Ang hampas ng alon at huni ng mga ibon ang tangi kong naririnig. Ang malinaw na dagat at unti-unting pagsilip ng araw ang nakikita ko sa aking harapan.Lumapit pa ako ng isang hakbang at naramdaman ang malamig na tubig sa aking paanan. The long white dress I wore was slowly getting wet. Nililipad na rin ng hangin ang aking maiksing buhok na ngayo'y hanggang balikat nalang.
"Mama Alessia, lalangoy na po ba kayo?" Napalingon ako sa maliit na boses na tumawag sa akin.
Napailing ako kay Makoy. Lumapit pa sya sa akin kaya naman ay hinawakan ko ang kaliwang kamay nya.
"Medyo madilim pa po. Masyado pang maaga. Hindi na man po ulit kayo nakatulog?" Tumawa naman ako nang marinig iyon.
"I slept well kaya maaga akong nagising. Ikaw siguro ang hindi makatulog?" I said and teased him. I heard him giggle and laugh.
Sabay kaming naglakad paalis. Ang maninipis na buhangin ay dumidikit sa aming mga basang paa. Napalingon ako sa paligid at napangiti sa ganda ng tanawin. Maaliwalas ang paligid. May mga nagtataasang puno at malinaw na karagatan.
Natatanaw ko rin ang mga mangingisdang pauwi na. Mukhang marami silang isdang nakuha. I smiled at that thought.
It was 6 years ago when I got here. It was hard. My life was a mess. Si Vina ang tumulong sa akin. Sya ang umasikaso sa lahat ng kailangan ko sa review at exam. Hindi ako tumuloy sa hospital na dapat ay papasukan ko. Nagself-review ako habang nandito sa isla.
We were so happy when we both passed the exam. Finally, may license na ako. Vina tried to convince me na lumipat na sa city, but I am enjoying my island life.
Napadpad ako dito sa isang private hospital. I applied here at malaki man ang pagkakaiba ng ospital dito compared sa ibang lugar, maganda naman ang pakikitungo ng mga tao. I also gained my Masters degree and became a Nurse practitioner. As of now, I am working as the Chief Nursing Officer. Konti lang ang staffs ng ospital. Tatlong doctor, limang nurse at ang iba ay mga medical staffs na.
Marami ang nagbago at parang may kulang.
It was indeed far from the future I wanted for myself. But I know it was one of the best decision I've made."Ma, sabi ni Caloy may pupuntahan daw syang bayan . Puro bundok daw po ang makikita. Wala ba silang dagat doon, Ma?" He asked curiously.
"Meron naman siguro. Saang lugar daw ba?"
"Hindi ko po natanong eh. Itatanong ko po sa kanya mamaya." Napatango naman ako sa sagot nya.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa bahay. Alam naman ni Caloy na tuwing wala sa tabi nya ang bata ay nandito ito kasama ko.
Makoy was just 5 years old. Bata pa para maging lakwatsero. Mana talaga sa pinagmanahan.
Napalingon naman ako sa likod at nakita si Nana Lena na sumusunod sa amin. Humihikab pa sya. Malamang at ginising na naman ng batang maliit.
Sumasakit na rin nga ang ulo namin ni Caloy sa kakulitan ni Makoy. Pero there's nothing to worry din naman dahil sa akin lang naman sya laging dumidikit.
"Pupunta na po kayo sa ospital, Ma?" Makoy asked when he saw me on my white uniform. Naupo sya sa sofa na kanina'y hinigaan nya.
Pinauwi ko na muna si Nana Lena kanina dahil alam kong kulang pa ang tulog nya.
"Yup. Halika na. Idadaan na kita kay Nana Lena." I said and gently held his cute little hands.
It was 7:30am when I arrived at the hospital. It was peaceful and quiet. Ibang-iba sa maingay at di magkandaugagang ospital na nakasanayan ko.