Chapter 1:Encounter

41 2 0
                                    

ThatGirlWannaBe.2015.


Plagiarism is a Crime.


~>

Encounter


Her Side

Shucks!Sa lahat ba naman nang oras,bakit ngayon pa?Bakit?


"ANO,KYLA?HINDI KA TATAYO DYAN?",sigaw nang mahadera kong nanay.Padabog nalang akong tumayo at pumunta sa kusina.Alam nyo ba yung feeling na nandoon kana sa Happy Ending nang story na binabasa mo sa Wattpad,tapos maririnig mo yung mahadera mong nanay na inuutusan bumili ng napkin sa tindahan?Itong-ito yung nararamdaman ko ngayon eh.Bakit pa kasi nauso yang menstruation at napkin na yan,huh?Nako.Malaman ko lang,makakatikim sya nang isang flying punch at sipa sakin.Ipapa-demolish ko na rin yung bahay nya para masaya,diba?

Kaharap ko na ang nanay kong mahadera ngayon.Aba,hindi nya ba sya bumili nang napkin tapos ako yung gaganyanin nya.Psh.

Nakita ko namang namumula na sa galit.Inirapan ko na lang ito.


"ANO BANG GINAGAWA MO AT HINDI KA MAINGLI,HUH?!",sigaw nanaman nya.Nako.Alam nyo pinagpapasensyahan ko na lang tong nanay ko eh.Baka kasi pag pinansin ko pa to,makita nyo nalang akong pakalat-kalat sa kalsada eh.


Bumuntong hininga ako."Ma,ganto kasi yan.Nakaupo ako nang matiwasay dun sa sofa natin kanina.Tapos,naka-upo nga ako diba?Hawak-hawak ko yung love na love kong si Chappy.Which is yung cellphone ko.Nagbabasa ako nang Love Story dun sa Wattpad,isang app na pwede kang mag-download nang stories,at gumawa ka rin nang sarili mong mga stories.So,yun nga.Training to Love,yung binabasa ko,Mama.Ang ganda non,grabe.May part na nakakaiyak dun kasi kailangang nilang maghiwalay ni Troy at Trisha.Pero yun ang ang problema,Hindi ko pa natapos pano ba naman,sumigaw kayo para utusan kayo sa tindahan.Nandoon na ko ,Ma eh.Bumalik na si Troy galing sa Ibang bansa.Tapos,yun nga.",makapag-damdaming kwento ko.Titingnan ko lang kung madadala ko s'ya.Pero dun naman ako nagkamali.Nakita ko nang parang umuusok na yung ilong nya pati yung mukha nya namumula na.Tsk.Wrong move,Kyla.

"NAGAWA MO PA TALAGANG IKWENTO SAKIN AH!IKAW TALAGANG BATA KA!OH,YAN NA.BUMILI KA NANG NAPKIN SA TINDAHAN!",sabay bato sakin ng 100 pesos.Dali-dali na akong tumakbo palabas nang bahay namin,baka kung mag-tagal pa ko dun.Ma-masacre na ko nun.

Hingal na hingal naman akong dumating sa tindahan.Ikaw ba namang,tumakbo sa initan.Nakaka-enjoy yon,diba?

"Pabili!",sigaw ko sa tindahan.Syempre.Common sense naman.


Nakita ko namang lumabas si Marwell.Topless.Kita ang mga abs.Witwiw talaga.Crush ko to dati eh.Kaso ngayon Hindi na.Alam nyo naman,time goes.Pero kaibigan ko yan.Hindi lang masyadong halata.

"Alam kong gwapo ako.Pero,wag mo naman along titigan.HAHAHA.".Natatawa nyang sabi.Kapal much,huh?


"Wow!Ramdam mo ba yun Marwell?Lumakas ang hangin noh?".Sarscarm kong sabi sakanya.

"HAHAHA.Hindi eh.Ano na nga yung bibilin mo?",natatawa nanamang sabi nya.Srsly?Anong nahithit nang mga tao ngayon?Paki-explain.

"Napkin.Yung whisper ah.Limang piraso.",paliwanag ko.

Nakita ko namang kinuha nya yung Whisper sa estante.At kumuha sya nang limang piraso.Real talk lang ah.Gumagamit ba sya non?Para kasing hindi sya nandidiri dun sa napkin.Eh halos nga lahat nang lalaki na nababasa ko sa Wattpad,diring diri dun eh.

"Hey.Hindi ka ba nandidiri dyan sa hawak mo?Like hello.Napkin kaya yan.".Nakita ko naman syang napa-tawa.

"Bakit naman ako mandidiri dito?Napkin lang naman to eh.Walang iba.Tsk.Napaka mo kasi,Kyla.HAHAHA.Tsaka,alam mo ba na mga tunay na lalaki lang ang nakakahawak ng mga ganito?",sabay taas nung napkin.


Oo.Sige na.Ako na yung mali.Sya na yung tama.Tsk.

Kinuha ko na yung mga napkin at inabot sakanya yung one hundred.Nawalan na ata ako nang boses dahil dun sa kadramahan nya eh.

Inabot nya nanaman sakin yung sukli.Binilang ko naman ito syempre.Mahirap na.

"He.Bye-Bye na.",paalam ko sakanya.Nakita ko naman itong ngumiti."Gege.Ingat.HAHAHA.".Srsly?


~>

Hi.Ala lang.Hahaha.Ano kasi.Ala lang.Hahaha.Uhhm.Ala lang.(Baliw eh noh?Hahaha.)

ThatGirlWannaBe.2015.

Heartlessly InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon