Chapter 20

23K 664 26
                                    

HAVING HER sisters around calms Rion's head. Isang linggo na silang nasa Singapore at walang araw na hindi siya ginigisa ng tatlo niyang kapatid sa ama. They never failed to lectured her and she accepted it all. Accepting her mistakes was a big help to move forward and be a better person that she wanted to be.

"Did Yves called again? Hindi ko alam na may pagka clingy pala ang isang 'yon?" Natatawang tanong sa kanya ng ate niya. She's carrying her new born baby.

She nod her head as an answer. Palaging tumatawag si Yves sa kanya to remind her, to eat and to take care, to enjoy their trip and time with her family.

"Ate, masakit ba?" Rion asked curiously.

Kumunot ang noo nito sa kanya. "Ang alin?"

"Manganak?"

Her sister chuckled softly and nod her head as she kissed her daughter forehead. "Yes, it was painful. But definitely worth it." She answered honestly. "Totoo ang sinasabi ng mga matatanda sa atin, na kapag manganganak ang isang babae, nakabaon na sa hukay ang isang paa. Kapag nasa loob ka ng delivery room, para kang nasa survival mode. But after that, marinig mo lang ang iyak ng baby mo... Mawawala lahat ng sakit at pagod." Her sister, Aika, dreamily answered.

Alia showed up, ang isa pa niyang kapatid. "May balak na ba kayo ni Yves? Wala pa ang kasal ah?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.

"Gaga! Bakit noong nabuntis ba tayo, kinasal ba tayo agad? Hindi ba hindi naman?" Sarkastiko na tanong ng isa pa nilang kapatid, Axen.

Mahina siyang natawa sa mga ito.

"Hindi pa namin napag-uusapan ang baby, but I'm sure he want to have one." Tumatango na sagot niya.

Yves was too good at handling baby's, the way he carried Jyrelle and Isabella's baby, pati na din ang ibang mga baby sa Lust community, marunong din itong magpalit ng diaper ng bata. Well, lahat naman pala sila ay marunong. It's like they've learned to do things like that as a preparation. Para kung sila sila na ang magkaka-anak hindi na ang mga ito mangangapa at mahihirapan.

"E ikaw? Gusto mo na ba?" Tanong sa kanya ni Axen.

Rion bit her lower lip and slowly nod her head. She wants a baby too, not because Yves likes it, not because it's one of her whims, no. She's been preparing to be a mother all these years. Kahit noong sila pa ni Dave.

"Mahirap ang may anak, Rion. Bata ka pa naman, you should take your time. Enjoyin niyo muna ni Yves ang buhay mag-asawa." Payo sa kanya ni Alia.

"I know that, but... Hindi naman natin alam kung kailan ako bubuntisin ni Yves diba? Edi mas okay na 'yung prepared ako. Habang nandito kami ni Mama, turuan niyo ako paano mag-alaga ng baby? Nakakahiya naman kasi kung marunong si Yves tapos ako hindi?"

Natawa ang mga kapatid ni Rion sa dahilan niya. Without saying anything, her sisters started to teach her, from how to carry the baby, change its diaper and stuffs. Hinayaan din siya ng mga ito na bantayan ang mga pamangkin niya, at doon lang nalaman ni Rion na hindi ganoon kahaba ang pasensya niya. Kinailangan niyang pakalmahin ang sarili ng ilang beses para hindi masigawan ang pamangkin niya na pilit nagpapadulas sa hagdanan at ikinakalat ang mga nailigpit na niyang laruan.

She needs to learn more. Kailangan niyang pahabain ang pasensya niya kung gusto talaga niyang magka-anak. Otherwise, hindi siya magbubuntis.

"Mahirap ano?" Nang-aasar na tanong sa kanya ng step mother niya.

It's been a week, simula nang mag presinta siya na alagaan ang mga pamangkin niya. Hindi na niya halos maka usap si Yves sa t'wing tumatawag ito, lalo na at sobrang likot ng panganay ni Aika.

LCS 11: Yves Vailen Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon