Nakatingala ako sa madilim na kalangitan. Pinagmamasdan ang mga natitirang bituin habang unti-unti itong nawawala. Ang malamig namang hangin ay yumayakap sa aking balat.
"Eli, nakung bata ka! Pumasok ka na sa bahay mo at mababasa ka na!" Tumaginting sa aking tenga ang malakas na boses ni Aling Ynes. Sya ang may ari ng bakeshop sa harap ng aking bahay.
She was nice to me. When I first came in this neighborhood, she was the first person who asked me if I was okay.
I couldn't tell her the truth. That I was afraid. I was too young to lose everybody that loves me.
I don't know how to start my life.
"Ay naku. Bilisan mo nang kumilos at mukhang lalakas pa itong ulan." Dagdag pa niya.
Bumilis ang kilos ko at mabilis nabuksan ang pintuan. Sumalubong sa akin ang katahimikan at kadiliman. Agad akong nagtungo sa aking kwarto at nagbihis. Muling tumitig sa labas. Masama nga ang panahon ngayon.
Tuwing ganitong panahon mas nakakaramdam ako ng kalungkutan. Mahirap mag isa. Mahirap mabuhay. Sumilip ako sa bintana. Mas lalo ngang lumakas ang ulan. Dumadagundong ang tunog ng kidlat. Nakakatakot. Nakakakaba.
Alam kong hindi matatapos ang ulan ngayong gabi kaya napagdesisyunan ko nang maghanda sa pagtulog. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata. But to no avail gising pa rin ako.
Bumabalik na naman sa aking kaisipan ang mga nangyari sa nakalipas na taon. I became a dishwasher at a nearby restaurant just to sustain my needs. I don't want to spend the money my parents allotted for me.
Mahirap mabuhay nang nag-iisa at walang makakapitan. Mas lalo kong naiisip kung bakit sa lahat ng tao ay ako pa. It's not bad to ask Him diba? Am I brave enough to face more hardships? Di pa ba sapat lahat ng pinagdaanan ko?
Do I enjoy being like this? Does this mean I have healed? I don't like this life anymore. But I remembered what my Mama's words.
I recalled my silent fights and cries. How I managed my isolated nights and fed up days. So, I grew up being more appreciative of small things, kahit minsan man lang. I didn't continue to live just to give up.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. I looked at the clock and it's already 7am. Napabalikwas naman ako ng bangon nang maalala na may klase ako ngayon ng 8am. Sa pagmamadali ay di na ako nakapaghanda ng almusal.
"Eli! Bilisan mong kumilos at malalate ka na naman!" Natatarantang sabi ni Aling Ynes nang madatnan nya akong nagsasarado ng gate.
Tuwing umaga ay ganito ang lagi nyang nakikita kaya naman di na bago sa akin ang kanyang tarantang mukha.
"Okay lang po. Makakahabol pa po ako kaya huwag na kayong mag alala." Nakangiti kong sagot sa kanya.
Dumiretso ako sa aking klase at nakita si Vina. Nakasalubong na naman ang dalawang kilay nya.
"You're almost late Imara Alessia! Buti na lang nakahabol ka pa. Nakita ko kanina si Mrs. Cruz doon sa lobby. Ang aga aga nyang dumating ha!"
Natawa na lang ako sa reaksyon ni Vina. Ang daldal talaga at buong pangalan ko pa ang binanggit. Hindi na ako nagtataka kay Mrs. Cruz, sa lahat ng guro ay sya talaga ang early bird.
I pinched her cheek ang laughed. "Nakahabol naman ako Vina. Kumalma ka nga."
"Paano ba naman ako kakalma ha! Palagi ka kayang late. Sana naman kahit ngayon lang na ilang buwan na lang gagraduate na tayo eh magbagong buhay ka na!" Naiinis na sagot na nya.
"Matagal nang nagbago ang buhay ko Vina. Ano ka ba?"
Napasinghap naman sya sa narinig.
"Oh my gosh. That's not what I mean, Eli." She knows.
"I know. I know. Nagbibiro lang naman ako." I tapped her shoulder and smiled.
Mabilis kaming umayos nang dumating na nga si Mrs. Cruz. As usual ay matapos nyang magturo ay nagbigay na naman ng assignment.
Actually last week na namin ito sa first sem. After two weeks ay enrollment na naman para sa second sem. At ilang araw lang ang bibilangin ay magsisumula na naman ang klase.
Mabilis talaga ang oras. Minsan hindi lang natin namamalayan.
Dumiretso ako sa library para maghanap ng mga reference. Mamayang 10am pa naman ang aking next class kaya't may isang oras pa ako. Kinuha ko naman ang mga libro na may kinalaman sa hinahanap ko.
Umabot nang halos 30 minutes ang tinagal bago ako matapos. May kalahating oras pa akong natitira. Ayoko namang dumiretso sa room dahil siguradong hindi pa tapos ang mga naunang klase roon.
Dito na lang muna ako sa lib tatambay. Kinuha ko ang aking ballpen at scratch paper at nagsimulang gumuhit.
I remember when I was a kid. I used to draw every day. I used to hold the colorful pencils in my cute little hands. I used to think that just like these pencils, my life would be colorful too. But I didn't expect that it would change to something I didn't want it to be.
Hindi ko naman kasi ito madalas ginagawa ngayon. I tried to stop when that incident happened. Sometimes kapag wala na talaga akong magawa sa buhay. Pampatanggal lang talaga ito ng boredom. Minsan kasi wala na akong oras at gumuguhit lang kung walang ginagawa at kung gugustuhin lang.
I looked at my sketch. It was myself. It was me when I was younger.
I smiled at myself. Atleast, I can proudly say that I was on the way of fulfilling one of my childhood dreams.
Napansin kong 15 minutes na lang ang natitira kaya hindi ko na tinapos. Tumayo na ako nililigpit na ang mga gamit, didiretso na ako sa room pagkatapos nito.
"You're good at it. Why don't you continue?"