nasaan si Dwayne?" Tanong ni Duke.

"Nandoon naka upo, gusto nya munang mapag isa." Ani ko.

"Dwight! Gusto mo bang makita kung anong prize nating dalawa?" Masayang tanong ni Fred.

"Oo ano ba yung prize natin?" Tanong ko sakanya.

"May laptop tayong dalawa from samsung and then may free couple shirt, later ko ipakita sayo after lunch natin." Ani nya.

"Ahh ganun sige." Ani ko.

Tinapos ko na ang kinakain ko at sabay kaming umakyat ni Fred.
_____

"Tara pasok ka sa kwarto ko, pikit ka muna." Ani nya.

Tinakpan nya ang mga mata ko at dahan dahan kaming nag lakad, nung huminto kami dahan dahan nya din tinanggal ang kamay nya sa mga mata ko.

"Tada!!!!" Masaya nyang saad.

"Wow! Ang ganda ng shirt!! Woah! Ang ganda ng laptop natin!" Masayang kong ani sakanya at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Wait, Hi-hindi A-ako Ma-makahinga." Utal utal nyang saad.

"HAHAHA sorry, thankyou Fred." Ani ko sakanya habang nakangiti.
_____

"Halika dwight sabay na tayong pumuntang sea side." Ani nya at sabay inakbayan nya ako.

"Sige." Ani ko habang nakangiti.

Habang papunta kaming dalawa ni Fred sa seaside naka ready na ang lahat pati ang mga uupuan naming mga kahoy, at tumabi kaming dalawa ni Fred sakanila Dwayne at duke.

"Goodevening class! Ngayun gabi mag kakaroon tayong lahat ng Confession area at lahat ng gusto nyong sabihin or sa mga gusto nyong sabihin sa taong minamahal nyo pumunta lang sa harap, sinong gustong mag simula" Paliwanag at tanong ng teacher samin.

"Pwedeng ako mauna ma'am?" Ani ni Dwayne.

"Sige pumunta ka na dito sa harapan." Ani ni maam.

"Ahmm ano, hello everyone my name is Dwayne Fin, I'm from 11-3 ang icoconfess ko ngayun ay tungkol sa taong mahal ko, gusto ko sya since unang pasok nya pa lang sa school natin pakiramdam ko kapag tuwing kasama ko sya gumagaan ang pakiramdam ko, may oras din na nag seselos ako but nevermind HAHA kung sino ka man iloveyou." Ani ni Dwayne habang nakatingin saming lahat.

"Naks naman Mr dwayne, sana mahal ka din ng mahal mo." Ani ni maam.

"Sinong next?" Tanong ni maam.

"Ako po." Ani ni Duke.

"Go ahead Duke." Ani ni maam.

"Hello everyone my name is Duke Hussein, I'm from 11-3 too, ang icoconfess ko ngayun about sa gusto kong tao, yung gusto kong tao may gustong iba yun lang HAHAHA" Ani nya habang tumatawa.

"very good! Mr Hussein! dyan ka magaling sa kalokohan HAHAHA" Biro ni maam.

"Ako next." Sabat ni Fred.

"Hello everyone! ako nga pala si Fred Ryu, galing din ako sa 11-3 ang gusto ko lang sabihin ramdam kong mahal ako ng taong mahal ko dito." Ani nya at sabay yumuko.

"Hello ako nga pala si Lynne I'm from 12-4 crush ko po si Fred ng 11-3 HAHAHA." Ani ng isang student.

"Hello! My name is charlotte I'm from 10-1 isa akong top 1 student na may gusto sa isang top 2 student sa 12-1" Ani ng isang student.

"Hi guys! Ako nga pala si Alynxe, from 11-2 at isa ako sa mga rarest name sa nuong SeulHwa High School, crush ko nga pala si Dwight ng 11-3 thankyou." Ani ng student at bigla syang tumingin sakin sabay ngumiti.

"Hello everyone! My name is Miles I'm from 11-5 may crush ako kay Lynne sana icrushback muna ako." Ani ng isang student.

"Isa na lang ang kulang Dwight pumunta ka na sa harapan." Ani ni maam.

"Okay po." Ani ko at dahan dahan akong naglakad papunta sa harapan.

"Go Dwight ko." Mahinang bulong ni Fred sakin.

"Hi guys! I'm Dwight Shin, isa akong transferee dito, I'm from 11-3 ang gusto ko lang sabihin nahihirapan akong pumili sa dalawang nag kakagusto sakin thankyou." Ani ko habang nakangiti.

"Oyyy! Ikaw ha dwight may nag kakagusto pala sayo hindi mo samin sinasabi ah, ikaw ahhh." Biro ni duke.

"Sino ba nagkakagusto sayo Dwight?" Tanong ni Dwayne.

"Ahh Wa-wala" Pautal kong saad.

"Class bukas eenjoy nyo na ang bawat moments na gusto nyo dahil bukas ng hapon uuwi na tayong lahat." Ani ni maam.
_____

"Guys matutulog na ako inaantok nako." Ani ko sakanila.

"Goodnight dwighty." Ani ni duke sabay pumasok na sya sa kwarto nya.

"Goodnight, sweet dreams Dwight." Ani ni Dwayne habang nakangiti

"Goodnight Dwight matulog ka ng mahimbing." Ani ni Fred habang nakangiti.

"Goodnight sainyo sweet dreams." Ani ko sakanila.

I'M FALLIN TO YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon