Chapter 17

23.2K 681 67
                                    

HANGGANG ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na nag propose sa kanya si Yves. Rion kept on glancing at the ring she's wearing, it feels surreal, parang anytime babawiin sa kanya ang kasiyahan na natatamo niya ngayon.

She sighed softly and watch Yves preparing foods for their dinner. They're having a dinner party first, bago sunugin ng mga ito ang atay.

They say that it will be a double celebration, because Devi's now pregnant. According to Castiel, kahit na bumili palang ito ng pregnancy test. Masaya siya para kay Devi at kay Castiel, she promised Devi that she'll spoil her with sweets if one of her cravings will be cakes or something sweet!

"Patapos na ako dito," Yves said and walk towards her. "Pwede ka naman sumama muna sa iba? Aren't you bored?" He asked.

She cutely shakes her head. Watching Yves cooking wasn't boring. He looks hot while moving around the kitchen, mukhang madali ang ginagawa nito pero sa totoo lang hindi talaga. Masyado siya nitong pinapabilib sa cooking skills nito.

"You're back looks sexy, Yves." She blurted out. Tumaas ang sulok ng labi ni Yves at itinukod ang mga palad nito sa kitchen counter, her eyes settled on his forearms, dayum hot!

"Naughty." Yves chuckled and pinch the tip of her nose playfully. "Seems like you're going to see the drunk version of me later. Those assholes won't stop, hanggat hindi nila kami nalalasing ni Castiel."

He sighed heavily. Nabanggit sa kanya ni Isabella na sa t'wing naglalasing ang mga ito, palaging si Yves ang natitirang matino at palaging nag-uuwi sa mga lasing niyang kaibigan sa kanya kanyang mga bahay nito. Si Yves din daw ang naglilinis sa pinagkalatan ng mga ito.

And now, she's wondering. If lalasingin nila si Yves. Sino ang maglilinis sa pinagkalatan ng mga ito, at kung paano umakto ang lasing na Yves?

"Paano ka ba malasing? Para alam ko kung paano ka aalagan mamaya?" Tanong niya. Kailangan niyang maghanda, lalo na at wala siyang experience sa lasing na lalaki. Maski ang ex niya ay hindi niya pa nakitang lasing sa t'wing umiinom ito sa apartment na tinitirhan nilang dalawa dati.

Yves shrugged his shoulders. "I have no idea. I always control myself when it comes to drinking, I need to stay sane for my friends." He answered.

Nag-iisip na siya ng mga posibleng scenario na mangyayari sa kanilang dalawa, hindi niya ma-imagine si Yves na susukahan ang bedsheet ng kama nila. Rion sighed and lifted her eyebrows. Bahala na mamaya.

"Hey bud!" Castiel entered the kitchen and smiled at her. "Naka ready na ang mesa sa labas, ready na din kumain ang mga ungas." He said while wiggling his brows. For some reason, Castiel looks so excited.

"You look excited, dahil ba magkaka-anak ka na?" Curious na tanong ni Rion kay Castiel.

Castiel chuckled at her question. "Bukod pa doon, malalamnan na ulit ng alak ang tiyan namin." He laughed while tapping his stomach. Napailing nalang si Rion sa sagot nito. "Oo nga pala, pwede ba ako humingi ng pabor sayo?" He asked.

"What favor?" Yves asked on her behalf.

"I'm planning to propose too, naunahan lang ako nito." Umingos ito at itinuro si Yves, mukha pang masama ang loob nito.

It's now Rion's turn to chuckled softly. "What kind of favor? Kaya ko ba?"

"Yakang yaka mo, Rion!" Castiel answered and gives her a thumbs up. Hyper na hyper ito, minsan, naiisip niya kung tumatahimik ba ito kahit ilang segundo lang?

Umupo si Castiel sa tabi niya, habang si Yves naman ay bumalik sa ginagawa nito kanina.

"I want a coffee cake, 'yung bento size lang naman. Then, hindi ko alam kung paano niyo 'yon nagagawa, I want a man bended on his one knee holding a cup of coffee tapos sa mismong kape naka patong 'tong singsing." Castiel explained and Rion can already pictured the cake in her head.

LCS 11: Yves Vailen Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon